Forty Four || The day after tomorrow

Start from the beginning
                                    

“I'm Andrea tapos siya naman si Breydon.” pakilala ko sa kanila. Nagsulat naman yung Faye sa papel niya. “Ang ganda at gwapo niyo po—kyaaaaa~” biglang sabi nung Alyssa. Natawa naman kami.

“Magsisimula na po kami ah?” tanong nung Faye. Tumango naman kami ni Breydon bilang sagot.

———

Last question na po, message niyo po sa isa't isa?” nagulat ako sa huling tanong nila. Ano? Pati ba 'yun?

“Nakasulat po talaga si dito ate Andrea and kuya Breydon.” pinakita nung Faye sa amin yung papel at may nakalagay nga na ganun.

“Eto po ay ivi-video po namin para sa presentation po namin. Pede po?” tanong nung Alyssa na naglabas ng phone at tinutok sa amin.

“Ah sige.” sagot ko.

Sige bahala na.

“Ate Andrea ikaw po muna.” sabi ni Alyssa. So tumingin ako kay Breydon na nakatingin na pala sa akin.

“A-ah Breydon, hehe. Thank you. Thank you dahil hinintay mo ko. Thank you kasi kahit anong mangyari mahal mo pa rin ako. Susubukan kong ipaglaban ka tulad ng ginagawa mo. Y-yun lang hehe at... Mahal kita.” napangiti si Breydon sa sinabi ko. Nagulat ako ng hawakan niya naman ang pisngi ko habang nakatingin sa akin.

“Andrea, my Buko. Remember this, I will fight for you no matter what happen. I will fight for you even if it's against my parents. I'm not going to leave you, promise. I love you.”

O_________O

“Kyaaaaaaaaaaaaaa!”

“B-breydon!” hampas ko sa balikat niya habang namumula ang pisngi ko. Halikan ba naman ako sa labi?! Waaaaah!

“Hahahaha.” niyakap niya lang ako at nilagay ko naman ang mukha ko sa dibdib niya para itago ang mukha kong namumula.

“Ang sweet niyo po, kyaaaaa!” rinig kong sabi nung mga estudyante, waaaah!

“Sige thank you po, ate Andrea at kuya Breydon. Tuloy niyo na po yung pagkain niyo. Thank you po!” ramdam kong umalis na yung dalwang babae kaya inalis ko na ang pagkaka-akap ko kay Breydon.

“You're so cute, Andrea. You should eat now, gutom ka na for sure.”

“Hmmp!” kunwaring inis na sabi ko pero natatawa ako.

Ayts, gutom na talaga ako!








'The Nun'

“Breydon ayoko.”

“Why? It's fun.”

“Anong fun diyan? Nakakatakot 'yan oy! Ayoko!” hinila ko si Breydon paalis sa sinehan dahil The Nun ang gusto niyang panoodin. The hell, conjuring kaya 'yan!

“Buko I want this, please?” nag pout pa siya para effective.

“Kung gusto mo ikaw na lang. Dun ako sa The House of Us.” sabay punta sa kabilang sinehan.

“Andrea!” hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko. “Please? Ngayon pa lang ako manood sa cine na ikaw ang kasama. I want it to be memorable, I want to hear you scream, I want you to hug me when you are scard, please buko?”

Napatitig naman ako sa sinabi niya. Aww, gusto niya 'yun?

“Sige na nga!” sagot ko. Hinila ko na siya sa pilahan ng mga ticket.

Maya maya ay nasa loob na kami at ready na manood, hindi na kami bumili ng snacks dahil kakakain lang din namin. Nung magsimula na yung movie ay nagsimula na rin akong matakot.

“Breydon...” bulong ko kay Breydon at yumakap sa kanya. Inakbayan niya naman ako. “It's not yet starting, Buko.” sabi niya. Hindi pa daw eh simula na kaya.

“KYAAAAAAAA!” napayakap ako sa kanya nung lumabas na yung madreng nakaitim sa movie. Waah! Hindi ko talaga kaya 'to!

Waaaaaaaaaahhh!

———

“Nyx sunduin mo na kami.”

“Nyx?”

[H-ha? a-ah yes. Asan k-kayo?] naguluhan ako bigla sa pagsasalita ni Nyx.

“Nasa labas ng SM.”

[O-ok. Hintayin niyo ko.] binaba niya na yung line kaya lumapit ako kay Breydon na nakatayo at naghihintay sa isang gilid.

“Hintayin daw natin siya.” sabi ko sabay ngiti.

*tug!*

“Breydon?” nabigla ako ng yakapin niya ako bigla. Problema nito?

“Sana hindi na matapos 'to.” bulong niya. Napangiti naman ako ng malungkot at napayakap sa kanya.

“Sana nga.” bulong ko din. Niyakap niya pa ako ng mahigpit.

“Breydon?”

“Hmm?”

“Mahal na mahal na mahal kita.”

Totoo. Nalaman ko na mahal na mahal ko na pala siya kasi kaya kong mag sakripisyo ng kahit ano, para lang sa kanya.

“I love you more Andrea. Hindi ko alam na kaya ko palang magmahal ng ganito.” bumitaw siya sa yakap at tumingin sa mga mata ko.

“My Buko..” nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya pumikit ako. Ramdam ko na ang ilong niya at malapit na sana mag lapat ang mga labi namin ngunit—















*clap!* *clap!* *clap!*

“Is this what we called a happy ending?”

Napalayo kami sa isa't-isa at napatingin sa taong nasa harapan namin.

N-no.

“Breydon? Ms Zheon?”

A-ang—














CEO.

Young BossWhere stories live. Discover now