TDCA 9

3.3K 159 4
                                    

Sa sumunod na buong linggo ay hatid-sundo ako ni Trevor. Sabay rin kami parating mag-lunch at kapag may libre pang oras ay nagpapalipas kami ng sandali sa park.

Bigla-bigla na lang din siyang sumusulpot sa bahay pero hindi ko na siya binabawal na tumulong sa kainan namin. Masaya naman daw siya sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang.

At masaya rin ako na lagi ko siyang kasama. Gaya ngayon, sabay kaming naglunch break sa canteen ng school.

"Anong araw ba kayo namamalengke?"

Nagtataka akong napatingin kay Trevor. "Bakit?"

"Gusto kong sumama."

"Halos araw araw naman namamalengke sina Mama at Anton. Pero madaling araw sila umaalis para hindi sila maubusan ng mga sariwang sangkap."

"Hmm. Tulog pa ko non. Pero sama tayo minsan. Mukhang masaya yon."

Natawa ako. "Anong masaya don? Halo-halong amoy ang nasa palengke, maingay, mainit, siksikan, saka maputik ang daan lalo na sa section ng seafood. Saka hindi ka bagay don." Uminom ako ng juice.

"Bakit naman? Dahil gwapo ako?" Saka niya nilagay ang daliri sa ilalim ng baba at kumindat.

Pabiro kong tinirik ang mata ko. "Ang ibig kong sabihin dapat malakas ang sikmura mo kapag pupunta ka sa public market. Eh mukhang di ka naman sanay sa mga ganon, kaya wag na lang."

"Hmm. Siguro natatakot ka lang na pagkaguluhan ako sa palengke. You're very protective. I like it." Nakangiti niyang sabi bago sumubo ng pasta.

"Kung ano-anong sinasabi mo."

"Alex!"

Nalingunan ko si Sheena na masayang naglalakad palapit sa amin.

"Hi, Trevor."

Tumango lang si Trevor at ngaumiti.

Umupo siya sa tabi ko saka ibinaba ang bitbit niyang tray. Halos buong linggo ko siyang hindi nakita dahil sa competition na sinalihan ng club nila. Kaya naman para akong nasabik sa kanya at niyakap ko siya bigla na ikinagulat niya.

"Are you okay, Alex?" Seryoso niyang tanong.

"Oo naman, bakit?" Saka ako kumalas ng yakap.

"Ang weird mo, bigla ka na lang nangyayakap." Niyakap pa niya ang braso na tila kinikilabutan.

"Sobra ka naman, na-miss lang kita."

"Ganon ba." Saka siya tumawa. "Oh, isa pa." Siya naman ang yumakap sa akin na ikinatawa ko.

"Kumusta ang competition?"

"Guess what? We got the first place!" Excited na sabi niya.

"Talaga? Congrats!"

"Yup. But that Kiara is not happy about it."

"Bakit naman?"

"Kilala mo si Kiara?" Biglang singit ni Trevor.

"Ah, hindi mo ba alam? Siya ang president ng club namin. And junior editor ng university."

"Really?" Tila nag iisip na sabi ni Trevor.

"Yup. And according to her, first placer is also the first loser." Nakatirik ang matang sabi ni Sheena na inartehan pa ang boses. Siguro ay ginagaya niya ang way ng pagkakasabi ni Kiara. "Sadly, hindi namin nakuha ang title."

"Hindi man lang niya na-appreciate ang effort niyo? Panalo pa rin naman ang first place ah." Komento ko.

"Kiara has a big ego. At gusto niya ay ang best. So.." nagkibit siya ng balikat at nagsimula nang kumain. "And speaking of the devil herself." Pairap na sabi ni Sheena.

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 2) - The Drama Club Actor ✔Where stories live. Discover now