#11

330 19 0
                                    

Janna's POV

--WEEKEND--

Kausap ko ngayon si Mdm. R. Haha. Matagal narin kaming hindi nakakapag-usap e. Kwento kwento lang dito sa may veranda. :">

"So, kamusta naman si Drake? Hindi ka ba nahihirapan sa kanya? Just tell me. Papagalitan ko yun."

"Ahh, hehe. Okay lang naman ho. Medyo nagkakasundo narin kami.."

Oh I'm just a great pretender. Hahaha :"))

"Hindi naman niya ako inuutosan parati ma'am e. Parang buntot lang ako ng buntot sa kanya pag tinatawag niya ako. Ganon."  dagdag ko pa. Tumango-tango naman si mdm.

"Osya. Linisin mo nalang tong kalat. May appointment pa ako e. It was nice being with you, hija!" tumayo na si Mdm. at nagpaalam na saken.

"Sige po, mdm! Ingat."

Tuloyan nang umalis siya. Niligpit ko na yung pinagkainan namin ni mdm kanina at inilagay dun sa tray. Pinunasan ko narin yung mesa. Habang nililinis ko yung mesa, may biglang umupo sa stall na sobrang ikinagulat ko.

"S-Sir Khenzo!"  sabi ko. Waaah!! Na-miss ko toh. Sobra. Matagal ko na siyang di nakikita't nakakausap e. Gusto ko sana siyang yakapin pero hindi pwede.

"Hello, Janna.^^ Long time no see."  bati niya saken. Awtsu! Ba't ba ang gagwapo ng mga nasisilayan ko? Shems. Landi ko.

"Hello din po sir."

"Khenzo nalang. Ayokong sini-sir ako."

Tama, alam ko yan. Ayaw talaga ni Khenzo na tinatawag siyang sir. Masyado daw kasing pormal para sa kanya.

"Ah, K-Khenzo. Hehe."  naiilang kong sabi at pinagpatuloy ang paglinis. Nang matapos ko na yung paglilinis, kinuha ko na yung tray.

"Ahm, Khenzo. Ibabalik ko lang toh sa kitchen." sabi ko sa kanya. Tumayo naman agad ito at ngumiti.

''Ako na magdadala. Sasamahan kita."

>///< Bespren nemen ehh. Thoughtful talaga neto.

"Ay, huwag na po. Magaan lang naman po ito eh."  tanggi ko.

"Tanggalin mo nga yang 'po'? Ayoko ng masyadong pormal. Just treat me like I'm one of your close friends.."

>/////< Edi, go! Namimiss ko na talaga toh eh! Yung bonding namin with Zhai noon.. Noong gangster at si Xianel pa ako..

"Ah,o-okay.."  kinuha na niya ang tray mula sa kamay ko at ngumiti ulit. Pagkatapos naming ibalik yun sa kitchen, hinugasan ko muna yung mga pinggan tapos inaya niya ako sa garden. Pumayag naman ako.

"Ang sarap pala tumambay dito sa garden.."  nakapikit niyang sabi. Nakahiga kami ngayon sa may damuhan.

"Oo nga eh. Dito rin ako nagpapalipas ng oras pag walang inuutos si Kamahalan." sagot ko naman sa kanya. Dumilat siya at tumingin saken.

"Kamahalan?"

"Mm-Hmm."  sagot ko.

"Ahh.. Ba't naman kamahalan tawag mo sa kanya?" tanong ni Khenzo.

"Ewan ko ba dun. Gusto niya yun yung itawag ko sa kanya pero ayaw niyang tinatawag ko siya ng kamahalan in public. Bakit naman kaya? Nalilito meh."   acheche, daldal ko :">

Falling for the Gangster [On-Hold]Where stories live. Discover now