Forty Six || New Day

139 5 0
                                    

•46•

Andrea's POV

Good morning!

“Good morning Mamsie! Good morning Papsie! Good morning Allen!” masayang bati ko sa kanila sabay upo sa tabi ni Allen. Bagong araw, bagong simula. Kalimutan ang nangyari kahapon, ganyan nga Andrea—ganyan nga.

Napatingin ako sa kanila dahil halos lahat sila ay napatigil sa pag kain. “Bakit?” tanong ko. Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng ulam.

“Ikaw ba 'yan Andrea anak?” tanong ni Papsie.

“Oo naman Papsie. Wala ng Andrea na maganda sa mundo, only meh!” sagot ko sabay ngiti.

“Oh!” napatingin ako sa relo ko at nakita kong mag se-seven na! Late ka na naman! “Sa company na lang po ako kakain! Bye fam, muah!” tumayo na ako sa pagkaka upo at kumuha ng isang sandwich. Lumabas ako sa bahay namin at agad naghanap ng taxi.

It's a new day for me!

[After a minutes]

“Bulaga!”

“A-andrea.” umupo ako sa tabi ni Aira samantalang nasa kabila sila Mia at Charlie. Na miss ko din sila no?

“Andrea is that you?” tanong sa akin ni Aira. Ngumiti naman ako sa kanya—oo ngiti to.

“Bakit ba tinatanong niyo kung ako to? Of course! Yes! Ako 'to!” sagot ko. Hinarap ko sila Mia at Charlie na nakatingin lang din sa akin.

“Order lang ako ah.” tumayo ako at pumila sa counter. Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga employees. Bakit?

“Nakabalik na pala siya no? Asan kaya ang Boss?”

“Oo nga no. She's here, where's the Young Boss?”

Pilit akong ngumiti at umaktong parang walang narinig. Nung ako na ang kasunod ay inorder ko ang lagi kong in-order. “One Cappuccino at one slice of Buko Cake, please.” sabi ko. Parang nagulat pa yung babae pero sumunod na agad siya.

“Thank you.” pagka bigay nung order ay tumabi ulit ako kay Aira at nag simula ng kumain.

“So guys ano na palang nangyari sa presentation natin? Tungkol kay Ian? Sorry ah, n-nawala ako ng ilang araw.” sagot ko habang nakain.

“W-woah. Is that you Andrea?” tanong ni Charlie. Aba't— “Oo nga. Ako nga 'to, may problem ba?” tanong ko. Kahit alam kong meron—wala wala.

“N-nothing. Para kasing nakalimutan mo na si Br—”

“Wow! Chocolate cake! Masarap? Patikim!” kumuha ako sa cake ni Mia at tinikman ito. Sana na gets nila 'no?

“A-ah right! There's no problem Andrea. So uhmm, ayos na ang presentation natin with my brother.” sabi ni Aira. Nginitian ko naman siya, buti na lang gets niya.

“A-ah oo, oo.” sagot din ni Mia.

“Oh my gosh! The boss!”

“Gosh! Ang gwapo niya pa rin!”

“Nakabalik na siya!”

Nanlambot ako sa narinig ko kaya agad akong napatayo. “U-uh guys C-cr lang ako ah!” tumakbo agad ako patakbo sa CR bago pa ako maabutan ng Boss. Pumasok ako sa isang cubicle at ni lock ang pinto. Napa upo ako sa bowl na sarado at napahawak sa mukha ko.

Bakit hindi mo po siya kayang makita Andrea? Bakit?

Tumayo ako at nagtatalon ng tatlong beses. Lumabas ako sa cubicle ko at nagpunta sa sink. Binasa ko ang kamay ko at pinunasan ng tissue habang pabalik balik ang lakad.

Young BossWhere stories live. Discover now