Chapter 1 - Ano ba naman ito?

134 4 0
                                    

        Risa's POV

        ----------

        ♫ ♪ Oh, jusko... Ano ba naman ito?

        Diba, langhiya?

        Nagmukha akong tanga... ♫ ♪ 

        ABA NAMAN.

        Umagang umaga at ito na agad ang bumungad sa akin. Nakikiasar naman ata 'tong radyong to sa pinagdaraanan ko ngayon..

        Konting respeto dito mga dre! Naman kasi! 'Di ko pa magawang mag move-on sa nangyari kahapon. Ito nga namang buhay ng isang assuming...

        Sawang sawa na ho ako sa kaka-assume. Ba't ba kasi?

        Di ko naman kasalanan talaga eh. Kaya kayo dyan: payong kaibigan lang mga friends.. Wag na wag munang mag assume. Nakakamatay! 

        Hindi ako bitter pero... Nakakamatay ang pahayag na "De, joke lang!"

        **FLASHBACK**

        "...Mahal na ata kita."

        ....

        

        "De, joke lang!"

        *****

        Amp. Nakakahiya lang!

        Feel na feel ko pa naman ang moment as if ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa dahil mahal 'daw' ako ng bestfriend ko, isang Xander de Guzman. Nakilala ko sya nung first year high school pa lang ako at madali kaming nagkasundo kasi pareho kaming may topak. Haha.

        Si Xander... Matalino.. Matangkad.. Athletic.. Pogi.. Chinito.. Mayaman.. Ah, basta. Yummy! Kumbaga, kanin nalang ang kulang dahil ulam na ulam na! Oo eh. Feel na feel ko talaga ang moment basta ba't tungkol kay Xander. Feeler kasi ako eh.

        JUICE COLORED.

        UMAGANG UMAGA ANG KUMAG NA IYON NA NAMAN ANG NAIISIP KO.

        ASAR LANG TALAGA. WALA NANG IBA.

        ♫ ♪ Pinaasa 'nya lang ako.... Letcheng pag-ibig to..

        Jusko..

        Ano ba naman ito? ♫ ♪

        Hayaan ko nalang 'tong mga feelings kong mag fa- five years nang nakatago muna. Di ko rin naman kasi kayang umamin sa kanya.. Iniisip ko palang parang mamamatay na ako sa kahihiyan. Masyado akong walang courage para sa bagay na yan eh.

        At least naman hindi at risk ang matagal nang friendship namin, diba? Mas pipiliin ko pa sigurong masaktan ng ganito. Patago.

        Hanggang sa pag-aassume lang kasi yata ang abot nitong love story ko eh. Out of coverage area pa ho ang totoong kilig. Choosy pa ba ako? At least nga mayroon.. Kahit konti lang. Masaya na ako dun. Kontentong kontento na ako sa piling ng bespren kong si Xander.

        Kanina pa ako kwento ng kwento tungkol sa sawi kong love life ngunit wala naman kahit konting tungkol sa sarili ko.. Yan. Inuuna ang kalandian. Lakas maka PBB teens eh. Nakikiuso lang po, pasensya na.  Ako nga pala si Risa Quintillian. Mortal reincarnation ni Maria Clara. Walang aangal! 17, Philippines!

Lovers in Denial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon