Chapter 14

59 22 2
                                    

Ram's POV:

Papasok na ako sa loob ng bar na pinag kakantahan nina Lyrics at Roan kasama ng banda nila.May dala akong bouquet of flowers,pang peace offering ko kay Lyrics.Alam kong mali ako sa mga sinabi ko sakanya nung mga nakaraang linggo,mali na tanungin ko pa sya kung may nararamdaman pa syang pagmamahal sa ex nyang si Tristan.Pagod lamang siguro ako nung mga oras na yun kaya kung ano anong pumasok sa utak ko.

Alam ko naman na mahal ako ng girlfriend ko,malaki ang tiwala ko sakanya.

Sobra ko na syang namimiss,isang linggo na kaming hindi nagkakausap,nababadtrip ako kapag nakikita kong online sya pero ni hindi man lang ako minemessage,alam kong binigyan nya lang ako ng panahon para makapag isip at mawala na yung pagtatampo ko.

"Goodevening sir"

Napangiti naman ako sa pagbati sa akin ng gwardya ng bar na ito.

"Magandang gabi din Boss."masigla kong sagot

Pagkatapos kong bumati,bahagya pa akong huminto sa paglakad para makapag spray ng pabango,baka nag amoy usok na ako,nagcommute lang kasi akong pumunta dito.Kinuha ko sa suot kong backpack ang paborito kong pabango at banayad na inispray sa aking damit.

Nang makapag spray na ako,dahan dahan kong binuksan ang pintuan,para makapasok ako.Nang nakapasok na ako nakita ko ang maraming tao na nandirito sa loob.Ganito lagi ang scenario kapag may gig ang bandmates ng gilfriend ko,syempre napaka ganda kaya ng boses ng babe ko,kaya nagugustuhan ng mga guest sa bar na ito ang mga performance nya.

"Ram!"-sigaw ni Roan

Lumapit ako sa pwesto nya na nandirito sa pinaka dulong parte ng bar na ito.

" Kumusta?"-bati ko

"Heto,ligawin pa rin ng mga afam.haha"-biro ni roan

" Swerte naman nila sayo."-pagpuri ko

"Sinabi mo pa!haha anyways,Nagkausap na ba kayo ni Lyrics?"-tanong nya

" Hindi pa."-sagot ko

"Till now?ano ba?ayusin mo na to Ram,alam mo naman ang bestfriend ko mataas ang pride at may pagka loka loka,kaya suyuin mo na."-pilit ni roan

" Oo,sanay na ako sa kaibigan mo,kaya nga oh!Nagdala ako ng bulaklak pang peace offering."

Pagkasabi ko nyan ipinakita ko pa sakanya ang dala kong bulaklak

"Awww,ang sweet naman this boy.Alam mo,kalimutan mo na yung mga kabaliwan ni Lyrics Silva,yung tungkol sa kanila ni Tristan,matagal ng tapos yun,mahal ka ng bestfriend ko I swear,sinabi nya sakin yan kaya,kalimutan mo na yun."-roan

Napangiti ako sa sinabi ni Roan,dapat ko na talagang alisin sa isip ko ang tungkol sa Tristan na yun

" Thankyou Roan,tingin mo ba magugustuhan nya itong red roses na dala ko?"-tanong ko

"Oo naman,kaso mamaya mo pa yan maibibigay sakanya,nasa stage na kasi sila."-roan

Ibinaling ko ang aking paningin sa direksyon kung saan naroon ang miss na miss ko nang girlfriend ko.

Napakaganda nya talaga kaya lalo akong naiinlove sa babaeng ito e.Nakaputing tshirt sya,jeans na short at kulay brown na boots na hanggang tuhod.Napakasimple nya,ito ang nagustuhan ko sakanya.

" Ram,mukhang na amaze kana naman sa kaibigan ko haha iwam na muna kita dyan ha,magreretouch lang ako,nakaka chaka yung girlfriend mo e pakaganda haha."-roan

Ngumiti na lamang ako sa sinabi ni Roan.Iniwan na nya ako sa kinatatayuan ko,pinagala ko ang mata ko upang makahanap ng mauupan pero sa sobrang dami ng tao,wala akong nakitang bakante.Tumayo na lamang talaga ako.

