IWFY...*Chapter 13 - They Came Back*

90 1 0
                                    

◘Chapter 13 - They Came Back◘

Sean's POV

Hindi ako makapaniwalang parehas pala kami ni Lyka na iniwan ng mga mahal namin. Ipinagpalit lang kami.

Ngayon ko lang din nalaman na nagkaroon pala ng boyfriend si Lyka.

Kinwento niya naman sakin kung bakit hindi nababanggit ng barkada ang tungkol kay CJ.

Binawalan na daw kasi ni Lyka ang barkada na wala na silang babanggitin tungkol kay CJ at sa nakaraan. Kahit na pangalan man lang daw ay ayaw niyang marinig. Mas malaki ang galit niya kaysa sa pagmamahal niya kay CJ.

Papunta ako ngayon sa rooftop para tumambay sana. Nang meron akong narinig na naman na humahagulgol ng iyak. Kaya dali-dali akong pumunta sa rooftop.

Nagulat na lang ako kung sino ang nadatnan ko dun sa rooftop na umiiyak.

Huwag mong sabihin na umiiyak na naman siya ay dahil na naman sa lalaking iyon?

"Lyka?"

"Sean!" at dali-daling nagtatakbo papalapit si Lyka sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Anong nangyari sayo?!" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Tumawag si CJ.. /*sobs*/"

"Anong sabi niya?!" kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at ni-kwento niya sakin ang nangyari.

→←→←→←→←→←→←

Lyka's POV

/*FLASHBACK*/

*♫Geomeun geurimja nae ane kkaeeona

Neol boneun du nune bulkkochi twinda

Geunyeo gyeoteseo modu---♫*

Di ko na tinignan kung sino yung tumatawag basta ko na lang sinagot eh

Dis-oras na ng gabi may tumatawag pa -________-

"Hello! Sino ba 'to?! Dis-oras na ng gabi tumatawag pa!"

"Lyka?"

"Oo! Ako nga si Lyka! Sino ka ba huh?! Panira ka ng tulog ko!"

"Lyka, ako si CJ--"

"Huh?! Sinong CJ?! Wala akong kilalang ganun!"

"Pero Lyka, ako si---"

*toot-toot* *toot-toot*

Ni-end call ko lang naman kasi eh -________-

Dis-oras na nga ng gabi tumatawag pa, mantitrip pa. Ang lakas ng trip nun ah!

I'll Wait For You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon