BAP: Chapter 10

18.7K 330 8
                                    






Masakit na ang mga binti ko mula sa pagkakatayo dito sa kwartong may salamin. Naiinip na rin ako. Gusto ko ng umupo. Ngalay na ngalay na rin ako.



Tila dininig ang himutok ko ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Madam Lucia. Nakangisi ito na tila nanalo ng jackpot prize sa kung saan.



"Hello, girls! I'm so happy dahil lahat kayo ay may bumili sa gabing ito sa mataas na presyo. Let's go, ihahatid namin kayo!" sa likod niya ay maraming body guard.


Lumapit ang mga ito sa amin at iginiya kami palabas. Lahat sila ay may kasama maliban sa akin. Nakatayo ako doon mag isa.



"Ako ang maghahatid sa iyo, Lia. Galingan mo ha. Malaki ang ibinayad sa iyo kaya 'wag mo akong ipahiya." wika niya. Iginiya ako papunta sa casino. Kung ganoon nandito ang bumili sa akin? Sa amin? Dahil nakikita ko ang mga kasama ko na palapit sa costumer nila.




Sa isang lamesa ako dinala ni Madam Lucia. Meron doon limang matandang lalaki na mukha mga foreigner. Katabi nila ang mga kasama ko. May isang lalaki na lang doon ang walang katabi. Siya siguro ang costumer ko.



Lumapit kami sa kanya. "Hello, Mr. Tze! This is Lia. She entertained you while your here!" pakilala ni madam sa matanda.


"Hmm..Good..she is beautiful and sexy!" wika ng matanda sa slang na ingles.  Pinaupo ako nito sa tabi niya. Ngumiti ako ng tipid.



"Enjoy your night, Mr. Tze!" saka siya umalis sa tabi namin.



Nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Pakiramdaman kung ano ang mangyayari sa amin habang nakaupo kami katabi ang mga matatandang mga manyak.



"Okay, let's play!" wika ng isang foreigner. Naglaro nga sila ng poker.


Bawat hagis ng chips at fold ng card ay pabor kay Mr.Tze.




"It looks like I am lucky with you, lady!" wika niya sabay akbay sa akin. Napataas ang kilay ko. Ngumiti lang ako ng tipid saka inalis ang kamay niya. Hindi niya iyon pinansin dahil mag umpisa na ulit ang game nila.





Limang game ang hindi pumabor sa kanya kundi sa mga kalaban. Bawat panalo nila ay hinawakan nila sa hita ang mga kasama ko. Ramdam ko ang kaba at takot nila. Si Samantha nga hinahalikan pa sa leeg. Ang sama ng itsura niya. Pero kung si DelaVega siguro ang gagawa niyan sa kanya ay kanina pa siya naghubad.




Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Nang sumunod na round na iyon ay pumabor kay Mr.Tze. Nanalo siya. Sa sobrang tuwa niya ay nahimas niya ang hita ko. Gusto ko sana iyong alisin pero inilingan ako ng mga kasama ko kaya hinayaan ko na lang.




Nagpatuloy ang laro. Tuwing mananalo sila ay kami ang hinihimas o kaya naman ay hinahalikan sa leeg. Kahit kinikilabutan ako ay tinitiis ko na lang. Matatapos din naman iyon.



Madaling araw na ng matapos ang game. Nagyaya ng mag uwian ang mga kasama namin sa table. Syempre may suite sila sa hotel kaya doon nila kami dadalhin. Hinila ako ni Mr. Tze papasok ng elevator. Hahalikan na sana niya ako pagsara pa lang ng nito subalit pinigilan ko siya.




"Later, Mr.Tze! When we reached your suite!" wika ko. Tumango naman ito. Halos kasabay lang namin sa paglabas ng elevator ang iba. Pumasok kami sa suite niya.



Hindi pa naisasara ang pinto ng suite niya ay hinahalikan na niya ako sa leeg. Pinigilan ko ulit siya.



"I'll shower first! Prepare your self. If your ready lay down on the bed and wait for me!" halos dumugo ang ilong ko sa pag iingles. Tumango lang siya sabay ngisi. Alam ko na ang naglalaro sa isip niya sa mga sandaling iyon.





Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon