Chapter 15: Oo

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinagmasdan ko si Kuya D, dahil kabisado ko na sya pagdating sa pananamit alam ko na kung kadarating nya lang ng bahay o hindi sya umalis. Sa tingin ko, umalis sya pero kanina pa sya nakauwi. Kung kadaring lang kasi ni Kuya D, hindi sya magaatubiling gumawa ng kung anu-ano agad. Maglalaan sya ng isang oras bago kumilos dito sa bahay. So kung kanina pa sya dito, ibig sabihin hindi sya pumunta sa annual meet up? Pero nasaan sya kanina nung bago ako umalis ng bahay, wala sya nun eh.

“Kuya, hindi ka pumunta sa annual meet up?” lakas loob kong tanong sa kanya.

Wala kong nakuhang sagot kay Kuya D sa loob ng sampung segundo. Alam kong napaisip sya kung bakit ko inopen ang topic tungkol duon. At dahil din sa tanong ko, mabibigyan ko sya ng dahilan para pagdudahan ako.

“Hindi ako pumunta.” Malamig at maikli ang naging sagot ni Kuya Dustin.

“Bakit?” napabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa sofa. Gusto kong makita ang hitsura ni Kuya D habang nagsasalita sya sa pagsagot sa aking tanong.

Isang mahaba at mabigat na buntong hininga ang ginawa ni Kuya D bago sya nagsalita. Wari ko’y seryoso sya sa kanyang gustong sabihin.

“Ayoko lang pumunta. Hindi rin naman kami kumpleto nang mga kaibigan ko.” nararamdaman sa boses ni Kuya D ang pagkalungkot at pagkadismaya.

Kung titingnan maigi si Kuya D, alam kong malungkot sya at hindi nya napuntahan ang annual meet up. Pero tama naman sya, paano ka pupunta sa ganung klaseng selebrasyon kung wala naman ang mga kaibigan mong kabilang dapat sa ganung kasiyahan. Paano mo naman magagawang maging masaya kung hindi mo kasama ang mga taong dapat kasama mo na nagsasaya rin. Pero si Virgo nandun sya, nakapunta sya. Sa bagay, sya si Ironic_Volvo kaya mahalaga na dumating sya sa event kahit na hindi man talaga gusto at napilitan lang din sya.

 

“Si Virgo pala Ku-” gusto ko sanang sabihin ang tungkol kay Virgo pero mukhang nahulaan na agad ni Kuya D na ‘yun ang sasabihin ko kaya pinutol nya ako.

“O-oo.. Sya nga. Nakita mo ba sya kanina?” seryosong tanong ni Kuya D.

Patay. Aamin ba ako o hindi?

Napakagat ako sa aking labi, paano ko sasabihin kay Kuya D na nagpunta ako sa annual meet up at hindi ako sa kanya nagpaalam? Mananagot ako nito.

“’Wag mo nang isipin na magdeny o kaya naman ay gumawa ng palusot. Okay lang, nalaman ko rin naman na nagpunta ka pero huli na. Hindi naman na kita mapapabalik dito sa bahay, nakauwi na rin naman ako dito nung nalaman kong nandun ka pa sa mall. Si Erica ang nagsabi sa akin na nagpunta ka nga daw dahil nakausap kanila sa cr ng mall. Isa pa, pinayagan ka naman daw pala ni Kuya Austin. Nagsabi sya sa akin nung napansin nyang hinahanap kita dito kanina pagkauwi ko.” para akong nabunutan ng tinik sa narinig kong pahayag ni Kuya D. Buti na lang hindi sya galit, mabuti na lang din at nagsabi agad sa kanya si Kuya Austin.

Pero kapansin-pansin pa rin kay Kuya D ang hindi magandang aura ng mukha nya.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon