Mag-aalas dos na nang matapos akong mag-ayos at agad din akong umalis ng unit. My meeting with the land owner was three o'clock. Medyo malapit lang naman dito ang restaurant kung saan kami magkikita at mas magandang ngayon na ako umalis upang hindi na makipagsapalaran sa maaaring mangyari para malate ako sa usapan.

I stood in front of the elevator that's already on its way up and pressed the down button. While waiting for it to stop on my floor, I took that chance to send Gio a message that I would go out of the unit.

Hindi ko sinabi sa kanya kanina noong magkasama pa kaming dalawa dahil alam kong mas marami siyang itatanong kaya mas magandang ipaalam ko na lang sa kanya sa text. Mas malulusutan ko kung ano man ang tatanungin niya sa text kaysa kapag tinanong niya ako sa personal. Isang tingin niya pa lang sa akin ay alam na niyang nagsisinungaling ako.

To: Gio
Gio, aalis lang ako sandali. Pupunta lang ako sa pasta restaurant na kinainan natin last time. I'm craving for pasta, and I'm too lazy right now to cook. I'll text you later kapag pauwi na ako.

Saktong pagkatapos kong magpadala ng mensahe kay Gio ay tumunog na ang elevator kasabay ng pagbukas nito. I was surprised when I saw Jarene inside the lift. She was also surprised to see me.

Ngumiti ako sa kanya. "Kagagaling mo lang sa shift mo?"

Nag-aalangan naman siyang tumango at sinuklian ang aking ngiti. Ramdam kong hindi siya mapakali kaya bahagyang nawala ang ngiti sa aking labi.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Uh... Yes! Ihing-ihi lang talaga ako. Kanina ko pa pinipigilan," sabi niya naman at mukhang madaling-madali. "I'm sorry, Dianarra, but I would have to go inside already. Next time na lang tayo mag-usap."

Nagkukumahog siyang pumasok sa kanyang unit at ilang segundo rin akong natulala bago tahimik na natawa. Napailing na lang ako at saka pumasok na sa elevator bago pa may mauna sa aking gamitin ito.

Bago tuluyang sumarado ang sinakyan kong elevator ay narinig ko ang pagtunog ng kabila na kasabay rin nang pagtunog ng aking cellphone para sa pumasok na mensahe ni Gio.

From: Gio
Okay. Magtake-out ka rin para sa akin mamaya. Mag-iingat ka.

I pouted while reading Gio's reply. I didn't expect that he wouldn't probe more. Agad niya lang akong pinayagan at alam kong mas maganda iyon para sa akin pero hindi ko maiwasang isipin na parang mayroong mali.

Bago pa lumalim ang aking pag-iisip ay nakarating na ang elevator sa basement. Binaliwala ko na lang ang mga bagay na nagpapagulo sa aking isipan at tahimik na tumungo sa aking sasakyan upang makaalis na.

"A reservation for Dianarra Buenviaje," I told the receptionist of the restaurant.

Ilang sandali siyang tumingin sa computer bago siya muling nag-angat ng tingin sa akin nang nakangiti.

"This way, Ma'am," she said and leaded the way to the reserved table.

Sumunod na lang ako sa kanya at nang makaupo ako ng maayos ay binigyan niya na ako ng menu. Tumingin-tingin lamang ako roon ng kahit anong light foods at shake habang hinihintay ang aking kikitain.

"Uhm... Excuse me?"

I raised my gaze from the menu to the elegant woman in front of me. She was wearing a shy smile, but it didn't make her smile less beautiful. Naisip ko rin na para bang pamilyar siya sa akin. I think I've seen here in some drama teleseryes and commercials before. Hindi ko nga lang kung tama ba ako dahil hindi naman ako ganoon kadalas manood sa local channels.

Behind her was a man in fourties or fifties, I think...

"Are you Mrs. Buenviaje?" she asked me.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora