Chapter 3 : The DEAD Fight Back

4.6K 156 36
                                    

Disclaimer: Armscor is a real shooting range featured in the last chapter. I do not own Armscor or any of its affiliates.

 A/N: Sana magcomment mga readers atsaka magvote kapag nagustuhan nila na nagupdate ako hehehe nagpaparinig lang dyan sa mga readers...

Chapter 3 : The DEAD Fight Back

Humahangos na tumatakbo si Zack habang hawak hawak ang kamay ng kanyang kasintahan. Dumungaw siya sa gilid ng railing, at nakita niyang bumubuhos papasok ang sangkatutak na mga gumagalaw na mga bangkay…mga zombie…

“Nina, dito!” sabay hatak sa kamay ng dalaga. Sumunod naman ng walang angal ito sa nobyong natataranta na. Nahiwalay sila kay Andrew kanina ng biglang nabasag ang salamin malapit sa Sky Garden at nagsipasok ang mga zombie. Muntik nang hablutin sa Andrew, pero maliksi itong nakaiwas sa mga kamay ng mga halimaw.

“Mauna na kayo, susunod na lang ako!” sigaw sa kanya ng bestfriend niya. Ito ang huling bagay na narinig niya mula sa kaibigan,

“Ands...siguraduhin mo lang na buhay ka...” bulong niya sa sarili habang taimtim na hinihiling na ligtas ang kaibigan.

“Ahhhh!” sabay hampas ni Andrew sa mga zombie na pilit na humahabol sa kanya. Napasok na siya sa isang kilalang hardware store, at inihahampas sa mga zombie ang lahat ng mahagilap ng kanyang kamay.

“Crap, kailangan kong makaalis dito! Hahanapin ko pa sina Zack!” sabi niya sa sarili habang naghahanap ng matibay na panlaban sa mga zombie. Alam niyang kailangan na niyang lisanin ang hardware store, dahil mahirap na kapag nakulong ka at napalibutan ng mga zombie. Pinadaanan niya ng tingin ang tindahan, naghahanap ng maganda at epektibong armas pang depensa sa sarili. Kung may baril lang sana dito, isip ni Zack...

“Eto!” sabay dampot ng isang mahabang bakal. “Pwede na siguro to...” sabi ni Andrew ng biglang lundagin ng isang zombie ang itaas ng cabinet na lalagyanan ng mga paninda. “AHHHH!!!” sigaw ni Andrew. Walang alinlangan niyang itinusok ang bakal sa ulo nito.

Hindi ako pumapatay, hindi ako pumapatay, patay na sila, patay na sila... Paulit ulit ni Andrew sa loob ng kanyang utak. Kailangan niyang gawin iyon...kailangan niyang gawin iyon para makumbinsi niya ang sarili niya at para hindi siya mawala sa katinuan...

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now