BAP: Chapter 18

18.4K 328 9
                                    






"Don't dare to try me or else...." Humarap siya sa mga ito. "You will experience hell..." malamig na banta ni Lia habang nakatingin sa may likuran.




Doon nanggaling ang dagger na tatama sana sa kanya. Isang ngisi ang pinakawalan niya ng makitang sa kanya nakatingin ang lahat. Ngisi na minsan na niyang nagamit. Ang mala-demonyo niyang ngisi na nagpapanginig sa tuhod nino man. Kinuha niya ang dagger na tumama sa pader saka niya ito tinitigan. She stared them and smirk like she's a predator and she's craving for her prey. Napaatras ang iba sa kakaibang tingin at ngisi niya. Hindi nila maintindihan pero nakaramdam ang bawat isa ng pangingilag. Member sila ng kinatatakutang Mafia. Pero nakaramdam sila ng takot.




Nagsimula siyang hawakan ang talim ng kutsilyo saka iyon mabilis na ibinato. Hindi nakakurap ang lahat ng nakakita sa pangyayari. Napakabilis noon at hindi nakailag ang babaeng tinamaan. "Aaahhhhh!" sigaw niya ng bumaon sa braso niya ang dagger. Mas lalong napangisi si Lia. Ang pag daing ng babae ay isang senyales na hindi pa siya kumukupas.




Bumuntong hininga siya saka humarap sa kanila. "I've told you, don't dare to try me. I'm not thinking twice to kill you." saka niya ito inirapan. Maging si Gray ay biglang natahimik. Ngayon ay alam na niya kung bakit ganoon pahalagahan ng boss niya ang babae. Aalis na sana siya ng may biglang magsalita. Isang lalaki.




"Hell? Are you the infamous Hell I know?" biglaang tanong nito. Lahat ay nagtataka. Maging si Gray. Nabaling ang tingin nila sa lalaki. Isang assassin.  Si Garnet Durant.




Maging si Lia ay nabigla sa tanong ng lalaki. Hindi siya agad nakasagot. Napaisip siya, kung may nakakilala sa kaniya. Pero kailangan niyang makatiyak. Hindi nila pwedeng malaman.






"Bakit kaya niya nasabi na ako iyon?" tanong niya sa sariling wika. Mas dapat na tanong para sa kanyang sarili. Dahil nasa Italy sila hindi niya naisip na maiintindihan iyon ng mga kaharap. Pero nagkamali siya dahil sa sunod nitong sinabi.


"Ang infamous line ni Hell. Laging niyang sinasabi ang 'Don't dare to try me..or else you will experience hell..' Kaya naisip ko na baka ikaw iyon." sagot niya na nagpanganga sa ilan.



Ngayon talagang may alam ang lalaki. Nakakapagsalita ito ng tagalog kaya sure na siya na may alam nga ito. Ngunit ang nagtatakang mukha ng ilan ay hindi pa rin nagpatinag.


"Enlighten us, Garnet." sabat ng isang babaeng may blonde na buhok. Maputi, kulay asul na mata at seksing pangangatawan.


"Noong nasa Pilipinas ako, mahilig akong tumambay sa ilang underground arena. Doon kadalasan naglalaban ang mga gang sa Pilipinas." tumigil siya saka tumingin sa paligid.



"Then one night, there is a group of teenagers na pumasok doon. All eyes are them. They don't look like a gangster. Then other group came. Mga tunay na gangster." he paused then look at Lia's direction.



"...Nabangga ng isang teenager ang leader ng hindi sinasadya. Nagalit ito at binugbog ang teenager. Halos lahat sila. Then, a teenage girl came. Nakita niya ang ginawa ng mga gangster kaya walang salita ng sugurin niya ng suntok ang leader. Malakas siya. Galit na galit siyang sumigaw. 'Don't dare to try me..or else you will experience hell..' sigaw niya ng makitang susugurin na siya ng leader. Pero nagulat ang lahat. Her cute angelic voice turned into a demonic one. She make sure that everyone who wants to fight her will experience the real hell in her hands." mahabang kwento ng lalaki. Samantalang si Lia ay tila itinuod sa kinatatayuan. Nakatulala ito at tila mayroong malalim na naalala.




Buying a Prostitute(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon