Chapter 17

64 23 0
                                    

Tristan's POV:

***Medrano's residence

Ang nakalipas,di na binalikan
Mula nang ang puso'y,labis na nasaktan
Naghilom lubusan nung nanahimik lang ngunit ano itong
Naririnig ko na naman.

Di nawala,
Di naaalis,sa isipan ko.

Di nawala,Di naaalis.Pagibig sayo.

Ngunit kay tagal,walang kapalit
Ang katulad mo.

Di ba tadhana ito,bakit bumabalik sayo.

Sa dulo
Sana tayo pa rin
Nananalig at di mamadaliin,
Dahil kung para sa atin dun tayo dadalhin.
At kung di mawala.at di maalis
Di mo man alam ikay iibigin.

Natapos akong kumanta...

Nandito ako ngayon sa kwarto ko,rest day walang pasok.Matagal tagal din akong hindi nakatikim ng pahinga,simula nung umalis si Manager Joan,kailangan ko kasing iassist si Sir Asher sa shop,pero ngayon okay na, nakapag adjust na sya.

Napasilip ako sa bintana,umuulan na pala,tinignan ko ang oras sa cellphone ko,ala singko na pala ng hapon,nasaan na ba si Cahil?kanina ko pa sya inutusan para daanan yung naiwan kong tshirt sa shop pero until now,hindi pa rin umuuwi.Nagpasya akong bumaba at sa sala ko na lang aantayin ang kapatid kong singbagal ng pagong kung kumilos,alam naman nyang lalabhan ko pa ang tshirt ko na yun dahil yun ang gingamit kong damit kapag tapos ng duty ko tapos hindi sya agad uuwi.

Nagpasya akong magpatugtog ng paborito kong mga kanta mula sa paborito kong singer,ako lang kasi ang nasa bahay ngayon,umalis din kasi ang parents namin,nag date siguro.

Halos,patapos na ang pinakikingan kong kanta ng marinig kong may nagbukas ng gate,pagtingin ko sa orasan,mag aalasyete na pala ng gabi.Mya mya pa'y biglang bumukas ang pinto.Si Cahil na pala.

"Anong oras na ah?bakit ngayon ka lang?gusto mo isumbong kita kay mommy?gabi kana umuwi."-ako

Nakatayo lang ang kapatid ko sa tapat ng pintuan,nakasibangot,mukhang nabadtrip sa sinabi ko.

" Nakuha mo ba yung tshirt ko sa shop?."-tanong ko muli

Kasabay ng pagtatanong ko ang pag irap ng mata nya,haynako kahit kelan talaga ang batang ito,napaka maldita.

"Hindi ko nakuha yung tshirt mo kuya.''-sagot ni Cahil

Pagkasabi nya nyan,inihagis nya ang sling bag na dala nya sa sofa at bigla akong itinulak sanhi para mapaupo ako sa isa pang sofa namin,nakatayo kasi ako sa harapan nya kanina.

" Problema mo?saka ginabi ka pero hindi mo nakuha yung pinakukuha ko sayo ?"-inis kong sabi

Hindi agad sumagot si Cahil,sa halip pumunta sya sa cabinet na lalagyanan ng mga grocery namin na malapit sa dining area,kumuha sya ng paborito nyang sitsirya,tapos bumalik sya sa sala na kinalalagyan ko at umupo sa tabi ko.

"Actually kuya,hawak hawak ko na yung damit mo,ibinigay ni Ate Hikari kaso may masamang hangin akong naabutan sa shop niyo kaya ayun,naiwanan ko nung umuwi ako."-cahil

" Anong sinasabi mo?hawak mo na tas maiiwan mo pa?bakit binitiwan mo ba ulit?"-sabi ko

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at kumuha ng tubig sa ref,nakakinis kasi tong kapatid ko,nahahigh blood yata ako.

"Hindi ko binitawan,ibinato ko dun sa bwiset na nakita ko sa shop nyo?"-Cahil

Tinitigan ko ng masama ang batang ito at takang taka na ipinakita sakanya ang reaksyon ko.

Broken Promises (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن