IWFY...*Chapter 29 - H-How?!*

Start bij het begin
                                    

“Aarron?” pagtataka kong tanong sa kanya.

✂- - - - - - - - - - 

Sean's POV

“Aarron?” 

“Tara na CJ, tama na 'yan! Sinasaktan mo lang sarili mo eh...” bwiset! gusto ko ng umalis dito!

“I need to hear this Sean...” sagot niya. “Bahala ka na! Mauna na ko sa'yo!” paalam ko sa kanya at dali-dali akong lumabas ng gym. 

Bwiset! Ano 'tong nararamdaman ko?! Bakit ganito?! Ang sakit! Parang may tumutusok dito! (pointing to heart)

 

“Bwiset! Ano ba 'to?!” sabay sipa ko doon sa bato. 

“Oh! Ang inet na naman ng ulo mo!” sigaw ng isang babae na pamilyar sa'kin at pagkatingala ko si...

“Zylee, alam mo napansin ko lagi kang sumusulpot kapag mainet ang ulo ko..” irita kong sabi sa kanya at lumapit siya sa'kin saka umupo sa tabi ko dito sa bench.

“Mukang mahal mo siya...” bigla niyang sambit habang nakangiti pa at nakatulala sa kawalan. “Huh?” ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?! 

“Mukang mahal mo na si Lyka,” at bigla siyang humarap sa'kin. “Si Lyka?” at napailing na lang ako. “Lyka is my friend and you are my friend also...”

“Yeah! Alam ko namang una palang may pagtingin ka na sa pinsan ko,” hindi ko alam kung saan niya napagkukuha ang mga salitang 'yan tsk tsk tsk “You know, sadyang may kaparehas lang si Lyka kaya ganito siguro ako...”

“Sino? Si KALYN?” 

“Yes... they have so many similarities maliban lang sa pagiging mabait ni KALYN pero to think na meron palang hinihintay si Lyka...” bakit ganoon?! Feeling ko napakadaming alam nitong si Zylee kay KALYN eh. “Nahanap mo na ba?” tanong niya. “Di pa nga eh, bakit ba kasi ayaw mo pa kong tulungan?”

 

“Ayoko nga! Nagpromise-promise ka tapos di mo tutuparin, ano 'to lokohan?”

 

“Edi bigyan mo na lang ako ng clue para malaman ko!”

 

“Ayoko na! Ilang beses na kitang binigyan ng clue!” 

 

“Nakakainis naman oh! Ang daya!” pagrereklamo ko. “Nako! Mauna na ako sa'yo! Baka masapak pa kita ng di-oras.” ayun biglang nagtatakbo ang napakabait na pinsan ni Lyka.

I'll Wait For You (On Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu