Chapter 24

64 16 2
                                    

Asher's POV:

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Lia dito sa paligid ng foodpark.May kalakasan na ang buhos ng ulan,buti na lamang at may dala akong payong.Hinahanap namin ngayon si Tristan bigla na lamang kasing nagwalk out kanina.Kinakabahan ako na baka kung mapaano yun nakainom pa naman.

Mahigit isang oras na kaming nag hahanap sakanya ni Lia.

"Sir A.?Saan pa kaya natin hahanapin si Tristan?Halos nalibot na natin ang buong foodpark.?"Lia

"Nandito lang yun Lia.Kailangan natin yun mahanap baka mamaya kung napaano na yun."-Ako

"Sige Sir A."-lia

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad ni Lia ng makarinig kami ng announcement mula sa stage na pinagdarausan ng October fest.

"Pinatitigil na nila ang event?"-ako

"Sobra na kasing lakas ng ulan Sir.Kahit tayo oh?nababasa na rin.Sumilong na muna kaya tayo?"-Lia

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Lia.Hindi ko na napansin na basang basa na din pala kami,walang silbi ang payong na dala ko sa biglaang paglakas ng ulan.Napadako kami Lia para sumilong dito sa backstage ng event ng mga banda.

"Sir A?may bagyo ba?grabe bakit ngayon pa umulan ng ganito kalakas?kung kailan pa nawawala si Tristan?Nasaan na kaya yun?."-Lia

Hindi ko na sinagot ang mga tanong ni Lia,kinuha ko na lamang sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko.Nagtry ako na tawagan si Tristan.

"Shit!Mukhang inooff ni Tristan ang cellphone nya."-inis kong sabi

"Humanda talaga sakin yun Sir kapag nakita natin.Pinakakaba nya tayo e."-Lia

"Sana naman walang mangyaring masama sakanya."-Ako

"Sir A..Kakaiba yung pagiging concern mo kay Tristan."-Lia

Nagulat ako sa biglang sinabi ni Lia.Napatitig ako sakanya.

"Sir A.Huwag kang magagalit sa akin ha.Ano po kasi.."-Lia

"Uhmm ano yun Lia?"-ako

"Napapansin ko po na may kakaiba sayo."-Lia

"Huh?"-ako

Nabigla ako sa sinabi ni Lia.Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay.

"Sir A,gwapo ka,macho,mabango,napakalakas ng dating sa aming mga babae.Makalaglag talaga ng panty yung hitsura mo,lalo na kapag nakangiti ka susme nawawala yung mata mo.Chinito hearthrob ka po talaga.Ang problema nga lang ay.."-Lia

Napalunok ako sa mga sinasabi ni Lia.Nakakaoverwhelm lahat ng papuring binabanggit nya.

"Sir....Are you gay?"-Lia

Hirap na hirap na binitiwan ni Lia ang tanong na yan.Ipinikit din nya ang kanyang mga mata.Hindi ko alam kung paano nya nalaman ang tunay kong pagkatao.Alam ko naman sa sarili ko na tinago ko itong mabuti.Iilan lang ang nakakaalam ng sexual prefference ko at lahat sila ay hindi connected sa trabaho ko,ayaw ko kasing dalhin ang alter ego ko sa mundo kung saan dapat propesyunal ang kilos at gawa.

"Yes.Your right Lia.Im not straight.Im part of the LGBTQ+ community."-ako

Nang masabi ko kay Lia ang mga salitang yan ay kitang kita sa mukha nya ang labis na pagkabigla.Nanlaki din ang kanyang mga mata.Nanatili naman akong kalmado.

"Sir?Sorry po kung naitanong ko sayo ang bagay na ito pero po hindi na talaga ako mapakali lalo pa ngayon na nawawala si Tristan lalo ko pong nahahalata na may kakaiba sa kinikilos mo."-Lia

Kitang kita sa kilos at reaksyon ni Lia ang labis na kahihiyan.

"No worries Lia.Naiintindihan naman kita.Handa naman ako sumagot sa kahit sinong makakapansin kung ano talaga ang tunay kong pagkatao."-ako

Broken Promises (COMPLETED)Where stories live. Discover now