IWFY...*Chapter 3*

160 5 2
                                    

>>>CHAPTER 3<<<

Lyka's POV

          

         Eto kami ngayon ni Sean tumatakbo pataas. Hawak ko yung kamay nya. Nasa Second Floor na kami. Takbo, takbo, takbo, takbo, takbo, takbo. Hay sa wakas! Narating na rin namin ang Third Floor. 

"Hay sa wakas!" sabay naming sabi. Si Tito kasi eh hindi pa nilalagyan ng elevator. heheheh.

"Ang bilis mo!" sabi nya habang naglalakad kami. Ngayon naman naglalakad na lang kami malapit na rin room namin.

"Ganun talaga!" sabi ko.

"Oh! Iyon na pala yung room natin!" sabay turo ko sa room namin.

"Oo nga 'noh. Tara!" sabi nya. Pumunta na kami sa room.

"Dami pa palang bakanteng upuan eh. Sus! Kala ko naman late na ko!" sabi ko tapos umupo na ko sa bakanteng upuan. Meron naman kaming kaklase kaso sampu lang sila eh, sila Miles, Iven, Myssa, Annie, Aimya, Jezzie, Jeff, Jake, Paul at si Aarron.

"About 7:00 A.M. na ah! Bakit kakaunti pa rin yung mga students?" sabi ni Sean tapos umupo sya sa tabi ko pero lahat ng upuan namin layo-layo kaya hindi ka talaga makakakopya.

"Ngayon lang ata nangyari na naging maaga ako ngayon ah!" sabi ko.

"Hoy! Lyka!" tawag sakin ni Miles na katabi ko lang din.

"Bakit Miles?!" tanong ko kay Miles.

"Musta ang bakasyon ng Bestfriend ko?" sabi nya.

"Ok naman! Masaya!" sabi ko.

"San ka ba nagbakasyon?" tanong ni Miles.

"Paibaiba ako ng pinagbakasyonan eh." sabi ko.

"San ba kayo pumunta?" tanong nya.

"Lagi kami naka-Outings nung bakasyon. Puntang Baguio, puntang Tagaytay, puntang Laguna, puntang Pampanga at kung saan-saan." sabi ko.

I'll Wait For You (On Going)Where stories live. Discover now