I was catching my breath when I opened my eyes and I could feel my face wet with tears.. Ramdam na ramdam ko rin ang pagdaloy ng pawis sa aking katawan kahit na ramdam ko rin ang lamig ng silid. Napalingon ako kay Silver na mariing hawak-hawak ang aking braso. His eyes were filled with concern as he stared at me.

I didn't know why he's the one in here with me right now. He's not what I expected to see. He's not the one I wanted to see.

"W-Where's Gio?" nagpapanic kong tanong sa kanya. "Nasaan ang asawa ko? Alam mo ba kung ano'ng nangyari sa kanya? May tumawag sa akin, Silver! Ang sabi niya naaksidente raw si Gio. Please, take me to my husband, Silver. Please..."

"Iarra, please calm down..." malumanay na sabi sa akin ni Silver habang hinihimas-himas ang aking braso na para bang makakalma ako nito.

"I want to see my husband..." I cried. "Ayos lang siya, 'di ba?"

Kinagat ni Silver ang kanyang labi. Marahan niyang binitawan ang aking braso. Tumayo ito at saka lumayo sa aking kama upang makita ko kung sino ang nasa kanyang likuran.

My heart leaped when I saw my husband just sitting on the couch while staring at me with his bloodshot eyes. His head was wrapped with bandages. It felt like a big obstacle had been removed easily when I saw him only covered with bruise. As long as he's alive, I'm already fine and contented with it.

"Lalabas na muna ako," pagpapaalam ni Silver na hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin dahil ang aking atensyon ay nasa aking asawa.

"Gio..." pagtawag ko sa kanya at punong-puno pa rin ako ng pag-aalala. "Ano'ng nangyari? B-Bakit ka naaksidente?"

Kaysa sagutin ako ay dahan-dahan lang siyang tumayo at lumapit sa akin. Naupo siya kanina sa inuupuan ni Silver at hinuli ang aking kamay. He brought my hand to his lips and kissed it as tender as he can. Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata nang ako'y kanyang mahagkan.

"Sobrang saya ko..." bulong niya sa gitna ng paghikbi na at tila walang nararamdamang sakit kahit may mga sugat at galos. "Masaya akong maayos ka at pati na rin ang ating magiging anak."

My lips parted when I heard the last words he said. Pakiramdam ko tuloy ay muli akong nahihilo habang pinipilit ang sarili na intindihin ang mga salitang kanyang sinabi. Napakahawak ako sa aking sinapupunan na para bang makukumpirma ko ang sinabi niya kapag ginawa ko iyon.

"A-Ano?" nauutal kong sabi dahil sa malakas na pagkabog ng aking dibdib. "G-Gio... what? I-I'm..."

Hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin dahil gulong-gulo pa rin ang aking isipan at damdamin.

Muling hinalikan ni Gio ang aking kamay na kanyang hawak-hawak. Mas lalong bumuhos ang kanyang luha sa kabila ng ngiti na kanyang ipinapakita.

"You're gonna be the mother of my child now, Iarra..." he said and I could feel his overflowing happiness. "We're going to have a baby. You're pregnant."

Bumaba naman ang aking tingin sa aking sinapupunan. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi bago muling tiningnan si Gio. Lumapit ako lalo sa kanya at hinila siya papalapit sa akin upang aking mayakap.

"Thank you for having our baby," he whispered as he hugged me back. "You don't know how happy I am, Iarra. This is the greatest gift I could ever receive other than being married to you."

Napapikit ako dahil abot-abot din ang aking saya na nararamdaman. Alam kong naisip ko kamakailan lang na hindi pa ako handang maging isang ina pero ngayong nandito na ang aming munting anghel sa aking sinapupunan ay agad akong nakaramdam ng kagalakan. Gusto kong lumipas na ang siyam na buwan upang siya'y aking agad na mahagkan.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now