Chapter 1

11.2K 270 7
                                    

MAHIGPIT syang napahawak sa bag nya. She can hear her classmates laughing at her back again. Gustong gusto na nyang umuwi but they're really far away from home at naka school bus sila. Stupid field trip! Hindi na sya magtataka kung maya-maya ay magset-up nanaman ng traps sa kanya ang mga kaklase nya.

She's a third year college student pero she's currently twenty-two. Hindi naman sya nagloko.Actually matataas mga grades nya. What made her stop before was because of her classmates  intense bullying to her.

What made it intense? She's taking a course of BSHRM and she's studying in a school for rich kids. Why do they bully her? She's a plus-size girl. She's only 5'1 tall and got a big boobs, big arms, big belly and big booty and ofcourse large legs. Yeah,that kind if girl.  Sya ang pinakamatabang babae sa department nila at ang malala, halos buong school yata trip syang gawing katatawanan. Girls in their department are really skinny and pretty mapatourism man o hrm. Actually halos lahat naman ng mga kabatch nya noon classmate parin nya hanggang ngayon. Wala kaseng matino sa mga ito. Rich kids ofcourse. Hey! she's an RK too, hindi lang halata dahil sa itsura nya. Specially simple lang syang manamit. She cant even wear short skirts, croptops or hanging blouse. She lost all her confidence as a woman at kung hindi lang kailangan ng education para sa future nya baka hindi na rin sya nagtuloy pero pinilit lang sya ng pamilya nya. Ofcourse, their family is well-known. Kailangan talagang makapagtapos sya para mapanatiling maganda ang image ng family nila. Her family never discriminate her,pero ayaw nyang ipaalam sa buong mundo ang itsura na. Sya lang naman kase ang malaki sa kanila. Umabot na sya sa point na may sarili na syang bahay at kahit malaki iyon mas gusto nyang tumira mag isa doon. Sapilitang napapayag nya ang mga magulang nya,specially birthday wish nya iyon.

Now, back to where they are, finally!  Naisipan na rin ng instructor nila na magpahinga sila. Kung bakit ba naman kase sa liblib na lugar pa sila dinala. Doon daw ang pinili ng mga ito para daw ma-experience nila ang real nature.

"Ok guys, rest muna bago tayo pumunta sa next destination." ani ng instructor nila.

Naglakad sya papunta sa isang stone chair pero napatigil sya nang makitang loose ang tali ng shoes nya kaya inilapag muna nya ang bag saka itinali ang sintas ng sapatos. Siniguro din nya na nakatali ng maayos ang kabila para hindi na nya kailangang ayusin pa ulit mamaya. Natigilan sya nang makitang wala na ang bag nya sa upuan. Agad nyang hinanap sa mga kaklase nya.

"Hoy Kael akin na yang bag ko!" inis na wika nya nang makita nyang hawak hawak ng kaklase nya ang bag nya

"Kunin mo saakin" pang aasar nito

Agad nyang nilapitan ito pero agad nito ipinasa sa iba. Pinagtitinginan na sila ng mga kaklase nya at pinagtatawanan ang she feels so patethic pero laman ng bag nya ang wallet nya at ilan pang importanteng gamit.

Ilang minuto na rin silang ganon hanggang sa kung saan saan na sila umabot at pawis na pawis na rin sya.

"Ano pagod ka na? YAn kase ang taba taba" pang aasar ng isa nyang kaklase

"Uy dahan dahan ang galaw yumayanig oh" ani pa ng isa

"Hwag masyadong malapit, ayokong magshower sa pawis mo. Ang dirty" tinawanan sya ni Kael.

Pilit nyang inaabot ang bag nya mula sa kaklase nya pero sadyang matangkad ito.

"Ganyan nga para mabinat ka naman" pang aasar sa kanya ni Michael

Nagulat nalang sila nang biglang may unggoy na umagaw sa bag nya mula sa kamay nito.

Lumakas ang tawanan at parang maiiyak na sya sa inis.

"Pati unggoy balak asarin yung baboy" ani ng isang kaklase nila.

Agad nyang hinabol ang unggoy  nang maglambitin ito at lumayo. Wala syang choice kung ang sundan ng ito.

"Monkey vs. pig! Go babs!" sigaw ng mga kaklase nya habang hinahabol nya ang unggoy.

Hingal sya ng hingal at tagak na ang pawis nya pero mabilis ito hanggang sa pumasok ito sa isang cave. Agad syang natigilan at napatitig sa pinuntahan nito.

Kinakabahan sya kung ano ang nasa loob. Paano kung marami pang unggoy sa loob? Paano kung may mabangis na hayop doon? Pero sa kweba ba nakatira ang mga unggoy? Hindi naman siguro papasok doon ang unggoy kung may ibang hayop doon diba? Pero paano kung meron? Iwan nalang kaya nya ang bag nya?

No! Nasa loob non yung ring na binigay sa kanya ng lola nya bago ito mamatay. Hindi sya ang tipong iwinawala ang mga gamit na ibinibigay sa kanya. She cant lose it!

Huminga muna sya ng malalim bago pumasok doon. Habang  papaloob sya ng papaloob lalong dumidilim. Agad nyang kinapa ang phone sa likod na bulsa nya at tahimik na nagpasalamat dahil hindi iyon nakasama sa bag nya.  Humawak sya sa wall sa tabi nya para pang suporta sa paglalakad.

"Nasaan ba ang unggoy na yon?" mahinang wika nya. Mabilis ang pag-ikot ng mga mata nya para makita agad kung naroon mn ang bag nya o may ahas ba sa paligid nya.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin nya makita ang bag nya. Nakahawak parin sya sa wall sa tabi nya at damang dama nya ang gaspang at ilang matutulis na bato.

Napapunas sya sa kanyang pawis bago magpatuloy ulit at napadiian sya ng kamay sa bato nang makarinig ng papalapit na ingay. Bumilis ang tibok ng puso nya at nanlamig sya. Hindi nya alam ang gagawin nya.

Hanggang sa bigla sya napatili at napa-upo nang biglang dumaan sa tabi nya ang unggoy.

She hissed when she felt a pain in her palm. Napatingin sya doon at napamura nang makitang may malaking sugat doon. Mukhang nasugatan kanina nang maidiin nya  ito sa bato at biglangmapa-upo.

Pero napansin nyang hindi dala ng hinayupak na ungoy ang bag nya. Mukhang iniwan nito sa loob.

Napangiwi sya nang maramdaman ang hapdi sa kamay nya ang dumarami na ang dugo na lumalabas doon at ang ilan pa ay tumulo na. Mabilis nyang nilakad paderetso hanggang sa makita nya ang bag sa ibaba ng malaking tabla ng bato.

Inihawak nya sa ibabaw ng table ang dumudugong kamay nya. May naramdaman syang parang kakaiba doon pero hindi nya iyon pinansin at pilit na inaabot ang bag nya saka nakahinga sya ng maluwag nang maabot iyon.  Binuksan nya ang bag ang napangiti nang makitang wala namang nawala doon.

Aalis na sana sya nang mapansin na isa palang stone table ang kaharap nya. Inilawan nya ang ibabaw nito. Nangalatkat na ang vines dito pero napatili sya nang makita kung ano talaga ang nasa ibabaw nito.

It's a dead body! At mukhang hindi pa ito ganon katagal na namatay dahil hindi pa naman itonagsimulang maagnas. Lalo syang nahintakutan nang makitang nakapahid sa bibig nito ang dugo nya. Mabilis syang tumakbo palabas na halos madapa na sya.

How can there be a dead body inside a cave! This place is really creepy- no its scary! Baka may mamamatay tao doon. She needs to get out of there really fast!

Para syang binunutan ng tinik nang makitang malapit na sya sa lagusan. Laking pasasalamat nya nang mahanap agad kung saan nakapark ang school bus nila. Mukhang hindi pa tapos ang paglilibot ng mga klase nya dahil wala pang katao tao doon.  Mabilis syang tumakbo papasok pero muli sya matigilan nang makita kung sino ang naroroon.

Her mouth slowly formed an 'o'and her eyes slowly went wide....

A/N: First chapter, i hope you like it.
VOTE N' COMMENT

KitaraRed

Her Handsome MonsterΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα