TDCA 8

3.3K 164 3
                                    

Nang sumunod na araw ay naging bisita na naman namin si Trevor. At ngayong Linggo ay ine-expect ko na darating na naman siya.

I have to admit na masaya akong kasama siya. Pilyo siya most of the time. Masyado pang maaga para sabihin kong mabuti siyang tao pero wala pa naman siyang ipinakikitang hindi maganda.

Ang totoo ay magalang siya lalo na kay Mama. Hindi ko alam kung nagpapalapad lang siya ng papel pero sa tingin ko naman ay hindi dahil mukhang natural na sa kanya ang pagiging magalang.

Maging sa mga customer namin ay magiliw at maayos siyang nakikipag usap. Hindi mo iisipin na ang isang tulad niya na nasa alta-sosyedad ay kayang makisalamuha sa mga ordinaryong tao.

Dahil doon ay nakapuntos na naman siya sa puso ko. At nangangamba akong tuluyan na akong mahulog sa kanya.

Hindi ko pa naranasang magmahal. Oo, crush nagkaroon ako. Pero ang ma-in love? Hindi pa. Kaya naman hindi ko alam kung paano ba pipigilan ang damdaming patuloy na sumisibol sa puso ko.

Masaya, oo. Pero malungkot din. Gaya ngayon. Makapananghali na ay wala pa si Trevor. Sa tuwing bubukas ang pinto ng kainan namin ay agad akong napapalingon sa pag-asang si Trevor na iyon. Pero agad din akong madidismaya kapag hindi siya ang dumadating.

"Anak, may hinihintay ka ba?" Tanong sa akin ni Mama nang mapagsolo kami sa kusina.

"Wala po, Ma." Maikli kong sagot habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Eh bakit kanina ka pa tingin nang tingin sa pinto?"

Napansin pala iyon ng Mama. Agad akong nag isip ng palusot.

"Syempre, Ma, tinitingnan ko yung mga customer. Natutuwa nga ako kasi kahit Linggo maraming kumakain dito." Inilang lagok ko lang ang laman ng baso at muling nagsalin saka ko iyon inabot kay Mama.

"Naku." Uminom muna si Mama bago nagpatuloy. "Ako pa ba ang lolokohin mo, Alex? Iba ang sigla mo kahapon nang nandito si Trevor. Siya ang hinihintay mo, alam ko."

"Hindi po Ma. Kung ano-anong napapansin mo, Ma. Pagod lang ako." Patuloy kong palusot.

"Hmm. Oh siya, sabi mo eh." At nagpatuloy na si mama sa pagtipa sa calculator. Naupo naman ako sa harap niya at pinanood ang ginagawa niya.

"Sa tingin mo, Ma, naaalala pa niya tayo?"

"Ni Trevor?" Tanong ni mama na hindi inaalis ang tingin sa papel at calculator.

"Hindi, Ma."

Bumuntonghininga si Mama bago tumingin sa akin saka inilapag ang ballpen sa mesa.

"Anak, kung nasaan man siya ay masaya na yon. Gusto mo ba siyang makita?"

Nagkibit ako ng balikat.

"Anak, makinig ka." Kinuha ni Mama ang kamay ko at bahagya iyong pinisil. "Kung galit ka sa papa mo, huwag. Ama mo pa rin siya. At kung ano man ang dahilan niya ay hindi na iyon mahalaga."

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang si Mama.

"Saka, eto naman ang Mama. Hindi kita iiwan." Nakangiting sabi ni Mama na nagpangiti rin sa akin.

"Hindi naman ako galit kay Papa, Ma. Siguro, kaunting tampo meron. Akala ko kasi noong bata ako, papasok lang siya sa trabaho." Yumuko ako para itago ang nangingilid kong luha. "Pero hindi na siya bumalik." Pabulong na dugtong ko sa bahagyang nanginginig na boses.

Hinila ni Mama ang upuan palapit sa akin.

"Halika nga rito." Niyakap niya ako at isinandal ko sa balikat niya ang ulo ko. "Nasasabik din akong makitang muli ang Papa mo. Pero kung hindi kaloob ng Diyos, wala tayong magagawa."

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 2) - The Drama Club Actor ✔Where stories live. Discover now