IWFY...*Chapter 16 - Their Reason*

76 1 0
                                    

○CHAPTER 16 - THEIR REASON○

Sean's POV

Ewan ko ba pero parang natamaan ako sa sinabi sakin ni Jeniel sa'kin kahapon.

/*FLASHBACK*/

Nasaan na ba si Lyka? Saan ba kasi yun pumunta?

"Seaneth!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa'kin at ng lumingon ako kung saan nanggaling ang pagkakatawag sa'kin ay hindi nga ako nagkakamali, siya nga...


"Anong kailangan mo JENIEL?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Gusto sana kitang makausap..." sabi niya sa'kin.

"Para saan? Para sabihin ang mga panloloko mo?" agad iyan ang naisip kong sabihin sa kanya.

"Seaneth, please... just this moment makinig ka sa'kin... just this moment." pagmamakaawa niya sa'kin.

"Fine. Go on." sabi ko nalang sakanya.

" /*sign*/ I'm sorry... kasi niloko kita, kasi hindi ko sinabi sayo na mahal ko Chris, kasi nadamay ka pa doon sa problema ko sa pamilya ko, kasi hinayaan lang kita noon kung kailan kailangan mo ko sa tabi mo at syempre kasi hindi ko naiparamdam sayo ang pagmamahal ko na dapat sayo ko lang ipinaramdam. Lahat ng kasalan ko sa'yo pinagsisihan ko na. Kung akala mong kami pa ni CJ, nagkakamali ka kasi wala na kaming dalawa. Naging matagal rin kaming dalawa pero nagkaroon kami ng away noon dahil sa'yo at kay Lyka. Sinabi niya sa'kin na mahal niya pa si Lyka kaya ikinagalit ko sa kanya iyon, ilang linggo rin kaming hindi nagparamdam sa isa't isa. At ng magkita kami ulit sinabi ko na ang talagang tinitibok nitong puso ko. Sinabi ko sa kanya na mahal pa kita at mukang hindi ko na kayang maging kami pa na ganoon kung hindi rin naman pala namin mahal ang isa't isa so nag-decide na lang kaming dalawa na maging magkaibigan. At iyon ang namamagitan na lang sa'min, FRIENDS. I'm really very very sorry Seaneth. Kahit na hindi mo man ako mapatawad, gusto ko pa rin na malaman mo ito." malungkot na pagkakasabi niya sa'kin.

I'll Wait For You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon