Chapter 49

55.4K 1.4K 497
                                    

#GrievingSoulWP

Chapter 49
Panic

My whole body was trembling while staring at the man whom I thought dead already. Who would ever think that he would appear in front of me alive and breathing?

Hanggang ngayon ay wala pa ring tigil sa pagpatak ang aking luha habang si Silver ay agad na napakalma ang sariling emosyon. Hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko na totoo ito. Ang makita siya sa aking harapan ay tila isang mahika na hindi maaaring mangyari sa totoong buhay.

We both stared at each other like we were trying to remember what we once had. Sa tagal naming hindi nakita ang isa't isa ay inaalala namin kung ano kami noon. Lalo na akong kinalimutan na siya ay hirap na ibalik ang lahat. Ang tanging pumapasok lamang sa aking isipan ngayon ay mga katanungan.

I tried to take a step forward, but I stopped myself when I felt that something wasn't right. And because of my hesitation, he took that chance and went closer to me. Bawat hakbang na kanyang ginagawa papalapit sa akin ay unti-unting nagpapamulat sa akin na totoong siya mismo ang nasa aking harapan at hindi totoong sumakabilang buhay na siya.

Pinulot niya ang aking kamay at halos mapaso ako sa kanyang pagkakahawak. Inilagay niya ito sa kanyang dibdib at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Pati ang kanyang mabibigat na paghinga ay aking nararamdaman.

"Can you feel that?" he asked me with a low voice.

Unti-unti akong pumikit upang mas mapakiramdaman ang pagtibok ng kanyang puso at madama ang init ng kanyang balat.

"I'm still alive..." he stated.

Sunod-sunod na bumalik sa akin na parang hinukay ng aking buhay ang ibinaon kong masasakit na alaala. Ang sakit na naramdaman ko noong nalaman kong wala na siya ay naramdaman ulit ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit mas nasasaktan ako ngayong alam kong hindi pala totoo ang pinaniwalaan ko.

Ang tagal kong pinaglaban ang paniniwala kong hindi pa siya patay at hirap na hirap akong pilitin ang aking sarili na buksan ang mga mata para makita at tanggapin ang sinasabi nilang wala na siya.

Bakit agad akong sumuko? Bakit hindi ko hinintay ang pagkakataong magpapakita siyang muli sa akin?

I bit my lower lip as the tears started to stream down my face again. I started nodding slowly until I became desperate and threw myself to him. Nang mayakap ko siya at maramdaman ko ang init na hatid ng kanyang buong katawan ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paghagulgol.

"Bakit?!" I cried out.

Nahihirapan ako sa paghinga nang dahil sa aking paghagulgol. Ang huling pag-iyak ko ng ganito ay nang dahil sa kanya at hanggang ngayon ay siya pa rin ang dahilan.

"Bakit, Silver?!"

I started to punch his chest over and over again. I didn't care if I hurt him physically. I wanted him to feel how much pain I felt when I believed that he's already dead. Gusto kong maramdaman niya ang naramdaman kong paghihirap.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit sa akin?!" galit kong tanong sa kanya. "Hinintay kita! Ipinaglaban kong buhay ka dahil alam kong hindi mo ako iiwan! Ano'ng nangyari?! Bakit, ha, bakit?!"

Hinuli niya ang aking mga palapulsuhan. Mahigpit ang kanyang hawak doon upang mapigilan ako sa aking pananakit sa kanya.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko. "Gusto kong maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko! Bitawan mo ako!"

Agad niya naman akong binitawan gaya ng aking gustong mangyari pero kaysa sapakin ang kanyang dibdib ay pinalandas ko lamang ang aking mga palad doon. I tightly clenched on his shirt before I used it to cover my face and cried even more.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon