Forty Two || Time with you

172 5 0
                                    

•42•

Andrea's POV

“S-sorry.”

“Andrea, it's all my fault, kung sinabi ko lang sana sayo na may plano sila Dad na ipakasal ako. Sana hindi nangyari 'to.”

“P-pero kasalanan ko pa rin kung bakit ka naaksidente.

“Sshhh.” niyakap niya ako at nanatili naman ako sa dibdib niya. Naka upo kami sa upuan kung saan siya naka upo kanina at pinagmamasdan ang mga bituin.

Sinabi niya na sa akin ang nangyari. Pagtapos ng pag aaway namin sa may field ay pumunta siya sa bar at nag inom. Nag drive siya pabalik sa condo niya pero na-aksidente siya. Sakto naman na papunta si Nyx sa kanya kaya nakita niya ito sa daan. Dinala siya ni Nyx dito at pinagaling sa mga sugat nito. Ayaw pang umuwi ni Breydon, kaya nag stay muna siya dito. Ayaw niya daw na may makakitang na-aksidente siya kaya nandito siya. Nawala rin ang phone niya kaya hindi siya sumasagot sa mga text at tawag ko.

“How is your Papsie?” tanong niya sa akin.

“Ok na naman siya. Na-operahan na rin siya.” sagot ko. I closed my eyes when he carries my hair.  Inaantok na ako.

“Breydon.” tawag ko sa kanya. Sasabihin ko sa kanya yung tungkol sa CEO.

“Hmm, Buko?” tanong nito.

“U-uhm.. N-nakausap ko ang D-dad mo.” napahiwalay siya sa yakap sa akin. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko.

“Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siya sa'yo?” tanong niya agad. “A-ah hindi Breydon. Walang ginawa ang D-dad mo sa akin.” pagpapakalma ko sa kanya.

“Anong pinag usapan niyo?” tanong niya ulit.

“G-ganto kasi yun...” hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. “B-binantaan niya ko.” bulong ko.

“W-what? Binantaan ka niya?”

“O-oo Breydon.” napa hinga ako ng malalim. “T-tinanong ko ang Dad mo kung nasaan ka. Wala daw siyang alam. T-tapos alam niya na may relasyon tayo. Then he blackmailed me, sinabi niya na kung hindi kita lalayuan k-kapalit yun ng magulang ko.” bigla akong natakot sa sinabi ko. M-magulang ko o siya?

“Sh*t!” mura niya. Naramdaman kong nagagalit siya kaya hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos.

“A-ayos lang ang pamilya ko Breydon. Hindi naman alam ng Dad mo na kasama kita ngayon.” sabi ko para kumalma siya, pero hindi pa rin.

“I will fix this mess, buko. I will fix this.” ngumiti ako sa kanya.

“Hindi na kailangan. Lalaban tayo Breydon.” napatingin siya sa akin sa sinabi ko.

“Ipaglalaban kita Breydon. Mahal kita eh.” naka ngiting sabi ko. Nakita kong napangiti siya.

“I will fight for you Buko. Lalaban tayo.” hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at niyakap ako. Yumakap din ako sa kanya.

Kaya natin 'to Breydon. Kaya natin.

———

*

tok!* *tok!* *tok!*

“Breydon? Andrea?”

*tok!* *tok!* *tok!*

“Hmm.” nagising ako ng may kamay na humawak sa pisngi ko, kasabay na ng malakas na katok.

“Good morning, Buko.” napangiti ako sa taong katabi ko ngayon. Naka tingin siya sa akin at naka ngiti. Ays? Bakit ang gwapo pa rin kahit bagong gising?

“Get up now Buko. Nyx is here.” sumunod ako sa sinabi niya at tumayo sa kama, nagderetso ako sa CR. Narinig ko naman na bumukas ang pinto.

“Good morning, bro. Where's Andrea?” tanong nito. Lumabas ako pagtapos ko mag hilamos. “Morning.” bati ko kay Nyx.

“Ow Morning, ang ganda mo.” naguluhan ako sa huling sinabi niya. Why all of a sudden?

“Bro that's my girlfriend.” banta ni Breydon pero naka ngiti. Namula naman ang mukha ko, kami pa rin pala?

“Tayo pa rin?” tanong ko kay Breydon. Lumapit naman siya sa akin. “Hindi naman tayo nag hiwalay.” sagot niya sa akin.

“Uh! Stop that!” hinarang ni Nyx ang kamay niya sa mukha na parang may ginagawa kaming masama. “We're just hugging, Nyx.” natatawang sabi ni Breydon, yes he's hugging me.

“Tss by the way. Uuwi na ba kayo?” napatingin ako kay Breydon.

“Nope.” napaharap ako sa kanya. “Hindi?” tanong ko.

“We're going to have a date.” nakatingin sa akin na sabi niya.

“P-pero paano sila Mamsie—”

“Tell them that I'm with you.” pagsabi niya nun ay kukunin ko na sana ang cellphone ko pero pinigilan niya ako. “Oh? Sabi mo sabihin ko?” tanong ko sa kanya.

“Aish, not now.” sinapok niya ang ulo ko pero mahina lang. “Ouch...” aray ko pa rin. Sapok pa rin kaya 'yun.

“Hahaha! Slow poke din pala ang girlfriend mo.” sabi ni Nyx. Natawa na lang si Breydon, hmmp!

“By the way, kaya lang naman ako pumunta dito para sabihin na ready na ang breakfast.” nag wink siya sa amin bago naglakad palabas ng pinto.

“Cute niya.” bulong ko.

“What?” narinig pala ni Breydon.

“Wala. So baba na tayo? Gutom na rin ako, hehe.”

“You go first. CR lang ako.” tumango ako sa kanya at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko ay nakita ko na naka-upo na si Nyx sa dining area.

“Where's Breydon?” tanong nito sa akin. “Nag CR lang.” sagot ko. Umupo ako sa opposite side niya which is sa kaliwa.

Wow! Ang daming pagkain! Namangha naman ako sa dami ng pagkain na nandito.
“Ang dami naman nito.” sabi ko sa kanya.

“Hmm it's special because of my visitor.” sabi niya. Maka visitor naman 'to.

“Where's Breydon?”

“Miss agad?”

“What?”

Hahaha! “Wala, wala.” naguluhan ang mukha niya kaya mas lalo akong natatawa.

“What's happening here?” boses ni Breydon na bumaba sa hagdan. Tumabi siya sa akin at tumingin kay Nyx.

“You know what Bro, your girl is... weird?” patanong niya pang tanong at natawa naman ako. Ano naman ginawa ko sa kanya?

“Yeah she is.” inakbayan ako ni Breydon at ngumiti siya sa akin.

“Oh guys, can you please just eat?” feeling ko naiinggit lang si Nyx? Hahaha.

“Hahaha, kain na tayo.” sabi ko.

I need to treasure this moments...

Kasi...

Baka hindi ko na maranasan pa 'to.

Young BossWhere stories live. Discover now