So, bago dumating ang election day, dumaan muna sa pagbibigay ng fliers at pagdidikit ng vote si ganito ganyan ganyan sa pader at eklabu ang bawat partylist pati ang pagtatalumpati sa bawat classroom at pangangako kapag nakuha nila ang pwestong gusto nila.
Hagardo versosa kaming lahat. Pero siguro magiging worth it din naman.
" Bukas na 'yung election day, piliin niyo kung sino ang nararapat sa pwesto. " Tumango kaming magkakaklase sa sinabi ni Ma'am Meiran. Sinabi ko na din sa mga kaklase ko na iboto ang partylist namin at iboto si Tonny sa Escort.
Um-oo naman sila.
Kinabukasan after ng break time, hinanda na 'yung mga kagamitan. Speakers, Microphone tapos 'yung iba pa. Pinapunta na din lahat ng Students sa labas ng classroom namin kung saan magaganap ang election.
Maliit lamang na building 'tong school namin, 'Di pa kase tapos 'yung building for high schools and kasalukuyan kaming nasa Elementary Building. Sa harap ng classroom namin ay isang malawak na lugar upang makapaglarosa p.e tapos katabi ng classroom namin 'yung Home Economics Room, nasa harap nito ang stage na kasalukuyang may speakers at kemerut.
Nakasulat sa greenboard ang mga pangalan ng mga iboboto at nasa stage ang mga upuan na uupuan ng mga boboto.
Actually, okay lang naman saken na nandito kami sa Elementary Building kase ang c-cute ng mga bata at ang sarap nilang kalaro, lalo na 'yung anak ng guard na si Baby Angel.
Nang handa na ang lahat nagsi-boto na kami kung sino ang iboboto. After kong bumoto nanatili na lang ako sa isang tabi katabi si Tonny na kasabay ko lang din na bumoto. Inaantay na lang namin yung result kase mabilis lang din naman 'yun.
Habang nag-aantay dahil madami pang students na boboto, pinagmamasdan lang namin ni Tonny si Shairan na kasama yung mga frenny niya.
" Lapitan mo. " Pilit ko kay Tonny. Nasa isang corner lang kami. Kung baga nasa sulok ako tapos siya nakadikit sa'ken. Pinagdidikitan niya sarili niya sa'ken. Hindi naman madaming tao, parang tanga.
" Ano sasabihin ko? "
" Hi? "
" Nahihiya akooo! "
" Lintik na-! Ayan naunahan ka na ni Shin! Wala kang kwenta eyebags! " Pagmamaktol ko kay Tonny ng makita ko si Shin na lumapit kay Shairan tapos umakbay. " Mas hokage pa sa'yo eh. "
" Baka si Naruto siya." Pinanliitan ko ng mata siya dahil sa sinagot niya.
" Galing brumeezy ni Kuya Ishin. "
Kung alam niyo lang, gigil na gigil ako kay Alton. Kung nasa pwesto ko kayo baka nahampas niyo na siya na nagbabagang kahoy sa katorpehan niya.
" Bakla naman. " Sagot niya agad.
" Mas pogi naman sayo. " Banat ko.
" Bakla parin."
" Baka ikaw 'yung bakla. " Bigla niya akong pinisil sa cheeks tapos napaharap ako sakaniya. Tapos napasandal na ako sa pader kase nasa sulok nga kami.
POTANGINA, WHAT THE PAKENING PAKENG SHET IS THIS! KABEDON ANG HOTA!
Bigla niya kaseng itinukod 'yung braso niya sa pader, ang lapit pa ng mukha niya! Ang baho ng hininga mo pre. Char lang.
" Putangina ka, ang saket. "
" Hindi ako bakla." Ang lapit ng mukha niya sa'ken. Inirapan ko lang siya tapos kinuha yung phone ko.
" Ay picture tayo. " Tulad ng sabi niya nag-picture kami. First picture naming dalawa 'to kase yung una epal siya, parang singit lang hahaha medyo blur pa mukha niya.
YOU ARE READING
11 Codes: GAME OVER
RomanceI'm not allowed to tell you this... So I'm going to tell it to you in a different way... 11 Codes: GAME OVER... Please answer it...
Code 2
Start from the beginning
