Forty Three || Lakes

159 3 0
                                    

•43•

Andrea's POV

“Sanpaloc Lake?”

“Probably.”

“So? Iwanan ko na ba kayo?”

“Kailangan bro.”

“Breydon.” tawag ko kay Breydon. Tinignan niya naman ako at tinawanan.

“You can leave us now Nyx. Tatawagin na lang kita pag pabalik na kami.” sabi ni Breydon. Tumango naman si Nyx sabay paandar ng kotche. Pag alis ng sasakyan ay hinawakan ni Breydon ang kamay ko.

“Let's start our date, Buko.” naka ngiting sabi niya sa akin, ngumiti din ako sa kanya.

Nagsimula kaming mag ikot dito sa Sanpaloc Lake dito sa San Pablo. Una naming pinuntahan ang parang park dito at saka bumaba sa pagka-haba haba ng hagdan. Pagbaba namin ay namangha naman ako sa lugar. May mga nagba-bike at nagtitinda na vendor at merong—

“Waaaaaaaaaaaahhh!” sigaw ko saka takbo dun sa may sea side. Wow! Ang ganda naman dito!

“Andrea!” rinig kong sigaw ni Breydon. Lumingon ako sa kanya at nakita ko naman na patakbo siya sa akin. Kaso hindi pa siya nakakalapit ay may naka salubong siya.

“Sorry kuya—AY ANG GWAPO!” nagulat ako nung umirit to ng sigaw. Natawa naman si Breydon at pumunta na sa akin.

“Iniwan mo ko Buko.” kunwaring malungkot na sabi niya. Napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niya. “Bike tayo?” tanong ko sa kanya sabay turo doon sa may bike area.

“Sure.” sagot niya. Naglakad kami patungo doon sa manong na nakatayo doon sa may bike area.

“Magkano po renta?” tanong ko dito sa manong.

“Bente isang bike Ms Ganda.” sabi nito. Humarap naman ako kay Breydon. “20 daw.” sabi ko. Pero pansin ko ang pasimpleng pag kunot noo nito pero maya maya ay ngumiti at humarap kay Manong.

“We're going to ride.” nilabas ni Breydon ang wallet niya at kumuha ng isang daan. “Wala ka bang kahit 50 lang?” bulong ko sa kanya. Nung ibinigay kasi ni Breydon kay Kuya yung isang daan eh nagpapalit pa ito.

“I don't have.” sagot niya at tumango na lang ako.

“Heto na ang bike at sukli niyo.” bumalik si manong na may dala ng dalwang medyo malalaking bike at binigay na kay Breydon yung 60 pesos.

Sumakay na kami sa bike at magsisimula na sana ako ng tawagin ako ni Breydon. “Buko!” tawag niya kaya humarap ako.

“Bakit?”

“Sabay tayo.” sabi niya sabay pasimleng tingin doon sa mga lalaking kadarating lang at nag renta din. They are 3 boys.

“Ok.” nilapit ko yung bike ko sa kanya at sabay na kaming umandar.

———

“Breydon ang ganda oh! Wow!” sigaw ko habang nakaturo doon sa may mataas na bahay habang nag iikot kami dito sa Sampaloc Lake.

Young BossOù les histoires vivent. Découvrez maintenant