Chapter 3 : The DEAD Fight Back

Start from the beginning
                                    

Habang naghihirap ang kanyang pinaka matalik na kaibigan para hindi siya masiraan ng isip, tahimik namang nagtatago si Zack sa ilalim ng isang countertop. Napasok sila sa isang restaurant, at mabilis na nagtago sa ilalim ng counter. Pigil hininga sila...dahil alam nilang dalawa ni Nina na hindi lang sila ang nandun sa loob ng kusina.

Umungol ng malakas ang zombie habang hinahanap ang dalawang taong alam niyang pumasok sa abandonadong kusina. Si Nina naman, nagpipigil na ng kanyang mga luha. Takot na takot ang dalaga. Napatingin siya sa kanyang nobyo na halatang takot din. Nakita naman ito ni Zack, at hinigpitan ang niya ang kanyang hawak sa mga kamay ni Nina.

“Tu...Tumakbo ka na...” bulong niya sa kanyang girlfriend. Napatigil sa pagiyak ang dalaga at napatingin ito sa kanya. “Ako na bahala, basta hanapin mo si Andrew, siya na ang bahala sayo...at sabihin mo sa kanya...wag...magkikita pa kami.” sabi niya sa kasintahan. Hinigpitan ni Nina ang hawak sa kamay ni Zack habang umiiling.

“Mas mabuti na ang makatakas ka kesa naman pareho tayong matapos dito.” Sabi niya tapos lumabas na siya sa pinagtataguan. “Hoy!” sigaw nito. Agad agad siyang sinugod ng zombie. Tumakbo naman si Zack sa kabila ng mga kalan, habang nasa kabilang dulo naman ang zombie. “Nina, tumakbo ka na!” sigaw niya sa nobya. Lumabas ang nobya, at tiningnan si Zack habang dahan dahang tumutulo ang luha pababa sa pisngi. Nginitian lang siya ni Zack at nag mouth ng “I love you”. Ibinalik naman ito ni Nina, at sa huling tingin, tumalikod na ito.

Tumatakbo si Andrew, desperadong mahanap ang kanyang kaibigan. “Zack!” sigaw niya. Wala na siyang pakielam kung habuling siya ng mga zombie. Nalagpasan na niya ang punto na nagaalinlangan pa siyang patayin ang mga halimaw na hugis tao. Hindi na sila tao. Mga halimaw na sila. Ang mga malalakas lang ang mabubuhay sa mga panahon na ito, at hindi ko kayang maging mahina ngayon, lalong lalo nang nahiwalay sa akin ang bestfriend ko... Isip isip ni Andrew. Naluluha na siya. Nagaalala talaga siya ngayon.

“HA!” sigaw niyang habang tinutuhog ang mga zombie. “ZACK! NINA! NASAAN KAYO?!” sigaw niya. Tumaas ang mga ulo ng zombie, tila hinahanap kung sino ang sumigaw. Nagpatuloy lang sa pakikipaglaban si Andrew, ng bigla niyang marinig ang isang pamilyar na sigaw.

“ANDREW! ANDREW!” sigaw ni Nina. Nilingon ito ni Andrew, at nakita niyang pinalilibutan na ng zombie ang nobya ng kaibigan. Nagmamadali itong tumakbo, at palundag nitong tinuhog ang tatlong zombie na nagkainteres kay Nina.

“Andrew...Andrew, sundan mo ako...please, si Zack...” Nang marinig ni Andrew iyon, hindi na niya alam ang gagawin. Pinauna niya si Nina, at tumakbo sila pabalik sa restaurant.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now