Parang nabuhayan naman ako sa sinabi niya. 'Madadala ako sa panahon nang kastila? Posible ba yun? Posible kaya yun.?'

"Talaga ba bes? Totoo ba yan ? Alam mo, mejo na curious ako dun sa 'pwede ka madala sa past', hmmm, Tara! try kaya natin? Ano kaya feeling ng nasa panahon ka ng Espanyol at Amerikano?" habang napapaisip ako.

Tinaasan nia ko ng kilay niya sabay batok sakin. "Hoy, Maria Kristina, Sigurado ka ba sa mga gusto mong mangyari o ma-experience? Baka akala mo madali mabuhay sa panahon nila. Baka mag-sisi ka pag napunta ka nga sa panahong yun. Tsaka, Hello? Sobrang gulo dun, tapos gusto mo maexperience ang era nila? Baliw ka ba?. Yan na nga ba sinasabi ko sa epekto ng kakabasa mo ng mga Historical books at panonood mo ng Historical movies lalo na sa movies ni Jtarog? Jusko bes, di na nakakatuwa." sagot naman niya habang hindi mo naman maexplain ang reaction niya kung takot ba o ano.

Natawa lang ako sa reaction at sinabi niya, pero honestly, at the back of my mind, Oo nga no?, sobrang gulo ng panahon na un pero di ko talaga alam bakit wiling wili ako sa past at curious ako kung paano bang pamumuhay ang meron ang mga tao noon. Ayon kasi sa libro madaming pagkakaiba na ang henerasyon noon at henerasyon ngayon. Nandun pa yung 'Take me back to 1800's, where Love is pure and sincere", tsssss.

Tulad rin nang pagkakaroon ng agwat ng mayaman at mahirap, nasa kapangyarihan at kapos-palad, pag aalipusta nang mga kastila sa mga pilipino at pang aalipin sa mga ito, pati narin yung uri nang mga tao noong panahon na yun.

Ayon din kasi sa mga napagaralan ko, ibang iba ang mga tao noon sa ngayon dahil sa pagiging konserbatibo daw ng mga tao noon kumpara sa panahon ngayon, walang fuck boy o fuck girl, walang malandi and everything. Lahat nang lalaki may galang sa mga kababaihan. Bawal makipag titigan, makita ang talampakan, at mahawakan nang lalaki ang kahit anong parte ng katawan ng babae dahil pag nangyari, kasal agad.. In short, Pikot.. Sabi rin nila, sa panahon noon ang 'Against all odds' kasi dun nauso sinasabi nilang 'Tanan'.

"Bes, tara, gusto mo dun muna tayo sa Fort Santiago,? Maganda dun, ayon sa history class namin, dun daw ung naging kulungan ni Rizal at ng mga katipunerong nahuli nung kapanahunan ng mga kastila. Sabi pa ng prof ko, ung parang arko daw na papasok sa loob ng mismong Fort Santiago, nagsilbing kulungan daw dati. Dun din daw tinutorture yung nga kasapi ng mga rebelde o kumakalaban sa pamahalaang kastila.. Sabi pa nga, naging barracks pa daw yun ng mga Hapon noong panahon ng 1945 Battle of Manila. Pero ayun, dahil sa gyera, ung mismong arko nalang ang natira at natibag yung pinakabahagi nun. Fuerta de Santiago din daw una nilang tawag dun" pagbibida ko saknya.

Humikab naman siya na para bang nabored sa lahat ng sinabi ko. "Hanggang dito ba naman History padin? Bes, wait lang ah, Kelan ka pa naging tour guide nang Intra? Anyway, No offense bes, pero, sorry talaga, wala ko kahilig hilig sa history na yan at wala na ko balak alamin pa ang nakaraan. Past is Past you know.. Tinutulugan ko lang talaga yang subject na yan, and knowing na mas madaming historical theories nang Spanish era ang kinekwento sa university namin." muli niyang reklamo sakin..

Winasiwas niya ang kamay niya na nag sasabi 'tama na' sabay lakad at iniwan na ako magisa sa harap ng Arko ng Fort Santiago. Akmang hahabulin ko na sana siya ngunit may matanda lalaking humarang saking daan.

Mukhang nasa sesenta anyos na ata ang tanda nito, nakadamit na puti na parang pare at nakasuot nang itim na sapatos. Napalinga linga pa ko sa paligid tsaka palang nagbitiw ng kakarampot na ngiti sa matandang iyon.

"Magandang araw hija." Pagbati niya. Bumati naman ako pabalik at lalagpasan na sana siya nang muli itong nagsalita.. "Ipagpaumanhin mo munting Binibini, ngunit di ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo nang iyong kaibigan," habol pa nito.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now