" Magkasama na naman kayo. " Sabi ni Saunier ng makalapit sa'min.

" Pigilan mo 'ko Saun at baka masapak ko na ang torpeng 'to! Alam mo bang sinasayang niya yung chance kay Shairan lagi." Sabay pout ko, natawa naman si Saun at binigyan ng tips si Tonny pero hindi naman nakikinig si Tonny at nakatingin lang kay Shairan.

" Hanggang titig ka na lang ba? " Sabi ni Saun. Bigla namang tinakpan ni Tonny 'yung mukha niya gamit yung vest niya.

Naka vest na itim kase 'yung uniform ng boys namin sabay may necktie na black, tapos hindi sila naka long sleeves.

" Nahihiya kase ako, Ate Saun. "

" Mag-congrats ka later kapag nanalo siya sa pwestong muse. " Sabi ko sakaniya. Predicted ko na naman kaseng siya ang mananalo. Walang wala ang mga muse namin sakaniya 'no.

" Tapos ako Escort. " Pataas taas niyang kilay sa'ken habang nakangiti. Munggago.

Nung magpupuntos na nakipag-deal ako kay Jian. Pumwesto kase si Aiken bilang presidente.

" Kapag nalaman kong si Adrian ang binoto niyo at hindi si Aik, tig-iisang kutos kayo sa'ken. " Banta ko kay Jian at sa iba pa naming kaklase na lalake habang pinapanood ang pagpupuntos sa mga kalahok.

" Kapag nanalo si Aik, ililibre mo 'ko ng coke. " Ngiti ni Jian. Easy, nakipagdeal ako sakaniya.

" Ella, Santos, Shairan, Salvador. "Isa isang sigaw ni Ma'am Meira at si Ma'am Juels naman ay sulat ng sulat.

Bigla akong nagulat ng dumikit yung labi ni Alton sa pisngi ko pero may takip na Vest. PERO RAMDAM KOOOO!

Napa-iwas agad ako, sa katangahan ko nauntog ako sa pader.

Puta ang saket, napahawak agad ako sa ulo ko.

" Ayan tanga. " Sabi nito, sinamaan ko lang siya ng tingin.

SINO BA NAMANG HINDI MAGUGULAT SA GINAWA MO?!

Gustong gusto kong sabihin sakaniya 'yan. Mygash! Corner pa ako.

" Nadinig mo sabi ni Ma'am Meiran? Shairan Salvador daw oh. Wooh. magiging apelyido din 'yan ni Shairan~ "

Kinikilig niyang sabi sa'ken. " Kung gumagawa ka ng paraan para makuha siya, kaso wala eh, kaya impossible. " Irap ko sakaniya.

Inabot din ng minuto at nakita na namin yung result, muntik ko pang masapak si Jian na nasa may pintuan lang ng classroom namin na malapit lang sa pwesto namin ni Tonny at Saun kase muntik ng matalo si Aiken sa President and WOOOOOOOOOH!

Nagsigawan ang lahat nang nanalo. Guess what!? STAR PARTYLIST!

Star Partylist kase ang pangalan ng party list namin. Napakaganda ng meaning niyan pero nakalimutan ko na ang meaning, haha.

Ang hindi lang nanalo sa'min ay 'yung muse namin, kase galing ibang party list si Shairan. Nag-congrats samin si Ma'am Meiran at iba pa, hinigit naman ako ni Alton.

" Picture-an mo kami ni Kuya Aik." Utos nito. Since Camera Woman naman ako, kase ako nagpipic kanina. Ako kase naghahandle ng mga pictures sa school.

Tulad ng sabi ni Alton pinicturan ko sila ni Aik. " Ang President at ang natalong Escort. "

" Upload mo yan ha? Pati 'yung atin." Tumango-tango naman ako sa sinabi niya.

" Mag-congrats ka na kay Shairan." Sabi ko sakaniya, tinignan niya lang ako sabay in-akbayan.

" Nahihiya ako. " Sabi nito, tinaasan ko siya ng kilay. Dumali na naman siya sa hiya hiya niya.

" Bahala ka dyan, wala talagang mangyayari sa'yo. " Sabi ko sakaniya, sinundan niya naman ako papunta sa classroom. " Uuwi na ako. "

" Lah! Hinatayin mo 'ko! Kunin ko lang bag ko." Sabi niya sabay nilayasan na ako. Pwede na kasi kaming umuwi, inabot din ng 3 hours yun ha.

" Khy, 'yung libre! Sabi sa'yo mananalo si Aiken e. " Sabi ni Jian.

" Oo na. O eto pera, pambili niyo na." Sabi ko sabay abot ng pera sakanila. Tumutupad naman ako sa usapan e.

Nung nakalabas na ako ng classroom, tinawag naman ako ni Ma'am Meiran at kinausap tungkol sa dance audition na magaganap ilang days lang pagkatapos nitong election.

Kami kase nina Saunier at Lyn ang maghahandle ng group once na nakakuha na kami ng mga dancer. Pero ako ang kukuha ng mga sasayaw kase si Saun hindi marunong tumingin sa mga nasayaw compare sa'ken. Si Jaslyn kase ang mag-emcee sa gaganaping event.

Kung tutuusin mas pinaghahandaan ng mga students ang event na 'to kesa sa election.

" After that is the Oath Taking. Sasayaw kayo don and magpapakain 'yung mga nanalo. " Napa What the F na lang ako sa sinabi ni Ma'am Meiran sa'min. Grabe, gagawa agad kami ng sayaw tapos magpapakain pa 'yung mga nanalo, ay grabe naman o. " Don't worry, matagal pa naman ang Oath Taking. Ma-uuna muna 'yung audition kase sa thursday na 'yun."

Tumango naman ako sa sinabi ni Ma'am.

Pag-uwi ko as usual kausap ko si Tonny pero this time may isa pa akong kausap.Si Xarles. Bessy kong lalaki sa chat. LDB kami e, Long Distance Bestfriend, hahaha.

Isa talaga sa mga customer ko sa arts ko si Xarles. Na-meet ko lang siya sa game na Line Play nung grade 7 palang ako, summer at turning grade 8 ako sa pasukan. Naging close naman kami pero nawalan ng contact n'ong 'di na ako nag-active sa Line Play.

Tapos this year, nagb-browse ako sa art fb account ko nung makita ko 'yung mga dummy account ng mga Line Play players then napansin ko si Xarles, with his name Xarles Dum.

Tapos in-add ko lang siya sa main account ko. Kase feeling ko kilala ko siya, pamilyar kase 'yung name niya sa'ken.

Mga usap-usap lang ganern kami, tapos bigla niyang sinabi 'yung username ko sa Line Play tapos d'on ko napagtanto na siya 'yung customer ko na OppaiSenpai. In-stalk niya kase 'yung mga arts ko sa albums ko sa timeline. Tapos nakita niya 'yung commission ko sakaniya n'ong 2014.

Pero still, 'di niya parin sinasabi sa'ken 'yung real name niya. Pero malalaman ko rin 'yan, basta sabi niya Xarles real name niya.

"'Kaw ha, crush mo pala si Escort." Napaputang-ina ako sa chat ni Xarles.

180929

#11CodesGameOver

===========

Follow me on my Twitter Account: @amimarisame

Like my facebook page: @amimarisame

Follow me on Instagram: @amimarisame

for more updates about the story! 

Ask me on my Curious cat @amimarisameabout the story! 

Thank you for supporting 11 Codes: GAME OVER! Godbless you all and stay hydrated! ^^ 


11 Codes: GAME OVERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora