TDCA 6

3.8K 160 3
                                    

ST. BENEDICT UNIVERSITY SERIES 2
THE DRAMA CLUB ACTOR
(6)

"Let's talk about us while we wait for our food."

"Us?" Tanong ko. Ang sarap palang marinig mula sa mga labi ni Trevor ang salitang iyon.

"Yeah. Me, you, at itong 'pagpapanggap' natin." Sumimangot si Trevor nang sabihin niya ang 'pagpapanggap.'

May bigla akong naalala.

"Buti binuksan mo yan. Ako muna." Maagap na sabi ko. "Bakit kailangan din nating magpanggap sa harap ni Sheena? Kaibigan ko naman siya. At mapagkakatiwalaan."

"Baby. Makinig ka. I want everyone to think that we're really dating. Everyone. And that includes your friend or friends. Para maging genuine ang reaksyon nila if ever na nasa paligid si Kiara."

"Pati si Luke?"

Saglit siyang nag isip bago sumagot.

"Well, Luke can keep secrets."

"At hindi ka naniniwala sa kaibigan ko na kaya rin niyang magtago ng lihim? Para mo na rin sinabing wala kang tiwala sa akin."

"It's not that." Bumuntong-hininga siya. "I just don't want a lot of people know about it."

"Pero isa lang si Sheena. I mean, anong difference non?" Pilit ko. Kaibigan ko si Sheena and I feel bad na meron akong tinatago sa kanya.

"Look, baby. I just want to keep this between us. At kaya ko lang sinabi kay Luke para hindi siya magtampo kapag nakita niya tayong sweet. He seems to like you, you know that." Nakatitig na sabi niya.

"Fine." Maikling sagot ko.

Maya maya pa ay dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Ngayon ko lang na-realize na gutom nga pala ako.

"Ah."

Napatingin ako kay Trevor pababa sa pagkaing nasa harap ng bibig ko.

"Ah." Ulit niya at lalong inilapit ang piraso ng steak sa labi ko.

"Ha? Ayoko nga. Nakakahiya sa mga tao." Luminga ako pero wala namang nakatingin. Pero kahit na. Nakakahiya pa rin.

"Please? Isa lang. Saka practice na rin natin to. Kailangan nating maging komportable sa isa't isa para mas maging makototohanan ang intimacy natin. Ah."

Hindi na ako nakipagtalo at mabilis na isinubo ang pagkain. Napangiti naman si Trevor nang maluwang at nasisiyahang bumalik sa pagkain.

Pero mayamaya ay umulit na naman siya. Muli ay hindi na ako umangal. Para saan pa, eh mukhang hindi naman marunong magpatalo itong lalaking to.

"Ako naman subuan mo." At nakangiti niyang ibinuka ang bibig.

Kung awkward ang feeling ng sinusubuan ay mas awkward pala kapag ikaw na ang magsusubo.

"Ayoko." Mabilis na tanggi ko.

Lumabi si Trevor at pinalungkot ang mukha. "Sige na. Ha?"

Muli ay ibinuka niya ang labi. Tumingin muna ako sa paligid para siguruhing walang nakatingin pagkatapos ay sinubuan ko siya ng isang malaking piraso ng karne.

Nakangiti siya habang ngumunguya at tinataas taas pa ang kilay habang nakatitig sa akin.

Umirap naman ako wari dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya at nagfocus sa pagkain ko.

Ang kumuha ng atensyon ko ay ang madalas na pagkiskis ng binti niya sa binti ko. Maliit lang ang table kaya naman hindi maiwasang magkadikit ang mga tuhod namin.

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 2) - The Drama Club Actor ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