TDCA 1

4.2K 189 0
                                    

***2 years later***

"Oh basta, kapag merong nangailangan ng tulong sa thesis, project, o kung anu pa man ay i-recommend mo ako ha. Sayang din kasi ang kikitain ko don." Bilin ko sa kaibigan kong si Sheena.

Nakilala ko siya during enrollment. At agad kaming nagkasundo.

"Oo, ulit ulit ka. Wag kang mag alala marami akong kilalang tamad na estudyante dito." Natatawa niyang sagot habang isinasara ang locker niya.

"Kita na lang tayo bukas."

"Sure ka, hindi na kita ihahatid?"

"Oo, may pang-commute naman ako. Salamat. Bye."

"Okay, bye. Ingat." Paalam niya.

Naglakad na ako palabas ng university.

Sophomore si Sheena at siya ang tumulong sa akin na mag enrol. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas ay nag aaral nasa college na ako. At sa pinapangarap ko pang university.

Ang prestihiyosong St. Benedict University. Huminto ako ng isang taon nang makatapos ako ng third year high school dahil sa gastusin sa pagpapagamot ni Mama.

Kung ano anong trabaho ang pinasok ko kahit na limitado lang ang pwede kong pasukan at sa awa ng Diyos nang makaipon ako ay nagtayo kami ni Mama ng maliit na karenderya.

Lumapit din ako sa mayor ng bayan namin at nag apply ng scholarship. Kaya naman wala na akong poproblemahin sa tuition fee. Basta kailangan ko lang mamaintain ang grades ko ay makakagraduate ako ng walang pinoproblema.

At iyon nga, para matustusan ko ang pang araw araw na gastusin sa school ay rumaraket ako. Gumagawa ako ng thesis, assignments, projects ng ibang estudyante.

Willing naman silang magbayad kahit magkano dahil hindi tulad ko ay mayayaman sila. Wala namang problema sa akin dahil pulido naman akong gumawa. Sa katunayan ay may mga 'suki' na ako.

Everything is going smooth. At kahit freshman pa lang ako ay excited na akong gumraduate.

Papalabas na ako ng gate nang may maalala ako. Bumalik ako sa loob at tinungo ang Teatro De Primera Clase. Isa iyong drama club na ang ibig sabihin ay First Class Theater.

Pero mukhang wala nang tao sa loob. Papaalis na ako nang biglang bumukas ang pinto. Agad kong nilapitan ang lumabas na lalaki mula roon.

"Excuse me." Kuha ko sa atensyon niya and gosh. Ang gwapo niya! Well hindi na iyon pangkaraniwan dahil lahat naman ata ng mag aaral sa university na ito ay gwapo at magaganda. Pero kakaiba ang isang to. May something eka nga. Iba ang dating niya. Parang ang sarap niyang maging boyfriend.

Pero agad kong ginising ang sarili ko. Focus Alex.

"Yes?" Parang gusto kong kiligin dahil sa ganda ng boses at ngiti niya.

"Ahm. Nakita ko yung announcement niyo. Kailangan niyo raw ng bagong member sa club. Mag o-audition sana ako."

"Oh yes. Right. Kaso tapos na ang audition today. Balik ka na lang bukas." Nakangiti pa rin niyang sagot.

"Ahm okay." Wala akong maisip na itanong or anything. Basta nakatitig lang ako sa mukha niya.

"Mmm. May kailangan ka pa?" Parang nakakahipnotismo ang mga mata niya habang tinititigan. Kulay brown ba iyon or black? Parang sa sobrang pagkadeep ng brown ay mukha na iyong itim. But yes deep brown ang kulay ng mata niya na nalalambungan ng malalantik na pilik.

Namalayan ko na lang na kumakaway kaway na siya sa mukha ko kaya lang ako nakalabas sa isip ko.

"Ah. W-wala na."

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 2) - The Drama Club Actor ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon