TDCA 11

3K 147 4
                                    

Lumipas ang mga araw at nairaos namin nang matiwasay ang foundation day. Matagumpay naming nai-perform ang aming number sa ginanap na play. Syempre proud na proud sina Luke at Cheska sa aming lahat.

Pumunta rin si Mama sa university upang manood dahil paborito niya ang Phantom of the Opera na isa sa mga pinerform namin.

Maging si Trevor nanood kahit alam kong hindi siya mahilig sa play. Sinabi ko sa kanya na huwag nang manood dahil mabo-bore lang siya.

"Baby, I'll support you on whatever you love doing." Iyan ang mga salita niya na ikinatuwa ko naman.

Ngayon ay excited na kaming magbakasyon dahil halos isang buwan na lang ang pasok.

Magkakasama kami nina Sheena, Luke, Savina, at Trevor na nagla-lunch sa cafeteria at masayang nagku-kwentuhan.

Nitong mga nakaraang linggo ay napansin ko rin na parang medyo nagiging malapit na sa isa't isa sina Luke at Savina. Though walang kinukwento si Savina ay natutuwa pa rin ako sa kaunting progress sa pagitan nila ni Luke.

"Guys, siya nga pala. I'll be having a cocktail party bago magbakasyon, and you all need to be there. I'm not taking a no for an answer." Pahayag ni Luke sa gitna ng tawanan namin.

"Really? I'm in, I'm in." Masiglang sabi ni Savina na sagad ang ngiti. Of course.

"Ako rin. Marami bang invited?" Tanong ni Sheena na bakas ang excitement sa mukha.

"It's an open party, so pwede niyong iinvite ang iba niyong friends."

"At your house?" Tanong ni Trevor bago uminom ng juice.

"Yep."

"Omg. I'm very excited. I need to go shopping." Ani Savina bago bumaling kay Sheena. "Tingin mo bagay sa akin ang floral or plain dress?"

"Matagal pa yon, masyado kang excited." Sagot ni Sheena.

"Pooper! Basta, magsha-shopping na ako whether you come with me or not."

"How could you!  I'm your bestfriend!" Sabi ni Sheena saka tumingin sa akin. "Besides you, honey."

Napapangit naman ako sa walang kwenta nilang argumento.

"May isusuot ka na ba?" Tanong sa akin ni Trevor.

Tumango ako at ngumiti. "Meron akong semi formal na attire sa bahay iyon na lang ang isusuot ko."

Tumango tango siya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang sumapit ang uwian ay hinatid akong muli ni Trevor sa bahay. Kumain muna kami bago siya umuwi. At syempre hindi mawawala ang matagalang pagpapaalam namin sa isa't isa.

Nitong mga nakaraang araw ay naging extra sweet pa siya sa akin. Kung ano-ano ang nireregalo niya. Maging si Mama at Anton ay nireregaluhan niya. At lagi kong sinasabi sa kanya na hindi naman niya iyon kailangang gawin.

"I want to." Iyon ang lagi niyang sinasabi sa akin.

Kaya naman ginawa ko rin ang ginagawa niya. Bumibili rin ako ng maliliit na bagay para ibigay sa kanya. At ang nakakatawa doon ay matapos niyang magpasalamat ay pagagalitan niya ako.

Hindi ko naman daw kailangan gumastos para sa kanya. Look who's talking, right?

"See? Ganyan din ang sinasabi ko sayo." Iyon naman ang madalas kong isagot sa kanya.

Nang dumating ang final exam ay kinailangan muna naming mag-focus dahil ang finals ang pinaka-critical na term sa buong semester.

Kaya naman kapag may free time kami ay ginugugol na lang namin sa pagre-review sa halip na tumambay. At laging nagrereklamo si Trevor. Gaya ngayong gabi.

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 2) - The Drama Club Actor ✔Where stories live. Discover now