Chapter 14

45.1K 1.1K 33
                                    

Chapter 14
Finals

"Kristel, napadaan ka?" kaswal na tanong sa kanya ni Silver.

"Uh... Balak ko sanang magpaturo sa'yo sa assignment namin na bukas pa lang ituturo sa amin pero may bisita ka pala kaya uhm..." nag-aalangan niyang sabi.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko pa na nandito ako ngayon sa bahay nina Silver kaya nag-aalangan siya?

Bago pa niya maduktungan ang kanyang sasabihin ay lumabas na si Tita Gold para siguro tingnan kung sino ang bisita at mukhang kilala niya rin ito nang sumilay ang ngiti niya.

"Oh, Kristel! Ikaw pala!" masayang sabi ni Tita Gold at inilapag sa coffee table ang dalang tray kung nasaan ang mga pagkain. "Tamang-tama! Magmemeryenda na kami. Dumito ka muna para makakain ka rin. Masarap itong niluto ko."

"Lagi naman pong masarap ang luto ninyo, Tita..." pagpuri niya kay Tita Gold.

Bitterness splashed on me like some kind of ice water bucket when I realized what her words meant. She's indirectly stating that she'd tasted Tita Gold's dishes a lot of times already and everything was delicious. Ang ibig sabihin lang no'n ay madalas siya rito sa bahay nila Siver.

Pero sa pagkakatanda ko ay mayroong kainan si Tita Gold sa bayan. Baka iyon ang tinutukoy niya, 'di ba?

Well, who am I kidding? You're just trying to comfort yourself, Iarra!

"Ikaw talaga!" Tumawa si Tita Gold. "Halika na't maupo ka na rito. Kumain ka muna."

"Uh eh... May bisita po kasi si Silver. Tsaka na lang po," nahihiyang sabi nito at tumanggi sa pag-aaya ni Tita Gold.

Nanatili lang akong nakatingin sa tsinelas at hindi ako nag-aangat ng tingin sa kanila dahil pakiramdam ko'y hindi ko magugustuhan ang makikita ko. Itong naririnig ko pa nga lang ay medyo ayaw ko na.

My selfishness was somehow showcasing itself. Hindi ko gusto na pati sa ibang babae na kaibigan ni Silver ay ganoon siyang makisama kahit na alam kong natural na sa kanya ang maging mabait. She's very hospitable to anyone.

"Nako! Ikaw pa talaga ang nahiya. Ayos lang iyon kay Iarra. Mabait na bata 'yan. 'Di ba, Iarra?"

Kahit na ayaw kong mag-angat ng tingin ay kinakailangan lalo na't kinakausap ako ni Tita Gold kaya naman nakangiti akong tumingin sa kanila at idinirekta ko ang tingin ko sa kay Kristel.

"Oo naman. Ayos lang sa akin," sabi ko.

Nahagip ng aking tingin si Silver na nakatingin ng diretso sa akin at tila ba parang tinitimbang ang aking ekspresyon. Ngumiti na lang din ako sa kanya at saka muling binagsak ang tingin sa aking mga paa.

"Oh, sige na't maupo na kayo roon. Kukuha lang ako ng isa pang plato at mga kubyertos," sabi ni Tita Gold at nagmamadali siyang tumungo sa kusina para gawin ang sinabi.

Kristel sat on the single couch and placed her bag beside it. Sa gilid ko ay mayroon pang space kaya naman doon umupo si Silver na halos katabi lang ng inuupuan ni Kristel.

Looking at her closely, she has a long straight dark brown hair that goes well with her lightly tanned skin. Her eyebrows are also perfectly threaded and her eyelashes are also long enough to make her look like wearing false lashes. She has a natural cherry lips and small pointed nose. I must admit that she's pretty... beautiful to be exact. She looks like a summer goddess.

Napaisip tuloy ako kung bakit hindi ko siya namamataan sa school gayong paniguradong marami siyang atensyon na nakukuha dahil sa kanyang natural na ganda.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon