"Gaga ka. Umalis ka na nga, dami mo pang sinasabi diyan." Sita niya at muling itinuon ang pansin sa ginagawa. Narinig niyang tinawanan siya nito.

"Sige baboosh na, gurl. Umuwi ka na rin maya-maya." Huling sabi nito at umalis na.



"Hayh salamat at natapos din kita." Usal niya nang matapos ang pagske-sketch ng huling design. In-stretch niya ang mga braso, pagkatapos ay niligpit na ang mga kalat sa table niya. Inilagay niya sa tamang kalalagyan ang mga gamit.

Kinuha muna niya ang maliit na handbag niya at dinukot doon ang compact powder at lip balm. Nag-retouch muna siya. Nahaggardo dalisay kasi ang diyosa niyo.

"Ayan. Ang ganda ko talaga!" Saad niya at ibinalik na niya ang mga ito sa handbag. Then he checked the time on his phone first. It's already passed eight in the evening. Kaya lumabas na siya ng office niya.

Wala na ang mga empleyado nila dahil kanina pa umuwi ang mga ito. Tanging ang naka-talagang security guard na lamang ang naiwan at iilang mga taga-maintenance. Magalang na nagpaalam ang mga ito sa kaniya nung madaanan niya ang mga ito.

Nang marating ang kotse ay sumakay siya agad at pinaandar na pauwi.

He's on his way when his phone rang. Sinagot naman niya agad ito gamit ang bluetooth earphone niya.

"Baby! Nagpapagabi ka na naman. Ipapasundo kita sa driver natin para may kasama ka sa pag-uwi. Delikado na ang panahon ngayon naku!" Bungad agad ng ina niya na nasa kabilang linya. Napailing siya. Kung tratuhin kasi siya ng ina ay parang teenager pa siya na kailangan na kailangan pa ang guidance nito.

"Don't worry, ma. I can handle myself. I'm a grown up woman already. I'm on my way na po." Sabi niya.

"Woman ka diyan! Huy Reivan Zacharies kung may balak ka talagang magpa-sex change saka mo nalang gawin pag binigyan mo na ako ng mga apo at namatay na ako plus one week just to make sure I'm dead!" Himutok nito. Wala sa sariling napahilamos siya ng mukha. Nakalimutan na nga niya ang tungkol doon eh, pinaalala pa.

"Fuck!" Mura niya at agad tinapakan ang break nang masilayang may nakahintong sasakyan pala sa unahan. Hindi kasi niya nakita dahil hindi nakabukas ang backlight ng sasakyan nito. Mabuti nalang at naging alerto agad siya kundi nabangga na niya talaga ito.

"Minumura mo ba ako?!" Narinig niyang turan ng ina. Nakalimutan niyang kausap pa pala niya ito.

"Hindi ma. I'll call you right back." Sabi nalang niya at agad pinutol ang tawag. Binalingan niya ng tingin yung nakahintong kotse. Parang pamilyar sa kaniya ang plate number nito. Walang pag-aalinlangang lumabas siya ng sasakyan niya.

Kay kurdapz nga ang sasakyan na itey.

Tinungo niya ang harapan ng kotse nito. At doon niya nakita ang isang babae na nakaupo sa hood ng kotse. Nakayuko ito habang naka-bend ang mga tuhod at nakatakip ang mga braso sa mukha. Yumuyugyog din ang mga balikat nito. Nababatid niyang umiiyak ang babae.

Si kurdapya nga ang babae dahil ito parin ang suot na damit nung nagkita sila kaninang hapon. Ano kayang nangyari?

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن