2 years na pala ang nakakalipas at dahil pinaalala bigla ni Andria parang kahapon lang nangayari yun

Bumuntong hininga ako at kinuha yun bag pati yun gitara at naglakad na palabas. "Sa likod nalang ako baka kurutin ko pa pisngi ni Andria dahil di niya sinagot tanong ko"inis kong sabi kay Ethan kaya takang tumango lang ito sa akin.

Kaagad na ako sumakay sa likod ng pick up truck nila at kaagad na to umandar. Bumuntong hininga lang ako habang pinapanood lahat ng puno na nilalagpasan ng sasakyan. Nang tumigil na yun sasakyan sa parking lot kaagad na ako bumaba bitbit ang gitara. 

"Manliligaw kana ba kuya?"ngiting tanong ni Andria sa akin kaya inirapan ko siya. "May performance tayo sa mapeh kung ano ano pinagiisip mo dyan"inis kong sabi at nauna na maglakad sa kanila.

Ethan pov:

"Ano problema ng kapatid mo?"tanong ni Lance kay Andria ng sungitan ni Axel ito. Napanguso ng di oras si Andria"Mukhang nabadtrip ng ipaalala ko sa kanya yun nangyari 2 years ago"ngusong sabi niya kaya di makapaniwalang tiningnan namin siya. 

"Princess bakit mo naman kasi ipinaalala?"tanong ni Dylan sa kanya. "Ayaw ko na pagusapan pati ako nababadtrip din"sabi niya kaya ginulo ko buhok niya. "Sure ako na magiging maayos si Axel once na makita niya si Ein syempre aawayin pa nun yun"sabi ko sa kanya kaya napangiti ito. 

Sinundan namin si Axel at buti hindi pa to nakakalayo sa amin napangiti ako na makita si Ein kasama sila Jiro habang hinihintay kami sa entrance ng school. 

Napakunot ako sa emosyon na nakita ko sa mata ni Ein pero di ko to napangalanan. Lumapit siya kay Axel at akmang kakausapin na lagpasan lang siya neto na parang di siya nakita. "What the fuck is happening to him?"malamig netong tanong sa amin kaya napangiwi kami.

"Nag away kasi kami ate sorry nadamay ka ata sa pagsusungit ni kuya"sabi ni Andria sa kanya. "I can't fucking believe it. Pumasok ako ng maaga para sa wala. At di niya ata ako sinungitan dahil sinungitan niya talaga ako"ngitngit na sabi ni Ein at kaagad na pumasok sa loob.

Sure ako na sasapakin niya si Axel

"Wala bang pipigil sa kanya? Sure na mag aaway silang dalawa"sabi ni Lance pero umiling lang kami. "Pabayaan niyo nalang siya"sabi ni Casper sa amin at naglakad na papasok ng school. 

Axel pov:

Iritado akong naglalakad paakyat sa floor namin. Still thinking what Andria said a while ago. But I frown when her words just sink in, in my head. 

What does she mean by opening my heart again?

At dahil malamin ako nagiisip di ko napansin na may nabunggo na ako sa harap at napangiwi ako na matumba ako, sisinghalan ko na sana siya pero naumid dila ko na makita si Nerd habang ang sama ng tingin sa akin. 

"Nakabisado ko na yun kanta plus dala ko yun gitara"sabi ko sa kanya at inangat yun hawak na gitara. Pero kesa matuwa siya lalo sumama tingin niya sa akin. "Bat ang sama ng tingin mo sa akin?"kinakabahan na tanong ko at napalunok ako na tumilim tingin niya sa akin. 

"Yan lang ba ang sasabihin mo?"tanong niya sa akin na nagpakunot ng noo ko. "Ahm may nakalimutan ba akong gawin para sa performance natin?"ngiwing tanong ko sa kanya at marahas siya bumuntong hininga. 


"Unbelievable! Fucking unbelievable! pumasok ako ng maaga pero mukhang walang silbi ata ang pagpasok ko tangina!"inis na sabi niya at frustrate niyang ginulo buhok niya na ikinagulat ko. 

Cold Meets BullyWhere stories live. Discover now