"Kay Theandra lang. 'Di sa'yo." tamad na sabi ni Kuya.

Wait, what? Theandra ?! As in Ate Thea?

Nanlaki ang mga mata ko. Oh my gosh! My wig has been snatched! Naalala ko na lamang bigla iyong sinabi ni Kuya Mac na busy daw si Kuya Beau manuyo ng ex.

Does it mean na ex ni Kuya si Ate Thea? Shit bricks!

Napaupo ulit ako sa tabi ni Jax kakaisip.

"Kuya? Are you serious?" pangungulit ko pa dahil hindi pa rin ako makapaniwala. "Kwento ka naman, please! Wala akong kaalam-alam!"

"Ayaw." aniya at umupo na sa harapan namin ni Jaxith.

"Please, Kuya! Gusto kong malinawan!" pamimilit ko pa.

"Bibilan kita ng sandwich, manahimik ka lang." sabi pa ni Kuya sabay inom doon sa dutch mill niya.

"May pambili ako ng sandwich!" sagot ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Beau. "Eh 'di sasabihin ko sa tindera na 'wag kang pagbentahan."

Ay, grabe siya!

"Grabe, Kuya. Magkekwento lang, eh." sabi ko pa at sumubo ng snack na binili namin ni Jax kanina.

"'Wag ka na kasi makulit, lil sis." sabi pa niya. Ngayon ay nakikikain na sa tsitsirya namin ni Jax.

"Okay fine!" Oo na Kuya, hindi na kita kukulitin. Dahil pag nakita ko si Ate Thea, siya ang kukulitin ko. Hehe.

Kuya stayed with us and ate.

Si Jaxith naman ay hinahatak papunta sa kanya iyong Pringles habang kumukuha si Kuya Beau. Ayan sige, mag-asaran kayo. Pag-awayan n'yo ang tsitsirya.

"Guys!" narinig ko ang boses ni Lia habang kumakain ako.

Napalingon ako at nakita siyang papalapit sa amin kasama si Kuya Mac. Juicy!

Tumabi sa gilid ko si Lia. Si Kuya Mac naman ay doon sa kay Kuya Beau tumabi.

"How's the oplan ex?" mahinang tanong ni Kuya Mac kay Kuya Beau pero sapat pa rin para marinig ko.

Napakamot si Kuya Beau. "As of now? 'La, eh. Malabo pa sa mata mo."

"Gagong 'to, dinadamay mata ko." sabi ni Kuya Mac na parang baby.

What the heck? Ngayon lang ako nakyutan sa word na 'gago'.

"Hoy, Kenzeelito! Bunganga mo! No bad words!" sigaw ni Lia.

Halos napatingin kaming lahat sa kanya. Wow, ha. Not official ha.

"Opo, Ginang Aurelita." sabi naman ni Kuya Mac.

I cannot believe this! Ang tamis! Mangingisay ata ako sa kilig!

"Ew." sabi na lang ni Kuya Beau sabay higop sa iniinom niya. Bitter lang 'tong isang ito, eh!

Si Jax naman ay tahimik lang na kumakain ng Pringles. Oo na, favorite niya kasi. Lalo na itong Original flavor.

"Sa Friday na nga pala iyong bonfire night, 'no?" ani Lia.

Kumunot naman ang noo ko. Bonfire Night? What is it?

"Ano 'yun?" tanong ko.

"The Head Mistress announced it earlier." sabi ni Kuya Mac.

"Hindi ko narinig, eh. Ito kasi..." sabi ko sabay siko sa kumakain pa rin na si Jaxith.

"It happens every year. Just a cozy bonfire night with Flammas and Terras." ani Kuya Beau.

"Like a party?" pagkumpirma ko.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon