Chapter Two

13.8K 373 30
                                    

Now it's time, Ito na yung araw na yun.

The reality...

The real world...

My gulay! I can't believe this. I'm so super excited right now. I can't believe that my uniform fits me. well, super fit dahil nag gain ako ng weight and it's okay with me. Kahit anong type of person you are basta maganda ang ugali mo, you are beautiful

Napabuga ako ng hangin ng makita ang ko ang desenyo ng uniform ko. It's plain white uniform na may itim na necktie paired with black skirt, It's not that stylish pero bakit ang mahal!? Kahit inaantok pa ako kanina ay pilit akong tumayo, ang panget naman kung late agad ako, kakasimula palang ng klase.

Nakangusong pumasok sa loob ng kwarto ko si Thunder. "Sis, baba ka na daw sabi ni Love " sabi niya habang nakatingala sa'akin. He's so really adorable! But have a bad attitude. Wag kayo magpapalinlang, nakakamatay. Muka ding kakagising niya lang.

"Opo baby, sabay na tayong bumaba. " sabi ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Kawawa naman tong baby brother ko. Mawawalan na siya ng kalaro-- i mean mab- buwiset. Dahil nga kaming dalawa nalang ang nandito, kami lang dalawa ang nakakapag-away ng tago. Love didn't know about that because di talaga namin pinapaalam.

She will freak out if she finds out. Baka mapalayas pa ako sa bahay dahil inaaway ko ang kapatid ko. I'm the older sister, Ako dapat ang hindi pumapatol sa nakakatandang kapatid.

"Stop doing that ate!" Hasik nito habang pilit inaalis ang kamay ko sa buhok niya. Ngumisi lang ako at hinila siya palabas ng kuwarto ko. Minsan talaga maganda din pagtripan itong batang 'to.

Nakikita ko sa kanya si kuya kaya naman ay naiisip ko na kay kuya ako nakakaganti. I love it when he's mad. Especially when he is crying already, that feels, heaven?

Joke. Hindi kay Thunder, kay kuya lang because he's a devil

Pagkababa namin ni Thunder, sumalubong sa'amin si Love na nakakunot yung noo habang si Dad naman ay nakasunod sa kanya nakayakap sa likod.

Napangiwi naman ako sa nakita. Ang agang PDA naman yan, oo! Nakakasuka po siya mga kaibigan, kainis.

"Good morning love. Ang aga-aga nakakunot yung noo mo. " sabi ko at hinalikan siya sa pisnge. Bigla namang nawala ang pagkakakunot niya ng makita kami ni Thunder

" Good morning, Si daddy mo kasi e. " Magsalubong ang kilay ni Love habang nakatingin kay Daddy. I just shrugged at lumapit kay dad and kiss him in his cheek.

" Good Morning daddy. Bakit galit si Love? " tumingin naman sa amin si dad at tila ba halos mapunit na ang kanyang mga labi dahil Abo't langit ang kanyang mga ngiti.

"We have a good news" sabi ni Daddy na tila excited pero agad din siyang napahinto ng takpan ni Love yung bibig niya.

"Tsaka na namin sasabihin kapag nandito na si Kuya mo. Make sure na nandito kayo sa Saturday" mariin na sabi ni Love. Kahit nagtataka ay tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Kahit kailan talaga pa- VIP si kuya. Favoritism. May pa move out pa kasing nalalalaman. Gusto lang siguro nun maghanap ng chikababe sa kanto na puwede niyang iuwi.

She smiled at me at hinalikan si Dad sa cheeks. Napangiti ako habang nilalagyan ko ng garlic rice yung plato ko at kumuha nadin ako ng bacon and hotdog. Sakto, gutom na din ako.

I forgot to eat last night dahil nagbasa ako ng libro na dala ni Thunder, Ang ending ay nakatulog din ako dahil hindi ko siya maintindihan. I almost have a nose bleed.

" Anak, dadagdagan ko yung baon mo, Weather you like it or not. Your brother told me na mahal daw yung mga pagkain dun. " My dad said. Tumango nalang ako dahil wala din naman akong magagawa dahil si Daddy din naman yung masusunod.

My Stalker is a Heartthrob ( Under Editing)Where stories live. Discover now