107: Advice

85 4 2
                                    

MJ POV

Nagising akong may lungkot sa mga labi.. naligo, nagsipilyo at nagbihis nako to get ready for our trip, when I finish my routine every morning I walked out on my room.




Hindi ko lang inaasahan na sabay kami ni Matthew lumabas ng kwarto, nagkatinginan
Pa kaming dalawa pero agad ko din nilihis ang tingin ko sa hagdanan at bumaba na. Ayokong magkatinginan pa kami lalo na ganito ang sitwasyon namin dalawa napara bang LQ pagkakaiba lang walang relationship between us.





Kahit ilan beses ko pa 'tong sabiin sa'inyo di ako mapapagod na sabiin na miss ko 'yung makulit na siya, na bawat umaga iinisin at magiging maingay siya. Sa loob ko dati natutuwa ako nu'n but I couldn't show it on the outside.. because I was scared.




Ngayon tanging nagagawa ko nalang ay maiyak sa sakit na nararamdaman ko ngayon, pero ayokong sumuko eh wala naman rason para sumuko sa'amin dalawa. Dahil alam kong malakas ako at kakayanin ko and yes, it's Christmas Eve, time check it's 4 in the morning kaya naman inaantok parin ako hanggang ngayon.






Naka ready naman ako, pati ang gamit ko okay na pupunta kami ngayon sa Nueva ecija at magpapasyal lang pagkatapos nu'n pupunta kaming tagaytay para sunduin ang Lola ni Matthew, pagkatapos nu'n baka magstay kami ng isang oras pa sa bahay nila sa tagaytay hay.. those places we're my favorite part of my life and lately ko lang talaga naalala ang place na una kaming nag kakilala ni Matt.






"Are you all ready?" Tanong ni Daddy kaya naman tumango ako hila hila ko na ang dalawa kong maleta at nginitian lang ako ni Daddy good mood siya ngayon dahil siyempre, it's Christmas Eve wala naman taong galit at malungkot sa araw ng pasko.





"Matthew! Akin na ako na'ng bahala umupo ka nalang du'n." Tulong ko kay Matthew nakangiti lang ako, siya naka headphones at parang naguguluhan sa aura ko ngayon uhh.. di niya ba ko naririnig kasi naka headphones siya kaya siya naguguluhan?






"What?" Parang may galit pa sa tonada ng boses niya nagmamagandang loob lang naman ako eh wala naman malisya kung tulungan ko siya hindi ba? May parte sa'kin na gusto ko siyang tarayan o irapan manlang pero parang may pumipigil din sa'kin dahil sa nararamdaman ko sa kaniya.






"Uh.. tutulungan lang sana kita,  para makaupo ka na.." gusto ko lang naman maging maayos kami pero it turns out, gusto niya pang maging magkaaway kami eh like the past. "Kaso.. mukhang ayaw mo?" Nahihiya kong Saad sa kaniya.






"What do you think of me? Weak? Huh? No thanks I can do this, see?" Pinakita niya pa sa'kin na kaya niyang buhatin at ilagay 'yung mga maleta niya  sa likod ng van. I'm not dumb I know he can, I just wanna help him. Anong masama du'n?






"Okay. Nagmamagandang loob lang naman ako eh. Gusto ko lang ipaalala na hindi ako tanga, 'wag mo naman ipamukha sa'kin dahil tao din ako may nararamdaman ako." Paalala ko sa kaniya dahil medyo nasaktan ako sa mga sinabi niya parang pinamukha niya sa'kin that I'm stupid and dumb.






"Ahh okay. Kaya pala nu'ng ako 'yung pinag sasabihan mo ng mga ganyan, di ako nasasaktan, sige lang. Pero ipapaalala kong tao din naman ako." Tumalikod na siya sa'kin nu'n at sumakay na sa loob ng van, para akong statue di makagalaw sa pwesto ko my knees are shaking from what he said about the past.. kung kanina medyo lang akong nasaktan sa mga sinabi niya, ngayon sobra akong nasasaktan.. mas nasasaktan ako sa una niyang mga sinabi sa'kin.






Pinipigilan kong 'wag umiyak dahil dapat masaya ang Christmas Eve ko at dapat mas sumaya ako bukas dahil pasko na, bukas ayokong masaktan ng sobra sa araw na 'yun dahil winiwish kong magiging okay at masaya ang araw na 'yon kahit 'yun lang.. I just wish..






Barkada  [COMPLETED] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن