TDCA 15

3.1K 161 3
                                    

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo sa harap ng bahay bago ko iyon buksan. Mabuti na lang ay hindi nahulog ang susi sa pool kanina.

Bukas ang ilaw sa harap at loob ng kainan kaya naman hindi ako nahirapang buksan ang pinto.

Pagpasok ko ay agad ko na iyong isinara.

"Anak, Diyos ko, bakit basang-basa ka? Anong nangyari?" Nalingunan ko si Mama habang ibinababa ang baso ng tubig sa mesa.

Lumapit siya at hindi malaman kung alin sa balikat at braso ko ang hahawakan.

Para na naman akong mabubulunan sa pagpipigil ng luha.

"A-ah, ang i-init po kasi sa party kaya naisipan kong maligo." Saka ako tumawa. Maging ako ay hindi kumbinsido na totoo ang pinakawalan kong tawa.

Tinitigan lang ako ni Mama.

"Nasaan si Trevor?"

Iyon lang ang kailangan kong marinig para bumalong ang masaganang luhang nagpapasikip ng lalamunan ko.

Kinagat ko ang labi ko at mapait na ngumiti sa nanlalabo kong paningin.

"Ganito ba talaga kasakit, Ma?"

"Ang anak ko."

Kinabig ako ni Mama sa balikat niya at doon ko hinayaang umagos ang mga luha ko.

"Ssshhh. Nandito lang ang Mama." Sabi ni Mama habang hinahaplos ang likod ko.

-------------------------------------------

***Luke's POV***

Hindi ko kayang tagalan ang eksenang nakikita ko mula sa harap ng bahay ni Alex. Parang dinudurog ang puso ko na makita siyang umiiyak.

Hindi ako agad umalis dahil nag aalala ako para sa kanya kaya naman sumunod ako nang hindi niya nalalaman.

At iyon nga ang eksenang nakita ko mula sa dingding na ang kalahati ay salamin at konkreto naman ang ibabang bahagi.

I had no idea what really happened but I knew Trevor had a big part in this. Masaya pa sila kanina nang magsimula ang party kaya naman siguradong hindi simpleng away lang ang nangyari.

I took one last glimpse before I walked away from there.

I wanted to comfort Alex and be there for him pero wala akong karapatan. Nawala ang lahat ng iyon when Trevor told me he liked Alex and that he was already courting him.

Wala akong choice kundi mag-give way. I should have courted Alex right away. Pero natorpe ako. Silly. I've never been like that before. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. But Alex was different. I wanted to take my time on pursuing him. At sa kamalasan ay naunahan ako ni Trevor.

I told Alex I liked him but I never made a move. So i guess that it was my fault na naunahan ako ng pinsan ko.

I didn't get mad kahit mas nauna kong nakilala si Alex. It didn't matter. Dahil mukhang masaya naman si Alex kay Trevor.

Masakit oo. I never believed in love at first sight coz that was just dumb. How could you possibly fall for someone you just met, without knowing even a single thing about them?

But when I laid eyes on Alex, my world stopped. And I got this feeling that I couldn't point my finger at.

Kaya naman kapag kasama ko sila ni Trevor ay pinipilit kong maging kaswal. Masaya ako para sa kanila. It's just that, I couldn't help myself but feel a pang of jealousy whenever na magkasama sila.

Sumakay ako sa kotse at bumalik sa bahay. Sa likod na ako dumaan to avoid unwanted attention.

Agad akong pumunta sa patio pero wala na doon si Trevor. I knew he was there dahil doon galing si Alex nang bumangga siya sa akin.

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 2) - The Drama Club Actor ✔Where stories live. Discover now