Seven || Text

349 10 0
                                    

•07•

Andrea's POV


“Nakakain na si Papsie, Mamsie?” tanong ko kay Mamsie pag upo ko sa upuan. Nandito kami sa dining area ng fam ko, without Papsie kasi nasa kwarto siya.

“Oo.” sagot ni Mamsie.

“Anong ulam?” pagdating agad ni Allen ay yan agad ang tanong niya. Maarte yan eh!

“Hmm adobo? Pede na.” umupo siya sa tabi ko at nagsandok agad ng kanin.

“Ops!” pigil ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa akin. “Why?” he ask.

“Pray muna noh.” sabi ko at wala siyang nagawa. Inintay ko munang maka upo si Mamsie bago ako nagdasal, pagkatapos kong magdasal ay nagsimula na kaming kumain.

“Ate pag gawa ulit assignments.” sabi ni Allen kaya sinamaan ko siya ng tingin. “15 years old ka na Allen ako pa rin ang pinapagawa mo ng assignment mo!” yamot na sabi ko sa kanya.

“Why ate? You're genius right? Dali na. Ang hirap naman kasi ng math na yun.” inis na sabi niya.

“If you're listening to your prof ay makakasagot ka sa assignments mo.” pangaral ko sa kanya.

“I'm listening.” kontra niya.

“Oy tigil na muna yan, kumain muna kayo at mamaya na ang daldal.” singit ni Mamsie kaya kumain na lamang kami.

Pagkatapos kumain at maghugas ng pinggan ay dumeretso ako sa kwarto ni Papsie, lagi ko siyang binibisita sa gabi.

“Papsie!”

“A-andrea. Binisita mo na naman ako.” humalik ako sa pisngi ni Papasie at umupo sa kama niya. Nanonood siya ng Ang Probinsyano, gosh tagal na 'nan eh 'di na namatay si Cardo.

“Syempre Papsie. Kailangan ko kayo puntahan.” naka ngiti kong sabi kay Papsie.

“Hmm may boyfriend na ba ang prinsesa namin?” feeling ko nabilaukan ako sa sinabi ni Papsie kahit wala akong kinain!

“P-papsie, ano ba namang tanong yan?! Syempre wala pa Papsie!” kontra ko.

“Nagtatanong lang naman ako.” naka ngiting sabi nito.

“Hmm, goodnight na Papsie.” lumapit ako sa pisngi ni Papsie at binigyan siya ng halik. “Sleep well po.” naglakad na ako sa pinto ng kwarto nila ni Mamsie at pinatay ang ilaw.

Lumabas na ako sa kwarto nila at tumaas sa kwarto ko, bubuksan ko palang sana ang pinto ng mag vibrate ang phone ko.

*imakkum imakkum!*

Aww kyeopta talaga ng ringtone ko waaaah! Kinuha ko ang phone ko at may nag text na unregistered number.

Oh? Sino naman to? Naks, may nag te-text din sa akin hehe.

From: 09876543210

Hello.

So? Yun lang? Hayys mga kabataan talaga ngayon ang hilig mang hula ng number at mag te-text! Nga naman... Ang dali lang naman malaman ng number ko eh, tsk.

Pumasok na ako sa kwarto ko at sinara ang pinto. Dumeretso ako sa kama ko at sumampa, nag simula akong mag type.

To: 09876543210

Wag ako ang paglaruan mo bata huh? Mag aral ka na lang mabuti at makakapag trabaho ka pa :)

Matapos kong i send yun ay humiga na ako sa kama. Pinatay ko ang ilaw sa lampshade at nagdasal pagkatapos—

Young BossWhere stories live. Discover now