Kabanata XVII. Hospital PART 2

Start from the beginning
                                    

"S-senator?" nauutal na sambit ko.

"Tinatanong kita Ace Martin." wika nito sa seryoso at malagong na tono. Ako lang ba o talagang nakakatakot talaga ang presensya ng isang Senator?

"H-hindi ko pa po n-napapag-isipan ang tungkol sa pagkakaroon ng kasintahan S-senator."

"Kung ganoon ay kailangan mo ng pag-isipan ang bagay na iyan Ace Martin dahil dyan nakasalalay ang iyong hinaharap. At may napili na kami upang maging kasintahan mo." anito. Shitzu! Meron na nga silang nakita. Amp! Bakit parang naiinis na ako sa plano ni grandpa na magkaroon na ako ng kasintahan. Tsk! Taliwas na ako sa gusto nila.

"H-hindi po ba parang masyado pang maaga para sa bagay na yan Senator." sagot ko. Hindi ko masabing ayoko ng gusto nya para sa akin dahil baka magalit sya't itakwil ako. Kailanma'y hindi nabali ang mga gusto at utos nya. Kaya naman alam kong ikagagalit nya kapag hindi ko sinunod ang nais nya para sa akin.

"Inaasahan kong sa susunod na pagkikita natin ay nakapag-isip ka na." tsk. Alam kong minamadali nya ako para maka-oo na agad ako sa gusto nya ngunit parang hindi naman tama na ipilit nya ang gusto nya.

Matapos ng salitang yun ay tumayo na sya sa maayos na pagkakaupo kanina. Aalis na sya?

Nagtungo na si grandpa sa may pinto at pinagbuksan sya ng isa sa mga bodyguard nya. Dalawa palagi ang kasamang bodyguard ni grandpa at parehas naka-all black suit.

Samantalang sinenyasan naman ako ni Alexis na sundan si grandpa at ihatid hanggang lobby. Kaya naman dali-dali akong sumunod kay grandpa palabas.

Ngunit sa paglabas nami'y may nakaagaw ng atensyon ni grandpa na syang ikinatigil namin.

"Senator Lim." bati ng isang lalaking sa tingin ko'y maawtoridad din kagaya ni grandpa. Base sa tono ng pananalita nito ay halatang makapangyarihan din. At malamang hindi nalalayo ang edad nila ni grandpa base sa hitsura nito.

"President Wang." bati naman ni grandpa dito at nakipagkamay. P-president? As in Presidente ng bansa? O President ng isang malaking Corporation? Bahagyang nanlaki ang mata ko sa tanong na nabuo sa aking isip. Ngunit napansin ko naman ang kasama ng Presidente, lalaki ito na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa edad namin ni Alexis.

"Ito nga pala ang apo kong si Ace Martin." pakilala ni grandpa sa akin. Bahagya naman akong tumungo sa President at nag-aalinlangang nakipagkamay. Ngunit--

O______O

Laking gulat ko ng makita si Zai na nakatingin sa akin at PLAIN ANG MUKHA AT ANDON PA RIN ANG MALALAMIG NYANG MGA MATA! Ano na namang ginagawa nya dito? Sinusundan nya ba ako? Tsk.

Dinig kong may sinasabi ang Presidente ngunit hindi ko na naintindihan dahil tinignan ko ng masama si Zai ngunit tinalikuran na naman ako! Grrr.

Hanggang sa naramdaman kong wala na pala akong kasama.

Lingon sa right side [>_____>]

Lingon sa left side [<_____<]

Tsk! Asan na sina grandpa?! Pagtingin ko sa daan papuntang elevator ay nakita ko sina grandpa kasabay na si President Wang at yung kasama nito.

Dali-dali akong humabol sa kanila. Sana hindi pa napapansin ni grandpa na hindi na ako nakasunod sa kanya. Tsk. Pahamak na Zai!

Mabuti na lang at hindi napansin ni grandpa. Yung dalawang bodyguard lang ang nakapansin sa akin.

Matapos kong maihatid sa lobby si grandpa ay bigla akong napaisip sa mga sinabi nya kanina. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ko pa gusto ang magkaroon ng kasintahan.

THE COLDEST (in major revision)Where stories live. Discover now