BAP: Chapter 12

18.4K 312 2
                                    



Hapon na ako magising dahil sa pagod ko. Tinamad din ako na lumabas kaya nagpadeliver na lang ako ng pagkain sa kwarto ko. Nasasanay na ako sa ganitong buhay. Kung dati wala akong muwang sa mga mararangyang bagay, ngayon ay nakakasabay na ako.



Mamaya may costumer na naman kami. Kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako.



Papunta na ako sa dressing room kung saan nandoon na ang ibang kasamahan ko. Wala pa si Samantha. Tatlo pa lang kami doon.




Nakipag ngitian lang ako sa kanila. Umupo sa pwesto ko saka maghihintay sa pag dating ng mga kasama namin. Inayos ko na rin ang susuotin ko ng marinig ang usapan nila.



"Girls, kilala n'yo ba iyong lalaking dumating kagabi?" tanong ni Shiela.



"Sino ba doon? Yung kamuka ba ni Alejandro DelaVega?" Balik tanong ni Amy. Na nakakuha ng atensyon ko. Lumapit ako sa kanila.



"May dumating ba kagabi?" takang tanong ko.




Sabay silang kumunot ang noo saka tinaasan ako ng kilay. "Nasaan ka ba at hindi mo alam na may dumating kagabi?" inis nilang tanong sa akin. Haler, lumabas kaya ako kasama ng costumer ko.


"Nasa labas ako kasama ang costumer ko di ba? Nag inuman pa nga sila kasama yung costumer n'yo!" pagtataray ko.



Sabay din silang napatango. Sa wakas naalala na nila.
"So, ano? Sino yung dumating?" pag ulit ko sa tanong.



Bumuntong hininga si Shiela. "Secret lang ha." sabi pa niya. Lumapit pa siya sa amin ng konti na tila isang sekreto ang sasabihin. "Si Antonio DelaVega ang dumating. Siya ang tatay ni Alejandro at may ari ng Casa Blanca. Ang sabi ng costumer ko, isa siyang mafia boss. Kilala at kinatatakutan. Isang Colombian at malaki ang mafia niya. Sikat din siya sa pagiging malupit at mahilig siya sa mga seksing babae."



Kung ganoon siya nga ang nakita ko kagabi na kasama ni Samantha. Pero bakit sila magkasama kung si Alejandro ang type niya? Tinakot kaya siya? O kaya pinagbantaan na papatayin? Hindi ko alam at wala na akong balak na alamin pa.



"Shhhh..Tama na yan! Baka may makarinig!" saway ko sa dalawa. Tumahimik na kami at naghintay na lang sa pagdating na iba. Si madam Lucia ang pumasok kasunod ang ibang kasamahan namin.



"Girls, magpaganda kayo. Marami ang costumer na kasama ng boss natin. Mamaya ay marami ang bibili sa oras ninyo!" sabi niya with matching palakpak pa.




Nagsimula na kaming mag ayos at magbihis. Saka pinapasok sa kwartong puro salamin.



Yung suot ko tulad pa rin ng dati kaya naman panay ang hila ko sa laylayan noon. Nagpaalam ako na pupunta sa c.r kaya lumabas muna ako.




Ewan ko ba kakaiba na naman ang kaba ko ngayon. Feeling ko may masamang mangyayari sa akin. Inayos ko ang hairpin ng buhok ko kung saan nakaipit din ang mga needles. Pabalik na ako galing sa c.r ng may marinig akong usapan. Malapit iyon sa kwartong may salamin.




Si Madam Lucia at Alejandro DelaVega ang nag uusap. Seryoso ang mga ito..



"Siya ang gusto ni Antonio. Ano ang gagawin ko?"rinig kong boses ni Madam Lucia.




"Eh di ibigay mo siya. Wala tayong magagawa kung iyon ang gusto ni Daddy," katwiran ni Alejandro. Pabalik-balik ito at hindi mapakali.




"Pero nabili na siya sa malaking halaga. Tiyak na magagalit si Mr. Rinaldi pag hindi natin siya naibigay agad!" may halong takot sa boses ng matandang babae. Nabili na? Sino? Mr. Rinaldi? Ano ba ang pinag uusapan nila?




Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon