"Oh ano pang tinatayo tayo mo jan?" Tinignan ko kung sino ang nagsalita nakita kong si Yaya Nelly pala 'yon kaya naging komportable ako sa kaniya. "Anong nanyari sa'yo?" Tanong niya pa ngumiti lang ako ng pilit at pinunasan ang Isang luhang tumulo sa mga mata ko dahil sa kaninang nangyari.






"Ahh wala.. hehe.. humikab lang ako Yaya Nelly, kaya 'wag na kayong magalala pa sa'kin, hehehe Sige na po pumasok na kayo Mahal pa kayo ng mga tao.. Sige na po." Naguguluhan siya sa mga sinabi ko di ko nga din alam kung bakit 'yun ang mga lumabas sa bunganga ko basta at least naka lusot.





Pumasok nadin ako nu'ng makita ko sila Daddy at Mommy na papunta na sa van na sasakyan namin malaki ang van na 'to kasya dito sampung tao kaya naman kasyang kasya kaming lahat dito komportable pa nga eh.






Parang campervan din umupo ako sa may upuan pinatong ko ang ulo ko sa table dahil inaatok at nanghihina din ako sa lahat ng natanggap kong salita galing kay Matthew. Iba na kasi ang dala at impact ng mga binuhos niyang salita sa'kin kanina, na parang di ako naging parte ng buhay niya.






Nakakawalang gana din naman kasi eh pinagsabihan mo nga siya, pero parang mas double ang binigay at binitawan niyang mga salita sa harapan ko kanina. Hindi din mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kahapon na di na siya ang Matthew na nakilala ko iba na daw siya sa Matthew na nakilala ko nuon.






Naiiyak ako sa ngayon, parang hindi ko matanggap o makaya na ganon na ang sitwasyon namin dalawa. Tinatanong ko sa sarili ko 'di ba mahal niya ko? Pero bakit ganon? Bakit sinasaktan niya ko ng sobra sa ngayon? Dahil ba sa napagod siya sa ugali ko dati? Baka nga.. ang tanga tanga mo naman kasi Mj eh! Napaka tanga mo! Ikaw na 'tong minamahal at ikaw pa 'tong may ganang bigyan siya ng sakit!






Pinakawalan mo pa ang lalaking katulad ni Matthew! Na laging nanjan at kukulitin ka hanggang sa mapa oo ka, at wala ka na'ng magagawa dahil 'yun na ang naging desisyon mo.. siya 'yung lalaking tipong hindi ka susukuan dahil sa mahal na mahal ka niya.. siya din 'yung lalaking nanjan para sa'yo kahit anong mood mo, hindi din siya moody katulad ng mga ibang lalaki Jan at higit sa lahat sa dinami-raming manloloko sa mundo onti nalang ang mga matitino at buo kung magmahal binigay na nga siya sa'yo ng diyos pero Mj, sinayang mo lang ang lalaking magbibigay sa'yo ng magandanh future at sigurado akong di ka sasaktan!







At dagdag ko lang, sa lahat siya 'yung lalaking hindi kaagad mapapagod sa'yo kahit gaano pa kasakit ang mga sinasabi mo sa kaniya tatanggapin at gagawin niya nalang biro 'yun, para lang mapasaya at mapatawa ka, hindi siya agad mapapagod, hindi din siya agad mapupuno sa'yo dahil siya may pasensya siya sobrang haba nga eh hanggang Jolo pa 'yan! Kaso binalewala at di mo binigyan pansin 'yon Mj, di mo 'yon nabigyan pansin o narealized manlang..




At kung ikaw ganyan ang naging best friend mo at nagkagusto sa'yo girl, 'wag ka na'ng magdalawang isip pa, go lang push! I know love can wait but like this guy these are the guys that will respect you, til the end of you're journey here in this world.. 'wag niyong gawin ang nagawa kong pagkakamali ah? Ayokong matulad kayo sa'kin eh.. ngayon di ko alam ang gagawin ko. At Isa pa 'yun ang pinaka nagustuhan ko sa kaniya but it's too late for me..





Hindi ko na nakayanan ang mga luha ko agad akong pumunta sa maliit na comfort room dito sa parang campervan na style ng van at naiyak nalang ako duon ayokong marinig nila ang mga hagulgol ko na gusto ko lang itago sa kanila dahil alam nila malakas at palaban akong tao pero ngayon gusto ko lang muna maging mahina nakaka pagod din magkunwari eh.






Iniyak ko lang ng iniyak ang sarili ko dito Wala naman sigurong makakarinig sa'kin tinawagan ko si Vittoria para humingi ng tulong dahil alam ko she'll understand me.





"Hello?"

"Via.. I need you're help.."

"What is it?"

"Siguro alam ko na 'yung kulang sa'kin eh.."


"About Matthew? Right?"


"Yes.. siguro siya 'yung tinutukoy kong kulang sa'kin.. gusto ko na'ng mabuo ang sarili ko Via.."


"Talk to him.. it's not too late to talk to him. Tell what you feel. And especially tell him that you love him na ngayon gusto mo na siya at gusto mo na'ng maging maayos na ang pakikitungo niyo sa Isa't Isa."


"Hindi eh.. parang.. gusto ko na siya eh.. nahihirapan lang ako sa sitwasyon. I know I can confess right away pero nahihirapan ako sa sitwasyon namin. Galit siya eh."



"Seriously? Galit ba talaga? Iba ang galit sa nasaktan. MJ, ang nagagalit gusto ka na'ng sapakin o sabunutan jan at hindi 'yan tatabi sa'yo o kahit nga tignan ka lang sa mata eh. Kwento mo nga sa'kin napagod siya 'di ba? Maybe he's just building up his self first, siguro nasaktan lang siya ng todo.. kasi best friend niya ikaw, ikaw 'yung nagpasakit sa puso niya. Ikaw na nga lang ang happy pill niya sasaktan mo pa. But don't blame yourself kasi di mo naman alam na may gusto siya sa'yo. In you're point of view nangaasar at nangungulit lang siya sa'yo. Kaya Mj, don't over think remember nasaktan lang siya dahil sa mga ginawa mo at mga sinabi mo nu'n sa kaniya."


"Okay.."


End..

I wiped my tears off.. sa mga sinabi ni Vittoria, I think she got my point.. sobrang nahihirapan ako sa  ngayon dahil kay Matthew eh.. gusto ko lang naman maging maayos na ulit kami is it hard to ask?





Ayoko na sa ganito napaka hirap naman.. nasaktan ko na nga siya eh,l binabalik pa sa'kin ang hirap na dinanas niya.. sabagay deserve ko 'to kaya naman magiging matapang at magiging okay nalang ako sa mga mata niya. Magiging malakas ako sa mga mata niya at matatag.





Gusto kong ipakita sa mundo na kaya ko ang lahat ng mga gagawin ko. "Kaya mo 'to Mj, fighting." Sabi ko sa sarili ko kailangan kong lumaban dahil 'yun lang naman ang choice ko para hindi agad mapagod o sumuko, kailangan kong maging matatag katulad ni Matthew dati.






Ang pagkakaiba lang namin.. gagawin ko ang lahat 'wag lang sumuko siya, kasi sumuko na agad siya sa onting paghihirap lang.. teka.. onti nga lang ba? Uhh.. hindi naman ako sigurado sa mga sinasabi ko eh.. maybe.. baka? Ewan? Di ko alam.. hay..




Napayuko nalang ulit ako I washed my face para kunwari paglabas ko naghilamos ako. "Oh basang basa 'yang mukha mo here's a towel." Abot agad sa'kin ni Mommy ngumiti naman ako kahit ang sakit parin sa damdamin ko..




"Salamat." Sabi ko at pinunasan ang mukha kong binasa ko para lang makalusot sa mga tanong nila at mukhang tama nga ako nakalusot naman ako. Except the look at the face of Matthew, parang di siya naniniwala umiiling pa siya sa'kin nu'ng sinabi ko 'yon kay Mommy.




"Nandito na tayo!" Sigaw ni Daddy kaya naman lumabas nako at ayun nga nandito na kami sa nueva ecija may bibisitahin lang naman kaming mga mountains dito dahil matagal tagal nadin hindi kami nakakapag akyat ng mga mountains.




Napaka breath taking dito nasa cliff ako ngayon at napaka taas nito may mga bars naman para bantay at para may safety mamaya may mga batang bigla nalang tumakbo edi deretso mahuhulog sa bundok.




Naalala ko din ang mga nangyari nu'ng nahulog kami nila Vittoria sa highway kung saan du'n lahat nabuhos ang paghihirap namin lahat.. grabe naalala ko parin 'yun hanggang ngayon.




"Hoy! Sumakay ka na ulit! Mali 'tong napuntahan natin!" Sigaw ni Matthew sa'kin ngumiti nalang ako sa kaniya at sumakay na ulit sa parang campervan namin.




Hay.. another day with him.. happy Christmas Eve nalang sa'amin dito..

Barkada  [COMPLETED] On viuen les histories. Descobreix ara