Chapter 29

42.4K 1.2K 330
                                    

#GrievingSoulWP

Chapter 29
Never Be

Hindi na ako nagsalita at tinalikuran silang lahat upang makakawala pero alam kong hindi ako hahayaan ni Gio na makalayo nang hindi ako nakakausap. Tama nga ako dahil naramdaman ko siyang nakasunod agad sa akin.

"Iarra," he called out for me. "Please let me explain."

Kahit na ayaw kong makipag-usap ay nagawa ko pa rin siyang lingunin dahil gusto ko siyang bigyan ng tiyansa na ipaliwanag sa akin ang lahat. He's my best friend afterall, and I wanted to give him a chance to explain and do the right thing instead of pushing this insanity.

Humalukipkip ako habang nakatitig sa kanya na hindi man lang makatingin ng diretso sa akin.

"Ano pa ang hinihintay mo, Gio?" malamig kong sabi. "Explain."

Alam kong nahihirapan siya pero nagawa niya pa rin akong tingnan ng diretso. Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit itinaas ko ang aking kamay upang pigilan siya. Nagpakawala lamang siya ng malalim na paghinga nang matanto niyang hindi ko siya hahayaang makalapit sa akin ngayon.

"Your mother was willing to push you into marriage with Leo, Iarra," he told me. "She's very concerned of your future. Iyon ang naisip niyang paraan para hindi siya mangamba. But I told you to trust me that I wouldn't let that happen."

"And yet, you broke the trust that I gave you," I spatted bitterly. "Hindi ko nga papakasalan si Leo pero ikaw naman ang pakakasalan ko?"

He opened his mouth to speak but he only pursed his lips after a second. Iniwas niyang muli ang kanyang tingin sa akin sa pamamagitan ng pagyuko. Mabilis ang kanyang paghinga at kitang-kita ko iyon sa pagtaas-baba ng kanyang balikat.

"What made you think that I'd marry you, Gio?" I confronted him. "Yes, I love you so much as my dear best friend, but I just can't imagine myself marrying a man who's not Silver. You know that."

Nang muling mag-angat ang kanyang mga mata upang tingnan ako ay napaawang ang aking bibig. Parang may tumamang punyal sa aking puso nang makita ang sakit sa namumungay niyang mga mata pero hindi nagawa no'n na tabunan ang paninibugho at kataksilan na nararamdaman ko para sa kanya.

"I'm sorry if I fail you, Iarra, but this is the only thing I can do in order to save you from marrying Leo—"

"Then, should I say thank you?" I laughed with no humor while I felt the anger building up inside me. "Walang pagkakaiba ang pagpapakasal ko kay Leo at pagpapakasal ko sa'yo because I don't want either of that. Now, please, Gio... Hanggang kaya ko pang hanapin sa sarili ko ang patawarin ka... Pakiusap lang... Itigil mo na 'tong pinaplano ninyo na 'to. This is not going to help me if you think it will. You'll just ruin me."

Hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga salita sa akin. I let the anger and betrayal that I was feeling ruled me, but I knew that those were the words that should be said. I wanted him to know how I truly feel about it.

Kahit na gusto ko siyang makasama ay hindi ibig sabihin no'n na ayos lang sa akin at gusto ko siyang pakasalan dahil hindi 'yon ang gusto ko para sa aming dalawa. I don't want our friendship to be ruined by this absurd arranged marriage that they're planning.

"I can't do that, Iarra..." he told me with conviction while he stared straight into my eyes. "I'm sorry, but I can't."

Ang galit sa aking sistema ay parang binuhusan ng gaas at sinindihan ng apoy. Nagliliyab ito at mukhang walang balak na maupos.

"I hate you," I coldly stated.

He was standing tall in front of me to look firm while his eyes were expressing a stoic expression that washed away the pain that I saw earlier.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now