BAP: Chapter 31

14.2K 235 36
                                    


•Paalam

Third person's Pov

Bago bumagsak ng tuluyan si Lia ay maagap na nasalo siya ni Alessandro. Kahit tulala ang binata ay nagawa pa rin nitong saluhin ang dalaga.


Napaupo siya habang kalong ang katawan ng dalagang nanghihina na. Agad na dinaluhan ito ng nag aalalang si Mikhail. Habang ang tiyahin naman nitong si Alicia ay napaupo at humagulhol ng iyak..

"Sh*t! Lia, Wake up!" yugyog ni Mikhail sa dalaga. Nagmulat ang dalaga ng mata ngunit hindi niya maaninag ang nasa harapaan niya.

"Lia, please....wag kang matutulog..wag mo... kaming iiwan!" nag aalalang sabi niya sa pagitan ng pag iyak.

Ngumiti ang dalaga sa kanila bago nagsalita. "Pinapatawad.....ko...na..kayo! Gray...Tita...wag..nyong...pabayaan...ang sarili..nyo. Mahal...ko....kayo!" putol putol na wika ni Lia habang nakangiti.

Nakapikit na ang dalaga ng isang sasakyan ang dumating. Mabilis ang takbo nito habang patungo sa direksyon nila. Mabilis na umiwas si Alessandro habang buhat ang wala ng malay na dalaga.

Mabilis na bumaba ang sakay nito saka sila tinutukan ng baril.

"Ibigay mo sa akin si Lia, Alessandro!" walang emosyong wika ng bagong dating. Ngunit isang matalim na tingin ang nakuha nito sa binata.

"Over my dead body, Rinaldi. Hindi ko siya ibibigay sa iyo!" cold na sagot ni Alessandro.

"Don't push me to kill you DelaVega. Give her to me!" sigaw ni Tyler Rinaldi. Saka itinutok ang baril kay Alessandro. Lahat ng tauhan na kasama nito ay pinalibutan sila.


Walang gumalaw kahit isa. One wrong move and they all dead. Masyadong marami ang tauhan na dala ni Rinaldi. Maski na sila Mikhail at Leonard Rossi ay hindi nakakilos.

They all cornered.

"I say it again DelaVega! Give her to me!" bakas na ng galit ang boses ni Rinaldi. Ano mang oras ay kakalabitin na nito ang hawak na baril.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Alessandro sa kapatid. Ayaw niyang ibigay ang nag iisang kapatid na babae na matagal na niyang hinahanap. Kahit ibuwis niya ang buhay ay gagawin niya wag lang ito makuha ni Tyler Rinaldi.

"PATAYIN MO NA AKO PERO HINDI MO SIYA MAKUKUHA! HINDI KAILANMAN!" matatag na sagot ni Alessandro. Kasabay noon ang pagkalabit ni Rinaldi ng hawak na baril ngunit nakailag si Alessandro. Magpapaputok sana ito ulit ng humarang si Mikhail at Alicia. Nasa likod nila si Leonard na masama na ang tingin kay Rinaldi.

"Hinding hindi mo siya makukuha!" matatag na sabat ni Alicia.

Ngunit ang sinabi niyang iyon ay mas lalong nagpagalit kay Rinaldi.

"Kung ganun..papatayin ko na lang kayong lahat!" galit na sigaw ni Rinaldi sa kanila. "Men....Kill them all! Give Lia to me!" utos niya saka sila tinutukan ng mga tauhan nito.

Akmang lalapit ang mga ito sa kanila upang kunin sa kanila si Lia ng isa isang maglabasan sa kung saan ang mga men in black na may dala ng matataas na kalibre ng baril. Pumalibot ang mga ito sa kanila at tinutukan ang lahat ng tauhan ni Rinaldi.

Nagtaka ang lahat. Ngunit ng makita nila ang crest ng mga ito ay nakahinga sila ng maluwag. Sa kaliwang dibdib ng suot na tuxedo ng men in black ay nakalagay ang isang crest.

Isa iyong nakatayong Lion na may  suot na armor at may hawak ng dalawang pistol habang nakacross arms. Walang duda. Ang crest ng Organization. Ang Lion Organization. Isang white mafia na may hawak sa lahat ng mafia sa buong Europe, maging sa central America at kinatatakutan sa Asia.

Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon