Tristan's POV:
**McLibee Coffee Shop
Patapos na ang duty namin ngayong araw.Closing kami ni Alien.Nandito pa rin pala si Sir Asher,pansin ko napapadalas ang pag oover time nya.
Natapos na ako sa mga gawain ko kaya nagpasya na akong magpalit ng damit dito sa crew room,dating gawi isang puting tshirt ang sinuot ko.
"Tukmol?."-hikari
Tok!tok!tok!
Bahagya akong nagulat ng biglang kumatok si Alien sa pinto.
" Ano yun?"-tanong ko
"Paki bukas yung pinto,may sasabihin ako sayo."-hikari
" Naka brief lang ako,okay lang?haha"-biro ko
"Haynako Tukmol huwag mo nang buksan kagigil ka ang halay mo."-pagtataray ni hikari
" Biro lang haha ano bang sasabihin mo?"-tanong ko
"Sabay tayong umuwi?para naman mailibre moko ng balut dun sa kanto."-hikari
" Saan yun?saka may patago ka sakin na pera?"-sabi ko
"Sa kanto nga duon malapit sa PATAY SINDI NA ILAW na kainan."-hikari
" Haha bakit mo alam yun?pumupunta ka dun noh?haha"-ako
"Kapal mo!baka ikaw.."-sagot ni Hikari
Hindi ako agad sumagot dahil inayos ko pa ang loob ng bag ko.
"" Hoy?tukmol!gising ka pa ba?ano ililibre mo ba ako?"-hikari
"Oo na!Tandaan mo ha hindi ka kasama sa budget ng nanay ko haha."-biro ko
" Haha wala akong pake haha."-hikari
Bigla kong binuksan ang pinto ng crew room sanhi para mapasubsob si hikari sa sahig.
"Alien anong ginagawa mo?binobosohan mo ba ako?Sinira mo na ang puri ko!!"-sabi ko
" Tanga!kapal mo talaga!Hindi kasi kita marinig kaya nilapit ko ang tenga ko sa pinto!"-hikari
"Ayy ganun ba sorry haha."-sabi ko
Tinulungan ko makatayo si Alien mula sa pagkakasubsob nya.Hindi ko talaga mapigilang mapatawa sa nangyari sa kanya.
" Hikari?Tristan?"
Nagulat ako sa bigla ng may magsalita mula sa aking likuran.
Nilingon ko agad at tinignan kung sino ito."Ikaw pala yan Sir Asher."-sabi ko na may ngiti
Nginitian din ako ng manager namin.Kasabay nito ang bahagya nyang pagkilos paalis ng bigla ko syang pigilan.
" Sir Asher.Nagmamadali ka bang umuwi?"-tanong ko
Mabilis na lumingon muli si Sir Asher,at mabilis ding sumagot nang.
"Hindi naman Tristan.Bakit?"-nakangiting sagot ni Sir Asher
" Kakain sana kami ni Hikari ng balut sa kanto baka gusto mong sumama,diba alien?"-ako
Lumingon ako kay Alien at hinantay ang sagot nya,kasalukuyan syang nagpapagpag ng pants nya na naalikabukan ng masubsob sya kanina.Medyo nakabusangot pa nga ang isang ito.
"Huy!alien!diba kakain tayo ng balut sa kanto!"-tanong ko muli
" Oo."-matipid na sagot ni Hikari
Mukhang inis pa rin ito kay Sir Asher ah.Ito na ang pagkakataon ko para mailapit sila sa bago naming manager.
"Tris,okay lang na mauna na ako,baka "me time" nyo magbestfriend ngayon,next time na lang ako sasama."-sabi ni Ashet
BINABASA MO ANG
Broken Promises (COMPLETED)
RomancePangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinanga...