Chapter 47

4.7K 123 39
                                    

Medyo napabilis ang update ko ngayon haha ang gaganda kasi ng comments sa previous chapter.Sana patuloy kayo sa pagsupport,malapit na nating maabot ang ending,konting hinga na lang.Sana magustuhan niyo ang chapter na ito at hinabaan ko ito para makabawi naman.Hindi ko na papahabain,enjoy !

----------------------------------

Tuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko noong nakita ko ang galit na galit na ekspresyon ni tita matapos niya akong sampalin sa kanang pisngi ko.Nakakatakot siya,ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit.

“Tita bakit po?Bakit niyo po ako pinagbabawalang makita si Tristan?”naluluha kong tanong kay tita kasi hindi ko alam ang nagawa kong kasalanan para gawin niya iyun

“Pinagkatiwalaan kita sa anak ko.Kahit na ayaw ko sayo pinagkatiwalaan kita kasi mahal ka ng anak ko pero anong ginawa mo?Nasaktan lang siya dahil sayo!”sigaw sa akin ni tita na dahilan para mas mamuo pa ang mga luha sa mata ko

“Tita...”yan na lang ang nasabi ko kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.Natatakot ako sa kanya ngayon,sa matatalim niyang tingin sa akin.

“Malas ka sa anak ko!Sinasabi ko na nga ba eh,dapat hindi kita pinagkatiwalaan!Dapat noong una pa lang tumutol na ako sa relasyon niyo!”sigaw sa akin ni tita.Matapos niyang sabihin iyun,parang biglang sinaksak ang puso ko.Akala ko gusto niya ako para sa anak niya,akala ko payag siya sa relasyon namin,hindi pala,nagkamali ako.

“Tita aksidente po ang nangyari.”naluluha kong sabi kay tita

“Anong aksidente?Nalaman ko na ang dahilan kung bakit yun nangyari sa kanya.Sinaktan mo siya,iniwan mo siya,matapos ng pagmamahal niya sayo nagawa mo pa yun?Ang kapal din naman ng mukha mo!”sigaw sa akin ni tita “Hindi ka bagay sa kanya,hindi kayo para sa isa’t-isa.Ang lalaki para lang sa babae!Itatak mo yan sa utak mo.”sigaw sa akin ni tita na dahilan para manghina ako

“Tita tama na po.”pagmamakaawa ko kasi hindi ko na talaga kaya ang bawat matatalim na salita na binibitawan sa akin ni tita

“Masakit ba?Wala pa yan sa sakit na naramdaman ng anak ko!Hindi ka para sa kanya tandaan mo yan!”sabi sa akin ni tita “Simula ngayon hindi mo na pwedeng lapitan si Tristan!Masamang impluwensya ka sa kanya.”sabi sa akin ni tita na dahilan para manghina ako

“Tita please huwag niyo pong gawin ito,hindi ko po kakayanin kapag ginawa niyo ito sa amin ni Tristan.”pagmamakaawa ko kay tita habang hawak hawak ang kamay niya

Tinaggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya “Pwede ba?Huwag mo nga akong hawakan!Umalis ka na dito hindi ka namin kailangan!”sigaw sa akin ni tita

“Pero tita mahal ko po ang anak niyo.”naluluha kong sabi kay tita

“Mahal mo siya,ikaw mahal ka ba?”mataray na tanong sa akin ni titan a dahilan para matigilan ako “Umalis ka na dito kasi kahit kailanman hinding hindi mo na makikita ang anak ko!”sigaw sa akin ni tita saka isinara ang pintuan ng kwarto ni Tristan

Bigla akong napaupo sa malapit na upuan na malapit sa kwarto ni Tristan dahil sa sobrang panghihina.Patuloy ako sa pag-iyak,gusto kong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko,gusto kong pumatay ng tao.Bakit lagi na lang akong nasasaktan?Sadya na ba talagang nakakabit sa pangalan ko ang mga salitang sakit,pagdurusa,iyak?Wala ba akong karapatang lumigaya?Sumaya?Magmahal?

Habang lumuluha ako,naramdaman ko na lang ang isang yakap,isang napakahigpit na yakap.Napatingin ako sa kanya at nakita ko si Chaera.Mas napaluha ako ng makita ko siya.Pakiramdam ko nakakaawa ako ngayon,pakiramdam ko mukha akong naaapi.

“Tama na,huwag ka ng umiyak.Shsss.”bulong sa akin ni Chaera habang umiiyak ako

Niyakap ko din siya ng napakahigpit,napakaswerte ko talaga sa kaibigan kong ito “Salamat Chaera.”naluluha kong sabi sa kanya “Salamat kasi matapos ng pagmamataray ko sayo noon,nandyan ka pa din sa tabi ko,sinasamahan ako.Salamat talaga.”sabi ko sa kanya habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko

Badidang(Gay Story)Where stories live. Discover now