Chapter 1

25.5K 515 209
                                    

NOTE: My characters aren't lovable. And this story is not for those people who are firm believers of fairy tales and happy endings. This story is also unedited. So, if you encounter errors, please leave an in-line comment so I can edit it. Thank you. Cliché plot ahead. Read at your own risk. YOU HAVE BEEN WARNED.

———

Ganito pala 'yung feeling kapag in love ka.

Nakakakilig.

Nakakataranta.

Nakakabaliw.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng gymnasium habang naglalakad papasok dito. Ang mga pula at puting lobong nakalutang at humahalik sa kisame nito ang umagaw sa aking pansin. May mga pula ring talulot ang nagkalat sa sahig, dahilan para halos matakpan ang kabuuan ng court. Bumaba ang aking tingin sa mga kandilang nakahilera na nagsisilbing gabay sa daanan hanggang sa may tumawag sa aking pangalan.

"Nausicaa," tawag niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Pinigilan ko ang aking sarili na tumili sa pamamagitan ng pagkagat sa aking pang-ibabang labi.

Gusto kong maiyak sa tuwa sa aking nakikita.

He was there, the man I wished for. Standing in front of me with a bright smile, holding a bouquet of red roses on his hands.

Nagsitilian ang mga nanonood, karamihan ay mga babae. Lahat sila ay nasa bleachers at entrance ng gym lamang. Halos lahat sila ay kapwa ko high-schoolers; junior high at senior high. Walang naglakas loob sa kanila na tumapak sa mismong court maliban sa aming dalawa ng kaibigan ko.

May iilan ang nagvi-video sa nangyayari at ang iba na kagaya ko ay kinikilig dahilan upang isigaw nila ang,

"Sana ako na lang! Ako na lang, baby!"

"Ang swerte naman ni ate girl!"

"Gan'yan din sana kami ng boyfriend ko kaso wala pala no'n!"

Hindi rin nakatakas sa aking pandinig ang kaliwa't kanang pangangantsaw ng mga teammates niya. Nakatayo ang mga ito sa kan'yang likuran at may hawak na mga board... na naglalaman ng mga litrato ko.

Sa parteng iyon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya.

May iilan din ang napapairap at isinisigaw ang,

"Walang forever, magbe-break din kayo!"

"Ke-babata pa ang hahaliparot na!"

"Aral muna bago landi!"

But who cares?

Ano man ang sabihin nila, alam kong hindi iyon magiging hadlang sa pagmamahalan naming dalawa.

Inalog ako ni Alliah na may kasamang malalakas na paghampas sa aking braso. Sa tingin ko'y mas kinikilig pa siya kaysa sa akin.

"Punyeta ka talaga Renae! Ang haba ng buhok mo!" sigaw niya malapit sa aking tainga na akala mo ay ilang milya ang layo sa akin.

Hindi ko siya pinansin instead I just smiled widely, 'yung tipong mapupunit na ang bibig ko sa sobrang pagngiti. I couldn't express how happy–rather, blissful I am right now.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. It felt like everything went in black and white, tila nag-slow motion ang paligid at tanging siya lamang ang nakikita ng aking mga mata, at nang huminto siya sa aking harap, panandalian kaming nagkatitigan.

Kitang kita ko kung kagaano siya kagandang lalaki. Sa kan'yang makakapal na kilay at malalim na mga mata na kulay kayumanggi na tila nagsusumao sa 'yo. Ang kan'yang matangos na ilong at mapupulang labi na kay sarap halikan. Hindi man ganoon katulis ang pagkakalilok ka sa kan'yang panga, hindi naman iyon naging dahilan para mabawasan ang kan'yang kagwapuhan. Mapusyaw ang kan'yang kulay bagay na aking nagustuhan sapagkat lumutang lalo ang kulay ng kan'yang mga mata.

Napakas'werte ko nga.

Ngumiti siya sa akin at lumunok, "Will you be my girlfriend?" he asked while nervously giving me the bouquet.

Lalong lumakas ang hiyawan sa loob ng gym. Domoble rin ang lakas ng paghampas sa akin ni Alliah.

"Sagutin mo na siya bakla! Huwag nang choosy!" aniya pa.

Nginitian ko si Xander at sinabi ko na ang aking matamis na, "Oo, Xander."  Saka tuluyang kinuha mula sa kan'ya ang bouquet.

Panandalian siyang hindi nakagalaw, nanlaki ang kan'yang mga mata marahil ay dahil sa gulat. Then after he registered what had I said, he shouted like he won a lottery. Naisuntok niya pa sa hangin ang kan'yang kamao. Natawa naman ako sa inasal niya. Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din ang aking ginawa.

"Love you, Nausicaa. Promise you won't regret this! Fuck, I'm so happy, baby!" he exclaimed.

"I love you too, Xander," I whispered back.

I really wished Xander was the one for me. I loved him and I know that he loved me too and won't hurt me.

Or so I thought.

The Faded Spark | TID #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon