Chapter 15

6K 137 16
                                    

Sorry po sa late update,busy po kasi sa Nutrition Month.So here's the update,hope you'll like it.Enjoy !

-----------------

Nandito kami ngayon sa may classroom at katabi ko itong si Chaera sa may kanan ko.Nakakainis lang kasi nakayakap siya sa braso ko,nakakadiri lang.Katabi ko naman sa may kanan ko si Tristan,yung bestfriend daw ni Kim.

"Ang gwapo gwapo mo talaga."sabi nung si Chaera sa akin

"Hahaha thank you."plastik na sabi ko sa kanya.Nakakadiri siya.Kim pwede ba ikaw na lang yumakap sa akin?Charot.

"Pare handa ka na ba sa unang pagsubok mo?"biglang tanong sa akin nung si Tristan

"Ha?Si..sige handa na ako."kinakabahan kong sagot sa kanya

"Go Patrick !You can do it."sabi nung maarteng si Misty

"Yeah just be cool brad."sabi naman nung si Philip na nasa likod namin

"Kaya mo yan Patrick.Nandito lang ako sa tabihan mo."sabi nung Chaera sa akin with matching malanding smile pa.Yuck !

"Ano ba yung unang pagsubok?"tanong ko sa kanila

"Simple lang naman."sabi ni Tristan sa akin "Kailangan mo lang naman hanapin ang isa pang kamyembro ng grupo namin."sabi ni Tristan sa akin

"Ano?May kamyembro pa kayo?Ang dami niyo pala."nagulat na tanong ko sa kanila

"Ganyan talaga para masaya."sabi sa akin ni Tristan

"So are you ready to find that person?"tanong sa akin ni Misty

"O...oo.Kaso pwede bang humingi ng clue?"tanong ko sa kanila

"Bawal."seryosong sabi sa akin ni Kim.Grabe ngayon lang sya nagsalita,napanisan na ata sya ng laway eh.

"Eh?Grabe ang daya naman.Kahit isa lang."sabi ko sa kanila

"Sorry brad.Pero bawal talaga eh."sabi sa akin ni Philip

"Haaay.Sige kaya ko to."sabi ko sa kanila

Nagtingin-tingin ako sa mga kaklase namin.Sino kaya dito yung kamyembro pa nila?Lalaki kaya siya?O baka naman babae?Haaay ang hirap !Lord of all Gay please help me.

Iyun kayang lalaking madaldal?Hmm pwede.Baka naman yung nerd na babae?Hmm hindi ata,parang hindi siya bagay sa kanila kasi madaldal silang lahat pwera na lang pala kay Kim.Iyun kayang lalaking mataba?Hmm siguro?O baka naman yung babaeng mataray?Hmm pwede !

Pero hindi lang dapat ako nanghuhula,kailangan ko pa ng ilang proof.Ano kayang pwedeng clue?Be observant Patrick,kaya mo yan!Para makapasok sa grupo nila kailangan mo tong gawin.

Maya maya,pumasok na yung teacher namin.Math ata ang subject namin ngayon,haaay katamad!Ang hirap kaya ng Math,bahala na sila.

"Okay class Good Morning."bati sa amin nung teacher

"Good Morning Mam Cindy."sagot namin sa teacher

Nagturo lang siya sa harapan namin samantalang ako ay hindi nakikinig at patuloy lang sa paghahanap ng kamyembro pa nila.Bukod sa busy ako sa paghahanap,ayaw ko din ng Math kasi nakakatamad.Ang hirap hirap kaya.Pero infairness,ang galing pala ni Kim sa Math.Yieee pwede ko na siyang tutor sa Math kyaaaaah kakilig.

"Okay Clara come here in front and answer this equation."sabi ni Mam Cindy doon sa nerd na babae

Tumayo na yung nerd at nagsimula ng magsagot sa board.Napansin ko lang may tattoo siya na diamond na kulay itim sa may hita.Para saan kaya yun?Ang ganda lang parang gusto ko din magpalagay nun.Ang astig !

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon