Chapter 41

48.5K 1.2K 97
                                    

#GrievingSoulWP

Chapter 41
Problem

The cold night sea breeze blew against me that made me slightly shiver. I was still wearing my halter dress and didn't dare to change clothes when we got home. Gio went straight to our room without locking his eyes with me or talking to me. I decided to give him some space for himself and went to the beach in order to think as well and be alone.

Even if the wind was cold, it still managed to calm and warm my soul. My eyes were fixed at the waves violently crashing on the shore. Madalas ay kalmado ang dagat tuwing gabi pero iba ngayon. It made me feel like it was mimicking my chaotic feelings. Ang bawat paghampas ng alon ay sumasabay sa mabagal na pagtibok ng aking puso. Kung gaano kalakas ang paghampas nito ay ganoon din kalakas ang sakit sa bawat pagtibok.

Ipinangako ko sa sarili ko na babawi ako kay Gio upang mapalitan ang sakit na naidulot ko sa kanya ng kasiyahan pero ngayon pa lang ay nabigo ko na ang sarili ko. I wasn't able to keep the promise that would benefit the both of us. Tuwing naaalala ko ang kanyang hitsura kanina ay parang nilulukot ang puso at binabalot ng sakit. He looked like he was about to give up, but he was still able to stop himself and try once again to stand up for the both of us.

Nang muling umihip ang malamig na hangin ay niyakap ko ang aking binti at saka ipinatong ang ulo sa aking mga tuhod habang patuloy pa rin sa panonood sa dagat.

Naiinis ako sa kanya dahil lagi niya na lang akong pinagbibigyan. Na kahit hindi 'yon ang gusto niyang mangyari ay gagawin niya pa rin dahil iyon ang gusto ko. Nakakainis dahil lagi na lang siya 'yong may malawak na pag-iintindi at pang-unawa sa aming dalawa. Lagi na lang siya 'yong nasasaktan ko.

Isang beses lang ata siyang sumuway sa aking kagustuhan at 'yon ang pagpapakasal naming dalawa. Even though he really wanted to marry me because he loves me, my situation was the one who triggered him to push through it. Lahat ng ginagawa niya ay para sa akin at wala man lang akong nagawa para sa kanya.

The only thing that I did for him to cook his favorite dishes. Hanggang doon lang ang nagawa ko sa kanya at alam kong napakawalang kwenta kumpara sa mga nagawa niya para sa akin pero hindi pa rin siya nagrereklamo o nanghihingi ng kapalit.

Sana kahit minsan ay maging madamot siya sa akin. Sana may pagkakataong sigawan niya ako dahil sa galit. Sana sisihin niya rin ako sa sakit nararamdaman niya. Sana ibalik niya rin sa akin ang sakit na ipinaramdam ko sa kanya.

But I know Gio wouldn't do that. He loves spoiling me with things that would make me happy, even if his happiness and dreams are the ones at stake. He prioritizes me more than anything.

Pero kahit na naiinis ako sa kanya ay nangingibabaw ang inis at galit ko sa aking sarili. Minsan lang siya humiling sa akin pero hindi ko man lang siya napagbigyan. Naiinis ako sa sarili ko dahil puro na lang ang sarili ko ang aking iniisip. Nakakainis dahil napakamakasarili ko.

Marami mang masasakit na nangyari habang nandito ako sa Bela Isla pero dito ko nahanap ang sarili ko tuwing ako'y nawawala. Hindi sumagi sa isipan ko na lisanin ang lugar na ito kahit pa naipon na ang sakit na naramdaman ko sa mga nagdaang taon dahil alam kong nang dahil doon ay kaya ako lumakas at naging kung ano man ako ngayon. Pero siguro nga'y mayroon akong pagkakamali. Kaya hindi ko magawang makalimutan ng tuluyan at kaya hanggang ngayon ay mayroon pa ring sakit na nananatili ay dahil nakakulong pa rin ako sa ala-alang iyon na dahilan kung bakit hindi ko magawang lumisan.

I'm so in love with Bela Isla, but I think I have to open my heart for new places and see its wonders.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumayo nang mabuo ko na ang aking desisyon. Pinagpag ko ang buhangin na dumikit sa aking damit at balat bago muling nag-angat ng tingin sa dagat.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now