Narinig ko nang nagumpisang tumugtog ang bandmates ni Lyrics,nakaupo ang girlfriend ko sa isang metalic na upuan.As usual naka pikit sya.Hindi pa nya alam o napapansin na nandito ako,for sure masosopresa sya na pinuntahan ko sya dito.Sana magkaayos na kami.

Nagumpisa nang kumanta si Lyrics.

O dios ko,
Isang araw lang ang hinihingi ko,
Isang araw lang naman
Pagbigyan mo na ako
Ibigay mo na sa akin to
Nang maramdaman muli
At marinig muli na
Mahal niya rin ako.

Ako na lang ba talaga ang lalakeng ganito?yung tipong pinamumukha na sayo na hindi buo ang pagmamahal nya sayo pero,heto ka nakatingin lang sakanya,nagpipigil ng emosyon.

Akala ko masosorpresa ko sya?pero nagkamali ako,ako pala ang sinurpresa na naman nya.

May kasabihan tayo na Kung hindi mo kayang sabihin harap harapan,idaan mo sa pag awit,idaan mo sa pagsulat ng mga kanta,at tyak hindi lang ikaw,hindi lang sya ang makakaramdam ng nais mong imensahe,maging ang buong mundo malalaman kung ano ang nasa puso mo.

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga oras na ito.Ano bang nagawa ko sakanya para iparamdam sakin ang napakasakit na pakiramdam na ito.

Nasa mga huling letra na ng inaawit nya si Lyrics,alam ko sa pagbukas ng mga mata nya,makikita na nya ako.

"Ram,bat hindi ka maupo?"-roan

Rinig kong sabi ni Roan,pero hindi ako kumibo.Binalewala ko lamang sya.Ang tanging naiisip ko lamang ay kung  paano ko ba mapapalitan sa puso ng girlfriend ko ang ex boyfriend nyang sobra nyang minahal at minamahal pa hanggang sa mga oras na ito.

Natapos ang pag awit ni Lyrics,nagpalakpakan ang mga taong nanunuod sakanya,may mga nagsigawan pa nang HUGOT NA HUGOT PARA SA AMING MGA BROKEN HEARTED ANG KINANTA MO.Para sa broken hearted ang kantang yun?kanta lang yun,pero bakit iba,iba ang nararamdaman ko,bakit sa twing maririnig kong umaawit si Lyrics mistulang tanga ako na nasasaktan,bakit sinasabi ng isip  ko na magising na ako sa katotohanan na mahal ako ng girlfriend ko pero mas mahal nya ang exboyfriend nyang si Tristan.

Idinilat na ni Lyrics ang kanyang mata,at nang mapadako sa kinaroroonan ko ang paningin nya,tinitigan nya ako ng mabuti.

Heto na naman kami,magkatitigan.May pilit na binibigay na mensahe ang kanyang pagtingin sa akin.Ano ba iyon?Wala na akong maisip na tamang dahilan pa.Kailangan ko nang mailabas ang galit na nasa puso ko,pero ayoko itong makita ni Lyrics.Ayaw ko.Ayaw ko.

Binitiwan ko ang hawak kong bulaklak.

Nginitian ko si Lyrics,habang pilit na tinatago ang emosyong dapat ipakita ng mukha ko.Matapang ako sa ibang bagay,kaya kong tiisin lahat ng sakit ng katawan ko pero,dahil sa taong mahal ko nagiging mahina ako.

Bago pa man bumaba ng stage si Lyrics,nagmamadali akong lumabas ng bar na ito.Bigo.Talunan,Wasak....

Patapos na ang gabi.
Nasa lugar ako kung saan patay sindi ang mga ilaw.Kung saan may mga babaeng nagbibigay ng panandaliang aliw.

Sigarilyo,alak at babae ang magiging sandalan ko ngayon.

Kahit hindi sabihin sa akin ni Lyrics na hindi nya ako mahal,pinakita at pinadama na nya ito sa akin..

Masakit.Sobrang sakit.Ano bang meron si Tristan na wala ako?.Alam ko na.Na kay Tristan pa rin ang pagmamahal ni Lyrics at yun ang wala ako.

"Hey,boy..can i join you for a while"

Isang babae ang lumapit sa akin.
Ayaw kong magtaksil sa babaeng mahal ko,pero dahil gusto kong makalimot kahit ngayong gabi lang.Kakalimutan ko na mabuting tao ako.

....

[End Of Ram's POV]

Broken Promises (COMPLETED)Where stories live. Discover now