Fifty One

157 6 0
                                    

FIVE MONTHS LATER

"Andrea! Gumising ka na!"

Nagising kaagad ako ng marinig ang malakas na boses ni Mama.

Napatingin ako sa alarm clock ko.

6:45 am.

Oras na naman para bumangon at maligo dahil may trabaho na naman ako ngayon.

Matapos kong gawin ang morning routine ko, nag-suot kaagad ako ng casual dress at nag-lagay ng kaunting make-up sa mukha ko.

"Morning, ate."

"Morning." bati ko din kay Allen pagdating ko sa dining area. Maaga din 'yan nagigising dahil may pasok siya sa school.

"Nasaan si Papa, Ma?" tanong ko habang umuupo sa upuan.

"Nililinis 'yung sasakyan." sagot niya sa akin. "Gael! Kakain na! Halika na muna dito!" tinawag niya na din si Papa.

Nang makumpleto na kami, nag-simula na kaagad kaming kumain.

Limang buwan.

Limang buwan na ang nakakalipas simula ng.. araw na 'yon.

Tandang-tanda ko pa ang tanong ni Mama sa akin noong makita niya akong nakatayo sa labas ng bahay namin. Hindi ko siya sinagot noon, ang ginawa ko lang ay niyakap siya ng mahigpit at humagulgul ako ng sobra.

Limang buwan na nga ang nakakaraan, pero grabe, kapag naalala ko 'siya', sumasakit na naman ang dibdib ko.

Alam ko.. ako ang nang-iwan sa kanya.

Ako ang bumitaw.

Pero..

Hinintay ko talaga siya.

Akala ko ay susundan niya ako dito sa Baguio.

Pero akala ko lang pala 'yon. Dahil hanggang ngayon, hindi pa din siya pumupunta dito.

Kumirot na naman ang dibdib ko.

Siguro nga ay tinapos niya na ang relasyon namin. Siguro nga ay galit siya sa akin. Naiintindihan ko naman siya.

Dahil ako ang mismong nang-iwan sa kanya.

"Andrea, halika na. Baka ma-traffic pa tayo."

Sumunod kaagad ako kay Papa. Pag-sakay namin sa sasakyan, kaagad niya na itong pinaandar.

Maayos na nga pala ng braso ni Papa. Naka-recover na din siya, sa wakas.

"Hindi naman traffic, Pa." saad ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.

Papunta kami ngayon sa lugar kung saan ako nagta-trabaho. Sa Dawnlens Company pa din naman, pero 'yung maliit na branch lang. Tinupad naman no'ng President ang sinabi niya sa akin. Binigyan niya ako ng trabaho dito. Executive assistant din, pero ng Manager, hindi ng CEO, dahil Manager lang naman ang highest na position na nandito.

"Thank you, Pa. Ingat ka pag-balik." humalik ako sa pisngi niya.

"Galingan mo sa trabaho, 'nak."

Ngumiti ako, "Opo, Pa." sagot ko.

Pag-alis ng sasakyan niya, pumasok na kaagad ako sa building. Four-story building lang ito. Maliit na branch lang talaga kumpara sa building na nasa Manila.

"Good morning, ganda!"

Napangiti ako ng marinig ang boses nila. Sobrang babait talaga ng mga empleyado dito. Limang buwan pa lang akong nandito, pero grabe, close ko na silang lahat.

Young BossWhere stories live. Discover now