Napatingin ako sa kanya.

"Bakit alam mo 'yan, I mean ang tungkol sa mga mambabarang... a-ako." hindi ko mabigkas-bigkas na isa akong mambabarang. "Alam mo, wala akong alam... basta nangyayari na lang ang lahat na wala akong kamalay- malay... parang may pumapasok sa aking ibang kaluluwa."

Sinulyapan lang niya ako sa sinabi ko.

"I know that because I'm studying just for you... preparing one day we'll fight, ano sa tingin mo?" napakunot noo ako nang tumabi siya at huminto. "They saying we were meant to fight someday because they looking at me as their savior." napailing siya sabay ang mapaklang ngiti.

Tumaas lang ang mga kilay ko at nagkibit balikat.

"Hindi ko alam... ako nga pagkatao ko ngayon ay di' ko malaman-laman kung ano ako..." lingon ko sa kanya. "Ang alam ko lang ay pumapatay ako habang sinasapian ako at 'yan ang gusto kong matapos na..."

Hindi kumibo ang katabi ko, nakatingin lang siya sa akin hanggang pinaandar uli ang sasakyan at lumiko sa isang rough road. Natahimik ako, alam kong papasok na ito sa kanila.

Pero huminto siya uli.

"Please listen... whatever they'll gonna' tell you or something that make you surprise about your identity 'wag mong isipin." bilin niya. "Hintayin mong makapag-usap tayo at itanong mo lahat sa akin, you should listen only to me... to me Agatha ok."

Kinakabahan man ako'y tumango pa rin ako at inisip ang lahat nang sinabi niya.

Muli siyang humawak sa manibela ng sasakyan.

"Ready?" Ngumiti lang ako at pinatakbo niya uli ang kotse. Mga isang kilometro ang tinakbo namin hanggang sa nakikita ko na ang malaking gate. "Ang balak nila ngayong gabi, this midnight actually is to kill you so those evil spirits released by your grandma' will voluntarily return to where they came from as your soul's leaving this world... ibig sabihin ay gagamitin ka nila bilang lagusan ng mga espiritu."

Oh Lord, ganun' ba ang gagawin nila sa akin?

"But don't worry... nakahanap na kami ni Lucio ng ibang mambabarang, the good one rather just pretend you don't know at all 'pag 'andun na tayo ok..." pareho lang kaming nakatingin sa malaking gate. "She'll help us... may iba pang paraan Agatha, hindi lang naniniwala ang karamihan sa mga mambabarang."

Tumango ako at inisip ang kanyang sinabi, "may iba pang paraan Agatha."




              Parang hindi ako makahinga sa bawat galaw ko. Kasalukuyan akong bumababa habang naghihintay sa akin si Christian sa labas. Nanginginig ang mga kamay ko at nang mahawakan niya'y pinisil niya ito ng ilang beses.

"Calm down..." anas niya sa akin habang papalapit kami sa main hall ng mansion. Lahat yata ng mga trabahador nila ay 'andito at nakaabang sa akin. "We'll just go to lola's bedroom then pwede na kitang ihatid sa kwarto mo... sasabihin din nila na magpahinga ka muna."

Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya at bumuntong hininga. Papalapit kami ngayon sa isang babae at lalaki.

"Pare si Agatha," pakilala niya sa lalaking kaedad lang yata niya. "Yaya Dina, si lola gising na ba, sila tita dumating na rin ba?" tanong naman niya sa babaeng tahimik lang na nakangiti.

Tumango lang ito bilang sagot kay Christian at bumaling sa akin.

"Mabuti naman nakasama ka dito iha... ang lola pala ni Christian kanina pa kayo hinihintay." sabi niya at muling tumingin sa katabi ko. "Mamayang gabi darating raw ang mga pinsan mo kasama ang tita mo, ang Tito Rafael mo'y bukas na lang raw ng umaga hahabol." Ngumiti siya at makahulugang ngumiti sa akin.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon